CHAPTER 1
AUTHOR'S NOTE:
Hello readers! Sana lahat kayo ay nasa mabuting kalagayan.
Ang nobelang ito ay bunga sa pagiging malikot ng aking isipan. Ang mga pangalan ng bawat nasabing karakter, lugar, eksena tagpuan ay hindi ko sinadyang maihahantulad sa nangyayari sa paligid.
Ang lahat ay imahinasyon ko laman. Ang pabalat ay hindi ko pagmamay-ari. Kinuha ko sila sa ctto: PINTEREST website. As usual ay enedit ko lang sa Photoshop ang napili kong maging modelo. Sinimplehan ko lang ang pag-layout dahil tinatamad minsan author ninyo...
© Fadeydrucilla ✍️
*************************************************
(AUTHOR'S POV)
"Chad gusto kita!" Sigaw ni Cutie sa isang genius cold guy na crush ng buong campus. Napalingon naman ang ibang mag-aaral sa nakarinig sa pagtatapat ng dalaga sa binata. Nilingon lang siya ni Chad na walang ka emosyon habang nakamulsa.
"I don't like ugly women." Cold niyang sabi.
"Bahala na basta gusto kita. At papatunayan ko iyon na gusto talaga kita Chadwick." Nakangiti nitong sabi. Nagbubulongan naman ang mga studyante sa palagid. Hindi nakinig ang binata at umalis lang ito na walang pakialam sa ibang kababaihan na todo papansin sa kanya.
"My goodness ano hindi talaga nahihiya ang babaeng iyan? Sa gitna pa ng campus nagtatapat!" Bulong ng isang babae.
"Taas ng self confidence eh!" Sabat ng isa na nakaismid.
"Hindi siya magugustuhan ni Chad. Look at her ang pangit pa tapos ang Chad natin saksakan ng kapogian. Kaya hindi sila bagay." Mataray na sabi ng isa sa mga mag-aaral.
Hinahayaan ni Cutie ang panglalait sa kanya. Basta para sa kanya ay naipagtapat na niya ang tunay niyang pagkagusto kay Chadwick. Nilingon niya ang kapaligiran na pinagtatawanan lang siya ng mga ito. Naglakad siya at paakyat sa hagdan papunta kung saan ang kanyang classroom sa Section H.
Bawat daanan niya ay pinagtatawanan siya at ayon na nga pinagbubulongan siya ulit ng mga kalalakihan at kababaihan. Hindi niya pinansin ang mga ito at nagpatuloy lang siya sa kanyang paglalakad.
Hanggang sa marating niya ang kanyang classroom na agad naman siyang sinalubong ng kanyang dalawang bestfriend na sila Ayeng at Esoy na isang bakla.
"Hoy Cutie bakit mo nagawa iyon?" Bungad sa kanya ni Ayeng at saka siya naupo. Tinitingnan lang siya ng kanyang mga kaklase. Alam kasi ng lahat kung sino si Chadwick at isa itong kilalang clever guy na may 200 IQ at isang cold na walang masyadong kaibigan dahil mas gustuhin nitong mag-isa.
"Hehehe... Ano kasi alam ninyo naman na gusto ko siya diba simula ng nung first year high school pa tayo at simula ng una ko siyang makita ay agad nahulog ang loob ko sa kanya. Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas na loob na nagtapat sa kanya." Nakangiting sagot ni Cutie at nag-iimagine siya na nakangiti si Chad sa kanya. Nasa second year high school na sila.
"Ano naman ang sinabi sayo ni Chad?" Usisa ni Esoy.
"Tinanggap ba niya ang confession mo?" Excited na tanong ni Ayeng. Huminto si Cutie sa pag-iisip kay Chad at sinagot ang mga katanungan ng kaibigan.
"Hindi. Sabi niya, I don't like ugly women." Nakanguso na sumbong niya at naupo ang dalawa sa upuan nila.
"Hindi ka talaga magugustuhan nun at saka ang layo ng antas ninyong dalawa. Siya nasa section A ikaw nasa section H. A, B, C, D, E, F, G, H. See, pitong hakbang bago mo siya maabot. At ang hirap kaya nun dahil si Chadwick matalino tayo hindi. Kaya nga diba andito tayo sa section H kasi mga bobo tayo." Paliwanag ni Ayeng with action pa sa kanyang kamay.
"Hoy dai grabe ka naman sa word na bobo. Slow learner huwag bobo para sosyal." Sabat ni Esoy.
"Basta bahala na bobo ako ipapakita ko sa kanya na seryoso ang isang katulad ko." Nakangiting saad ni Cutie sa sarili.
Uwian na hinahanap ulit ni Cutie si Chadwick ngunit hindi niya ito nahagilap. Nalungkot naman siya na hindi niya nasilayan ang kanyang crush.
"Baki't ka nakabusangot?" Tanong ni Ayeng na nakanguso.
"Malamang hindi niya nakita si Chadwick." Sabat ni Esoy.
"Alam ninyo ba kung saan siya nakatira?" Usisa ni Cutie.
"Hindi. May balak ka bang puntahan siya sa kanila?" Tanong ni Ayeng na huminto sa paglalakad at hinarap si Cutie na mabagal na lumakad at ganoon narin si Esoy huminto ito.
"Hindi ah!" Agarang sagot ni Cutie at matulin na lumakad at nauna sa dalawa.
Pagdating sa bahay ay bumungad sa kanya ang kanyang alagang aso na si Gordon na kumawag ang buntot nito.
"Gordon, I miss you! Namiss mo ba ako?" Pout niya sa aso. Tumahol lang ang aso at dinamba siya nito at dinilaan sa mukha. Nasanay na siya sa ganitong routine ng kanyang aso at araw-araw naman niya itong pinapaliguan kaya para sa kanya malinis si Gordon dahil kompleto rin ito ng vaccine at vitamins. Si Gordon ay isang saint Bernard dog na regalo sa kanya mula sa kanyang tita na naninirahan na sa states.
Sumunod lang ang aso sa kanya sa loob ng bahay. Naabutan niyang abala ang kanyang papa sa pagluluto ng masasarap na pagkain at ang kanyang ina ay abala sa pagtutupi sa mga bagong nilabhan na damit.
"Mama at papa nandito na ako!"
"Alam ko ate nandito kana hindi mo kailangang sumigaw!" Binatokan niya ang kanyang kapatid na lalaki. Kinamot lang ng kanyang kapatid ang kanyang ulo.
"Kumusta ang pag-aaral anak?" Tanong ng kanyang papa habang abala sa paghiwa sa mga gulay.
"Mabuti naman po papa." Magalang niyang pagsagot.
"Magbihis kana para pagkatapos magluto si papa mo ay kakain na tayo."
"Yes mama." Sagot ni Cutie at tumungo sa kanyang kwarto.
Nasa loob na siya ng kwarto at sinabit niya ang kanyang bag sa may sabitan sa dingding at nagpalit siya ng pambahay na kasuotan. Isang pajama at sando at ang school uniform niya ay nilagay niya sa labahan at dinala niya sa labas upang labhan.
Pagkatapos niyang maglaba ay sinabit niya sa hanger at sinampay sa sampayan sa likuran ng bahay nila.
Sabay sila kumakain na masaya nagkukukwentuhan.
"Sa susunod na linggo lilipat na tayo." Biglaan na pagsabi ng kanyang ina. Nagulat naman sila Cutie at ang kapatid nitong lalaki na si Seth.
"Baki't?!" Sabay na tanong ng dalawa.
"Alam ninyo naman mga anak ay nangungupahan lang tayo dito hindi ba?" Paliwanag ng ama na kinatango ng dalawa.
"Gagamitin na kasi ng may-ari ang lupa dito at may ipapatayo sila na isang malaki na building. Kami ni mama mo nakapagdesisyon na at nakahanap narin kami ng titirahan natin." Paliwanag ng ama.
"Saan naman kayo kumuha ng pambayad para sa bagong tirahan natin?" Inosente tanong ni Cutie.
"May naipon kami ni papa ng kaunting pera kaya iyon ang ginamit ko na pang-advance payment. Luckily ang may-ari ng lupa ay ang aking bestfriend ko noon mula elementarya hanggang highschool na matagal na kaming hindi nagkita. Dahil doon siya pinatapos ng kanyang mama sa Germany. Aniya ay saka kuna babayaran ang kulang kapag may pera kami ni papa. Atat na atat na nga siya na makalipat tayo dahil kinuwento ko kayong dalawa sa kanya." Nakangiti na kwento ng kanyang mama.
"May pamilya naba ang bestfriend mo mama?" Curious na tanong ni Seth.
"Oo, nakapag-asawa kasi siya ng isang CEO at may dalawa na silang anak." Sagot ng ina at sumubo ito na may ngiti sa labi.
"Paano kung malayo iyan sa school namin mama?" Tanong ni Cutie.
"Medyo pero hindi naman gaano anak. Pwede kang magbike kung gusto mo ayaw mong maglakad." Paliwanag ng ina.
"Kumain na kayo mamaya nayang tungkol sa lipatan natin." Sermon ng kanilang ama.
Maagang pumasok si Cutie sa school upang makita si Chadwick. Naghinhintay si Cutie at kalaunan ay nakita niya itong nagbabike. Pinarada ni Chad ang bike sa paradahan ng mga bike sa loob ng campus malapit sa gate. Sinalubong siya ni Cutie na may matamis na ngiti.
"Good morning Chadwick!" Nagulat naman ang binata sa ginawa ni Cutie.
"What do you want?" Masungit niyang sabi.
"You is my kailangan!" Nakangiti parin si Cutie.
"Stupid! Don't bother me." Umalis ito sa harapan ni Cutie at naglakad papunta sa kanyang silid sa 1st floor. Tatlong palapag ang kanilang High school academy. Sinundan ni Cutie si Chad na mala-ginoo ang paglakad.
"Hi Chad namin ang gwapo mo talaga!" Kinikilig na banggit ng isang mag-aaral sa gilid. Ang Chad ay masyadong malamig hindi niya pinapansin ang mga babaeng panay papansin sa kanya.
"Chad! Ang pogi mo!" Tili ng nakablondeng mag-aaral.
Nakapasok na si Chad sa loob at ang mga kaklase nito ay binati siya ng good morning. Tumango lang siya bilang pagtugon sa kanila.
Huminto si Cutie sa 'di kalayuan ng pintuan na sapat lamang na makita si Chad. Bago nilasan ang harapan ng classroom section A ay tiningnan niya ng mabuti si Chad na abalang nagbabasa ng aklat malapit sa may bintana.
"Haisst ang gwapo talaga ng crush ko!" Bulong niya sa sarili. Bago paman siya makita ng mga kaklase nito ay umalis siya agad patungo pababa kung saan ang kanyang classroom.
"Cutie Barcelona, you're late!" Galit na bungad ng kanilang terror teacher na si Ginoong Lam na nakatighawak pa habang nakaharap sa may pintuan. Huminto naman si Cutie at ngumuso.
"Naku lagot na ngayon!" Natatakot niyang bulong sa isipan.
"So-sorry sir! Hindi na po mauulit!" Nakayuko niyang sabi at kinagat ang labi sa takot.
"Get in! And sit down! You're wasting my time!" Sermon nito. Natataranta naman si Cutie na papunta sa upuan at naupo agad.
"Now, what is Algebra?" Tanong ng guro sa kanila. Sapagkat ni isa sa kanila ay walang nakasagot.
"Pati Algebra hindi ninyo alam?! Ikaw Cutie total ikaw ang nahuli sa klase ano ang Algebra?" Tumayo si Cutie na nag-iisip.
"Ano ba ang Algebra?" Tanong niya sa sarili. Tatlong segundo ngunit hindi siya nakasagot.
"Sit down! Baki't pa kayo nakarating dito sa High School kung pati Algebra ay hindi ninyo alam?!"
"Kay simple ng aking katanungan subalit ni isa sa inyo ay hindi man lang alam kung ano ang Algebra? Paano pa kaya kung nasa problem solving edi nganga kayo lahat!" Hinampas ni Ginoong Lam ang lamesa at napaigtad naman ang lahat sa takot sa kanya.
"What a brainless student! Dahil hindi kayo nakasagot i will make it assignment. Just make sure na lahat kayo ay makakasagot bukas. Class dismissed!" Bilin niya sa lahat at lumabas na ito. Nakahinga ng maluwag ang lahat sa paglabas ng guro.
"Hay salamat nakahinga rin ako ng maluwag! Parang nasusufocate na ako kanina. Parang walang hangin dito sa loob ng classroom natin." Wika ni Esoy at namamaypay pa gamit ang kanyang kamay.
"Buti na lang walang sakit sa puso ang matandang iyon!" Naiinis na sabi ni Ayeng.
"Hoy bibig mo baka may makarinig sa atin. Tapos ipapaalam kay sir lagot tayo..." Mahinhin na saway ni Cutie kay Ayeng.
"Totoo naman eh. Nakakainis na kasi siya. Hindi naman pwede na lahat na lang ng mag-aaral kay katulad ni Chad." Ani ni Ayeng na makikita sa awra nito ang totoong pagkainis sa kanilang guro sa mathematics.
Break time nakita ni Cutie si Chad na papasok sa pool area room ng mga player sa swimming. Dahan-dahan niyang sinundan ito papasok.
"Ano kaya ang gagawin niya dito?" Tanong niya sa sarili sa mahinang tono.
Nakita niya si Chad na huminto malapit sa pool at may biglang lumabas na isang magandang babae na may mahaba ang buhok na may bitbit na regalo.
Hindi siya nagpakita nagtago lang siya sa 'di kalayuan. Nakatalikod si Chad at ang babae ay nakaharap sa kanya na may ngiti sa labi.
"Anong kailangan mo sa akin?" Cold na sabi ni Chad. Alam ni Cutie kung sino ang magandang babae. Si Mitchell na beauty queen ng campus at magka-klase ang dalawa.
"Gusto ko lang ibigay sayo ng personal ang regalo ko sayo." Maarte niyang sabi sabay bigay sa regalo.
"Bakit pinapapunta mo pa ako dito kung regalo lang naman pala ang ibibigay mo?" Cold parin niyang tanong.
"Wala lang. Gusto ko lang na tayo lang dalawa sa paligid na walang makakakita." Ngiti nito.
Nang gusto niya ng talikuran si Mitchell para paalis na sana ay nadulas siya at nawalan siya ng balanse na nagiging sanhi upang siya ay malaglag sa pool. Nagulat si Mitchell at tutulongan sana niya si Chad pero huli na dahil nahulog na ito sa tubig. Ang Cutie ay ganoon rin ang kanyang reaksyon sa nasaksihan.
Ang buong akala ni Mitchell ay nagkunwari si Chad na kinakampay ang mga kamay na parang hindi makaahon sa tubig. Panay ito sa pagtaas sa kanyang kamay na tila nahihirapan na ito.
"Hep....." Sigaw ni Chad sa ilalim ng tubig na nahihirapan na siyang huminga o makapagsalita. Hindi naiintindihan ni Mitchell ang kanyang sinabi. Nang mapagtanto ay sumigaw siya ng tulong.
"Tulong! Tulong!" Natataranta niyang sigaw. Ang pagkakaalam niya ay sila lang dalawa talaga sa loob ng pool area. Without knowing na may nakikinig sa kanila.
Naalarma naman agad si Cutie sa nakita at alam niya sa kanyang sarili na malulunod na si Chad. Tumakbo siya at walang pag-alinlangan na tumalon sa pool upang iligtas si Chad. Inahon niya si Chad na nabibigatan siya ngunit wala siyang pakialam sa bigat nito. Basta matulongan niya si Chad na walang malay. Tumulong naman si Mitchell sa paghila para maihiga ito sa flat surface.
"Tumawag ka ng rescue ngayon din!" Utos niya na natataratang tumakbo si Mitchell palabas. Chinecheck niya ang breathing at responsiveness nito. Inilapit niya ang kanyang tainga sa ilong at bibig ni Chad at pinapakiramdam kung may hangin bang lumalabas o gumagalaw ba ang kanyang dibdib. Habang chinecheck ay tinawag niya si Chad sa pangalan nito.
"Chady! Chady!" Ngunit wala itong response. Subalit wala itong malay at hindi humihinga na pinangamba niya kaya sinimulan niya ang tinatawag na rescue breathing o CPR. Medyo nagdadawalang-isip pa siya nang una dahil bibig sa bibig ang magaganap. Pumikit siya sa una at pinisil ang ilong saka inilapit ang kanyang bibig kay Chad at para mai-seal. Binugahan niya ng hangin at kasunod ang kanyang ginawa ay chest compressions. Binugahan ulit niya ng hangin ang bibig nito at ginawa ulit ang chest compressions. Sa pangatlong chest compressions na ginawa niya ay umubo ito at nailuwa ni Chad ang maraming tubig. Nagising siya... Sapagkat blurry ang paningin niya kay Cutie.
Sakto rin ang pagdating ng mga taga-rescue at nang makita nilang may malay na si Chad at tiningnan nila saglit si Cutie saka binuhat ng dalawang tao si Chad at inilagay sa folding bed na may mga maliliit na gulong. Nang makita ni Mitchell si Chad ay dali itong lumapit.
"Chad, thank God nagising ka! Kailangan ka namin dalhin sa hospital!" Aniya sa pag-alala
Sumunod naman si Mitchell sa nagdala kay Chad na pinikit ang mata na hindi nagsasalita.
Naiwan doon si Cutie na nakatingin sa papalayong hinihigaan ni Chad na tinulak ng isang taga-rescue. Nagsiksikan naman ang mga mag-aaral sa labas para makita si Chad na inilabas mula sa pool area room. Daling pinasok sa ambulansya at sinugod sa hospital na kasama niya si Mitchell.
Pumasok doon ang dalawa niyang bestfriend at nakita siyang basa ang buong katawan.
"Isa ka talagang anghel Cutie!" Nakangiti na bungad ni Ayeng.
"Biruin mo sa dinadami-dami ng nalunod sa pool ay ang pinakamatalino sa buong campus. Ang ikaw pa mismo ang nag-rescue sa kanya!" Pumalakpak si Esoy. Ngumiti lang si Cutie.
"Tiyak na pasasalamatan ka nun at baka sa pamamagitan ng iyong ginawa ay maging malapit kayo sa isa't-isa." Kinikilig na banggit ni Ayeng.
"Tama ka!" Kinikilig na sang-ayon ni Cutie. Kinilig narin si Esoy.
"So, it means ang first kiss mo naibigay muna sa kanya?" Ani ni Ayeng.
"First kiss? Hindi pa naman ako nahalikan!" Nguso ni Cutie.
"Diba Cutie ang CPR ay bibig sa bibig?" Clarify ni Esoy.
"Oo..." Nang mapagtanto ay lumaki ang kanyang mga mata sa natuwa. Kinagat niya ang kanyang sa labi. Habang iniisip niya ang kanyang ginawa ay hindi niya maiwasang pamulahan ng mukha.
"See? He is your first kiss!" Nagagalak na kutya ng dalawa kay Cutie. Kinilig naman ng bongga si Cutie.
"Ummm... Nahihiya akong lumabas ngayon dahil basa ang aking uniforme." Nang makahinuha ay wala siyang extrang damit na suotin. Dahil nga nabasa ay makikita ang kanyang bra na kulay itim sa upper uniform dahil manipis lang ito. Kaya kapag nababasa ay halata.
Lumabas si Ayeng upang kunin ang extra damit at naisipan ni Cutie na mag-cutting classes dahil may extra damit nga pero wala siyang extra na panty. Umuwi siya sa kanila na basa ang pangloob na kasuotan at ang panglabas ay tuyo.