FORTY "ANO DAW ang cause ng sunog?" Tanong ni Rasha kay Diana. Nasa opisina siya kasama ang mga restaurant staff, si Dana, ang Kuya Lance niya at si Railey na nakasandal sa may pintuan. Nang magising siya ay kalat na ang dilim at nang malaman niya ang nangyari sa restaurant ay agad siyang pumunta sa opisina para tipunin ang lahat at kumustahin. "Ayon sa fire officer na nakausap ko may nag-short circuit na linya ng kuryente sa kusina at do'n nagsimula ang apoy," sagot ni Railey. Hindi niya pinansin ang sinabi nito at nanatili siyang nakatingin kay Diana. Ramdam niya ang titig nito pero pinilit niyang balewalain 'yon. "Kumusta? May nasaktan ba sa inyo?" Isa-isa niyang tiningnan ang mga staff na nakatayo sa harapan niya at napansin niyang wala doon si Riz Anne. "Si Riz Anne? Nasaan siya

