Kabanata 9

1287 Words
Ryder's PoV INIHATID ko ng tingin si Nomi na lulan ng kotse nito. Matapos naming nakapag-usap ay nagpaalam na ito sa akin na uuwi. Gustuhin ko man na hindi muna ito umuwi ay hindi ko na rin ginawa. Alam kong magulo ang isip ng dalaga dahil sa ginagawa ng mga magulang nito sa akin. Nagpasya akong manatili sa labas ng hospital dahil kasama ngayon ni Nanay si Tatay sa loob ng kuwarto kung saan ito naroon. Inaatake pa rin si Nanay ng hika at hindi pa rin maayos ang paghinga nito. Kailangan na ma-admit pa si Nanay ng dalawang araw para na rin ma-monitor ang pagtaas ng blood pressure nito. Hindi lang hika ang sakit ni Nanay kun'di may high blood din pala ito. Binigyan ako ni Nomi ng pera kanina, kahit na nahihiya ako sa aking kasintahan. Naubos ang aking ipon sa pagbili ng mga gamot ni Nanay at sa mga binili kong paninda na nasira lang. Hinihintay ko pa ang aking kaibigan na si Shea na pinaghihiraman ko ng pera. Uminom ako ng tubig at isinandal ang aking likod sa stainless na upuan. “Ryder, right?” Tiningala ko ang tumawag sa aking pangalan. Nakita ko si Lyndon na nakapamulsa ang kamay sa suot na black pants. Umupo ito sa bakanteng silya na malapit sa akin. “Mukha kang stress na stress,” pang-aasar pa nito sa akin. Akma akong tatayo para makaiwas sa gulo pero muli itong nagsalita. “Huwag mong pangarapin na ikaw ang pakakasalan ni Nomi dahil hindi iyon mangyayari.” Tumayo ito at nginisihan pa ako. “Kung pera lang ni Nomi ang gusto mo p'wede kong tapatan iyon ng kahit na magkano lalo na’t mas mayaman naman kami sa kanila. Wala akong choice kun'di pakasalan si Nomi at ganoon din siya. Pero sure ako na kapag napalig@ya ko siya sa kama, makakalimutan ka rin niya,” makahulugang sabi nito sa akin. Ikinuyom ko ang aking kamay at marahas akong tumayo. Inundayan ko siya ng isang malakas na suntok sa pisngi. Sa lakas no'n napaupo ito sa silya na naroon sa waiting area. Dumugo ang bibig nito at ilong dahil sa aking ginawa. Hindi pa ako nakuntento at sinipa ko ang silya na nasa tabi nito at nagtumba iyon sa tabi ni Lyndon na bakas sa mukha ang pagkagulat. Hinatak ko ang kuwelyo ng suot na polo t-shirt nito at saka ko siya pwersahan na itinayo. “Subukan mong bastusin ulit si Nomi at hindi lang iyan ang mangyayari sa iyo! Siguro nga pinakamayama ka ngunit sasabihin ko sa iyo na hindi ka habambuhay nasa kinatatayuan mo.” Marahas kong binitawan ang kuwelyo ng polo t-shirt nito at saka ito itinulak. “Mahal namin ni Nomi ang isa’t isa at hindi iyon magbabago, tandaan mo iyan!” singhal ko rito bago ko siya tinalikuran. Malayo na ako rito nang makita kong mabilis itong nilapitan ng mga security mens. Hindi ako natatakot kay Lyndon o sa kahit na sino. Walang magbabago sa nararamdaman ko para kay Nomi. KINABUKASAN habang nasa bahay ako at inaasikaso ang aking mga kapatid na papasok sa eskuwela ay humahangos na pumasok sa aming bahay si Kuya Imong. Sapo nito ang dibdib at halos mawalan ng hangin. “Ba-Bakit ho kayo napasugod dito, Kuya Imong?” kinakabahan kong tanong sa matandang humahangos sa harapan ko. “Ry…der…” Hinawakan nito ang aking balikat. “Ang Tatay mo… naaksidente,” anito na animo’y hinahabol ang paghinga. Nabitawan ko ang hawak kong baunan. Napatingin ako sa aking mga kapatid na nag-aayos ng mga gamit sa eskuwelahan sa sala. “Sa-Saan po ngayon si Tatay?” naiiyak kong tanong dito. “Na-Nasa hospital kung saan naroon ang Nanay mo, isinugod namin siya doon dahil nabangga siya ng rumaragasang kotse, Ryder.” Napaupo ito sa silya na hawak ang dibdib. “Sige na umalis ka na at puntahan mo ngayon ang Tatay mo. Ako na ang bahala sa mga kapatid mo, Ryder.” Tumingin ako sa aking bunsong kapatid na umiiyak. Hindi naman nakapagsalita si Nestor at sumunod ito sa akin. Sumakay kami sa tricycle ni Kuya Imong patungo sa hospital kung nasaan ngayon ang aking Itay. Habang pinapatakbo ko ang tricycle ay hindi ko mapigilan na isipin si Sir Bing at ang mga salitang binitawan nito laban sa akin. “Kuya, lumampas na tayo sa hospital!” sigaw sa akin ni Nestor. Tila wala ako sa aking sarili dahil sa aking mga iniisip. Kung hindi pa ako sinigawan ni Nestor baka dire-diretso lang ako sa pagpapatakbo ng tricycle. Naunang bumaba ng tricycle ang aking kapatid. Nagtanong kami sa nurse na naroon sa may front desk kung saan naroon ang aming ama. “Lukas Arandrea, nurse,” sabi ko na nanginginig ang aking boses. “Nasa emergency room po siya. Siya iyong isinugod kanina dito na na-hit and run,” malungkot na sabi sa akin ng babaeng nurse. “Doon sa hallway sa kanan naroon ang Emergency Room, nasa loob pa lang si Doc Ibanes,” dagdag pa nito. Nagtawag ito ng kasamahang nurse para samahan kami sa emergency room. Bumubuhos na ang luha sa mga mata ni Nestor habang naglalakad ito patungo sa emergency room. Para akong binagsakan ng malaking pader at hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. Ngunit kailangan kong ipakita ang aking katatagan sa aking mga kapatid at kay Inay. Sa maliit na bintana nakikita namin si Itay. Nakaratay ito sa hospital bed at maraming mga tubo ang nakakabit sa duguan katawan ng aking ama. May nakasabit din na dugo habang ginagamit ni Doc Ibanes ang aking itay na sa tingin ko may bali sa balikat at may benda din ito sa ulo. “Kuya! Kailangan natin itong i-report sa mga pulis. Kailangan mapanagot ang mga gumawa nito kay Tatay, Kuya! Napakasama nila!” Humahagulhol na sabi ni Nestor. Sinipa nito ang mga silya sa waiting area at sinuntok ang pader. May mga dumating na dalawang pulis sa kinaroroonan namin ni Nestor. “Ikaw ba ang anak ni Lukas Arandrea?” seryosong tanong nito sa akin. Mabilis akong tumango at lumapit dito. “Na-hit and run daw po ang Tatay ko, sir.” “Iyon nga salaysay ng mga nakakita. Ang problema walang plate number iyong sasakyan na nakabangga sa Tatay mo. At hindi rin nakuha ng CCTV ang nangyari sa Tatay mo.” Tinapik ng matandang pulis ang aking balikat. “May kaalitan ba ang Tatay mo? O baka naman may atraso kayo sa ibang tao.” “Mabait na tao ang Tatay ko, sir. Mahirap lang kami pero wala pa siyang nakaaway dahil palakaibigan ang aking ama. Matulungin pa sa kapwa at hindi madamot. Kailangang mapanagot ang gumawa nito sa Tatay ko, sir,” naluluhang sabi ko rito. Muli nitong tinapik ang aking balikat. “Ginagawa namin ang aming makakaya. Huwag kang mag-alala dahil iniimbestigahan namin ang nangyari. Maiwan na namin kayo at magbibigay na lang kami ng report.” “Maraming salamat, sir.” “Gagawin namin ang lahat para mapanagot natin ang driver ng kotseng iyon, iho. Maiiwan ko na kayo.” Pagpapaalam nito sa amin. “Kuya… hindi kaya may kinalaman ang mga magulang ni Ate Nomi? Pinag-uusapan ng mga kapitbahay natin ang matapboreng mga magulang ni Ate Nomi, Kuya.” “Nestor, huwag kang magsalita ng kung ano lalo na’t wala tayong matibay na ebidensya,” suway ko sa aking kapatid. Masama akong tinignan ni Nestor. Alam kong masama ang loob nito ngunit hindi p'wedeng magbintang ito ng walang ebidensya at baka mas lalong lumala ang sitwasyon. Magulo na rin ang aking isip at hindi ko na alam kung ano pa ba ang dapat kong sundin. Mahal na mahal ko si Nomi ngunit bakit ganito ang nangyayari ngayon sa aking pamilya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD