(CUTIE POV)
Pagdating ko sa bahay ay hindi mawala sa aking isipan ang nangyari kanina. Palaging may mga ngiti sa aking labi. 'First kiss ko si Chad! Kyahhhh!' Kinilig na bulong ng aking diwa. Tumatalon-talon ako sa tuwa sa aking kama. Nahiga at nakatingala sa kesame habang iniisip ko ang ginawa ko kay Chad. Hinawakan ko ang aking mga pisnge gamit ang aking dalawang palad at ngumiti ng bongga sabay pag-indak sa aking mga paa.
Nang nasa sala ako ay hindi mawala sa aking isipan si Chad at inaalala parin ang nangyari.
"Hoy ate para kang baliw!" Ani ni Seth sa akin na nagbabasa ng aklat.
"Ano kamo?" Sagot ko na nakakunot noo.
"Sabi ko para kang baliw! Ngumingiti kang mag-isa!" Malakas na boses niyang sabi. Hinampas ko sa kanya ang aking panloob na tsinelas.
"Arayyy!" Daing niya. Medyo masakit kasi ang paghampas ko sa kanya.
"Ate naman eh!" Reklamo niya.
"Kahit totoo naman na ngumingiti ka ng mag-isa. Kulang na nga lang humahalaklak ka." Inirapan ako sa pakialamero kong kapatid. Parang babae kung kumilos.
"Wala kang pakialam!" Atungal ko.
"Kesa tumatawa ka mag-isa mas mabuti na mag-aral ka! Gayahin mo ang pogi mong kapatid." Aniya at ngumisi.
"Mahangin ka talaga kahit kailan!" Inirapan ko din siya at bumalik sa aking silid.
Dating kagawian, maaga ako sa campus upang salubungin si crush. Nakita ko siyang paparada na sa kanyang bike at nilapitan ko ito.
"Good morning Chad!" Pagbati ko na may ngiti. Lumingon ito sa akin na nakakunot ang noo.
"Why you always bothering me every morning?" Seryoso nito tanong ngunit ang mga mata nito ay nasa relo niya nakatingin at naglakad papasok. Ako naman ay sumunod sa kanya habang kargada ang aking backpack.
"Wala lang gusto lang kita makita." Sagot ko sa mahinhin na tono.
"I don't have time talking with strangers!" Aniya na nakapamulsang paakyat sa hagdan.
"Kahapon ummm..."
"Huwag kang buntot na buntot na sa akin." Aniya habang nasa tatlong ang-ang ng hagdan na nakatalikod ito.
"Wala ka bang maalala?" Lumingon ito na nakakunot ang noo.
"What do you mean?" Nakapamulsa parin ito.
"Iyong kahapon hindi mo ba maalala sa nangyari sayo?" 'Hindi lang ba niya ako pasasalamatan?' bulong ng aking isipan.
"None of your business kung ano man ang nangyari sa akin kahapon. Past is past! Ayaw kong pinag-uusapan ang tungkol sa nangyari! So will you please huwag kang buntot na buntot sa akin?" Aniya na walang ka emosyon ang awra at nagpatuloy na ito sa pag-akyat. Naiwan akong nakatulala saglit.
"Hindi man lang niya ako pinasalamatan? Wala siyang utang na loob!" Nguso ko at pumunta sa aking classroom. Mabuti na lang hindi ako nahuli sa klase.
Ang nakasagot sa aming assignment ay si Esoy. Siya ang may utak kunti sa aming klase. Mabuti na lang si Sir Lam ay hindi na muli kami binulyawan. Hanggang natapos ang aming klase.
"Oh kumusta, nagpapasalamat ba sayo si Chad?" Ani ni Ayeng na nag-spark ang kanyang mga mata ganoon narin si Esoy. Nasa harapan ko ang dalawa na naghihintay sa magiging sagot ko.
"Hindi. Parang wala siyang pakialam." Nalungkot kong sabi.
"Baka wala siyang maalala?" Ani ni Esoy.
"Baka hindi ka niya mamukhaan? Ani ni Ayeng.
"Siguro..." Pagsan-ayon ko.
"Paano kung sinabi ng Mitchell na yun na na siya ang nagligtas kay Chad?" Nag-iisip na wika ni Ayeng.
Nilingon ko siya at nag-iisip narin ako baka nga pero hindi naman ata ganoon si Mitchell?
"Naku malabo yun. Hindi naman siguro ganoon si Mitchell eh." Dipensa ko.
"Aba malay natin diba." Nakanguso na giit ni Ayeng.
"Baka nga kasi according sa rumor dito sa campus ay may pagka-bruha ang beauty queen ng ating campus. Pero, rumor lang iyon wala pa namang nagpapatunay." Ani ni Esoy na abalang sinusuklayan ang kanyang buhok habang nakaharap sa maliit na salamin na hawak niya sa kanyang kamay.
"Ibig mo bang sabibin ay... Ano nga nga yung term sa english ba yun nakalimutan ko." Nag-iisip kong sabi.
"Angel in the outside. Devil in the inside." Malanding pagbigkas ni Esoy at naglagay ng lip shiner sa labi.
Sa canteen nakita ko si Chad na kumakain mag-isa. Nag-order ako ng fries with cheese toppings and Burgers. Akmang pupuntahan ko ang kanyang kinaroroonan ay naunang naupo sa harapan ni Chad si Mitchell bitbit nito ang inorder niyang pagkain.
Naupo na lang ako katabi ni Ayeng habang nakikita ko ang kinaroroonan ng aking crush. Si Esoy ay nasa harapan ko nakatalikod sa kinaroroonan nila Chad. Habang sumusubo ako ay tinitingnan ko siyang mabagal kumain. Ang Mitchell na palaging nagtatanong at ang Chad na tipid sumagot.
"Alam mo mas mabuti pa si Mitchell magkaharap silang kumakain." Usal ko na sapat lang na marinig ng aking dalawang bestfriend. Habang ang mga mata ko ay nasa kay Chad.
"Magka-klase sila kaya malamang malapit sila sa isa't-isa." Ani ni Esoy saka uminom ng coke.
"Isang beses lang ako nagkaroon ng pagkakataon na maging malapit sa kanya." Nguso ko.
"Edi pangarapin mo na malunod siya ulit sa tubig tapos ililigtas mo." Singit ni Ayeng na ngumunguya ng burger. Binatokan ko siya at napasimangot lang ito.
"Gusto ko palagi nasa mabuti siyang kalagayan. Hindi iyong malunod sa tubig." Wika ko sa kanila at ngumiti.
"Joke lang. Syempre ayaw din namin na may mangyari sa kanya ng masama." Sagot ni Ayeng.
Pumasok ito sa library na mag-isa. Kaya sinundan ko siya sa loob. Marami parin ang nakatingin sa kanya na pawang kinikilig pa ang mga ibang babaeng mag-aaral.
Pumili siya ng aklat na mababasa. Kaya pumili narin ako ng aklat. Hindi ko alam kung ano ang kanyang napiling basahin. Sobra itong makapal na maliban sa akin na hindi gaanong manipis. Ang pamagat ng aking napiling aklat ay filipino.
Doon ito naupo sa may pinakasulok ako naman ay distansya ng kanyang kinauupuan. Napaka-seryoso nitong magbasa. Wala akong interest sa aking hawak na aklat dahil ang aking mga mata ay gusto siyang makita.
Siguro napansin niyang may nakatingin sa kanya ay agad ko hinarang ang aking hawak na libro sa aking mukha.
Pagkababa ko sa libro ay wala na siya doon sa kanyang kinauupuan. Nakita ko itong nasa mesa ng tagabantay sa library. Naglog-book ito at lumabas na bitbit ang aklat. Hiniram siguro niya ang aklat.
One week later...hindi kompleto ang aking araw na hindi nakikita si Chad. Ito rin ang araw na lilipat na kami kung saan mang lugar kami lilipat. Sabi ni mama pwede namin lakbayin o magbike papuntang school. Hindi raw katulad dito sa lugar namin ngayon ay kailangan namin mag-bus bago pa kami makarating sa school. Galing dito papunta sa school ay aabot kami ng four hours sa byahe. Kaya maaga talaga ako gumigising para hindi ako mahuli sa klase. Lalo na ngayon na may rason ang pagpasok ko ng maaga.
Nakahanda na ang lahat na gamit na ililipat namin. Nilagay namin ang mga kagamitan sa multicab ni papa na second hand. Sakto lang ang lahat ng mga gamit sa loob dahil hindi naman karamihan ang aming kagamitan na pang-bahay.
After five hours narating namin ang sinasabing lugar na aming bagong tirahan. Pinarada ni papa ang multicab namin. Nasa loob pala kami ng isang subdivision. Wow kahit hindi kalakihan ang bahay ay napakaganda tingnan. Gusto ko ang kulay ng bahay, purple may favorite color.
"Ma, dito naba talaga tayo titira?" Tanong ko habang nakadungaw sa bintana.
"Oo anak. Maganda ba? Nagustuhan mo ba?" Tanong ni mama na nakangiti.
"Oo mama. Sobrang ganda dito. Si Seth na kakagising lang ay napanganga sa nakita.
"Wow! Ganda dito papa!" Aniya na nakangiti. Ngumiti lang si papa at nauna akong lumabas sa multicab, sumunod si mama at si Seth. Lumabas naman si papa sa driver seat.
Paglingon ko sa gilid may nakita akong isang magandang ginang na tumatakbo papunta sa aming kinaroroonan.
"Theresa!" Tawag niya sa pangalan ni mama habang patakbo sa aming gawi.
"Mercedes!" Tawag din ni mama sa ginang.
Dinakmal siya ng yakap ng sinasabi niyang Mercedes. Bagay sa kanya ang pangalang Mercedes dahil sa awra nitong maganda.
"Namiss kita!" Bungad niya sa mama ko at nakaindak-indak pa ang dalawa habang nagyayakapan.
"Ako rin naman ha namiss kita ng sobra!" Sagot ni mama at kumalas siya sa pagkayakap. Makikita mo sa dalawa ang excitement at halatang namiss nila ang isa't-isa.
"Theresa sila naba ang mga anak mo?" Tanong ni Mercedes ng tingnan niya kami dalawa ni Seth sa may likuran ni mama.
"Oo Mercedes sila na nga." Sagot ni mama at hinarap kami.
"Hello po mam!" Sabay sagot namin ni Seth. Napanganga siya at niyakap niya una si Seth at ako ng mahigpit saka kumalas.
"Ang ganda at gwapo ng mga anak mo Theresa." Nguso niya ng makaharap siya kay mama.
"Lalo na itong si....anong pangalan mo nga ehja?"
"Cutie po mam." Sagot ko na nakangiti.
"Ang cute ng pangalan mo. Kasing cute mo ng baby ka pa sabi ng mama mo. Alam mo gusto kita!" Tila nag-iisip ito at masaya naman ako sa kanyang sinabi na gusto niya ako at ganoon narin ako gusto ko si mam Mercedes.
"Ikaw si Seth right?" Pukaw niya sa kapatid ko na nilibot tingin ang mga mata sa paligid.
"Opo mam." Magalang na sagot ng aking kapatid.
"Naku huwag ninyo na akong tawaging mam. Ang itatawag ninyo sa akin ay tita na lang." Tumango kami at nagshake hands din silang dalawa ni papa.
"Tutulongan ko kayong maglipat ng gamit "
"Naku Mercedes huwag na naaabala ka lang namin. Kaya namin itong apat. Diba mga anak?" Tumango kami at sabay ang pagngiti.
"Hayaan ninyo na akong tumulong sadyang masaya lang ako na nandito na kayo. Ang tagal kong pinangarap ang ganito na magkakapit-bahay tayo balang araw. And now...kapit-bahay na kita." Nagyakapan ulit ang dalawa.
"Muntik ko ng makalimutan ipapakilala ko kayo bukas sa dalawa kong anak na ngayon ay nasa lola nila nagbakasyon sa probinsya. Bukas pa sila uuwi." Aniya at pumasok kami sa loob ng bahay.
Pagkapasok namin sa bahay namin ay malinis na ito at ang kulang ay mga kagamitan namin.
"Pinalinis kuna ito kahapon para pagkadating ninyo ay mga gamit ninyo na lang ang ipasok at iaayos dito at para hindi na kayo mahihirapan." Ani ni tita Mercedes.
"Naku Mercedes nag-abala ka pa." Ani ni mama.
"Wala iyon." Nakangiting sagot ni tita.
Sa monday morning naglakad lang ako papuntang school dahil hindi naman ako marunong magbike. Pagdating ko sa campus ay hinihintay ko si Chad ngunit walang Chad na dumating. Tumunog na ang ring bell kaya naiisipan kong pumasok na papunta sa loob ng klase.
Tila hindi kompleto ang aking araw na hindi siya nakikita tuwing umaga. Nagsimula ang aming klase sa english subject. Discuss lang ng discuss si mam Gwen pero hindi naman pumasok sa aking isipan.
After ng klase ay pumasok ako sa library para sa aming assignment sa filipino ngayon hapon. Dahil hindi ako nakapag-assignment kagabi kasi napagod ako sa pagtulong sa pag-aayos ng mga gamit.
Nasa pinaka-itaas ang filipino book. Panay ako sa pag-abot dahil ang hagdanan ay may gumamit pa kaya inabot ko ng pilit ang aklat na nakatingala. Tumatalon-talon pa ako at kunting tiis na lang ay malapit kunang maabot.
Nang muntik ko ng maabot sa aking daliri ay may mataas na anino sa aking likuran at inabot ng sinumang kamay ang pilit kong inabot na aklat at napalingon ako at sobra akong nagulat at nanlaki ang aking mga mata.
"Chad?" Hindi ako makapaniwala. Sobrang dikit namin sa isa't-isa at amoy ko ang pabango nito. Madali lang sa kanya ang pag-abot ng aklat dahil sa tangkad nito. Tiningnan lang ako nito ng walang ka emosyon at pinatong sa aking ulo ang aklat na hindi naman nahulog. Saka umalis ito sa aking harapan.
Hindi ako makapaniwala at kinikilig ako ng bongga sa tv ko lang napapanood ang ganitong pangyayari. Nang makahinuha ako sa aking iniisip ay sinundan ko si Chad na nakaupo sa sulok na nagbabasa ng physics book.
"Ahmmm...sa-salamat Chad." Nakatingin kong pasalamat sa kanya. Tumango lang ito na hindi nakatingin sa akin at umalis ako sa kanyang harapan at naupo sa ibang bakanteng upuan na may mesa.
Lumakas ang kabog ng aking puso at hinawakan ko ito. Nakatingin ako sa aklat ko.
"Mga kamay ni Chad ang nakahawak nito kanina." Kinagat ko ang aking labi sa sobrang kilig at niyakap ko ang aklat. Iniisip ko na si Chad ng aking yakap-yakap. Kailan ko kaya mayakap ang isang Chadwick Wayans?
Nang mapagtanto ako sa aking ginawa ay masaya akong gumawa ng assignment. Wala akong maiintindihan sa aking binasa. Sagot lang ako ng sagot. Iwan kong tama ang importante ay may sagot ako at pagkalingon ko sa gawi ni Chad ay wala na ito doon. Tumayo ako akmang ibabalik ang aklat pero...kung ibabalik ko ito madaming mga kamay ang hahawak sa bagong aklat na hawak ko ngayon na hinawakan ni Chad. Hindi ko muna ibabalik hihiramin ko muna.
Hiniram ko ang aklat at naglog-book lang ako at saka lumabas bitbit ang aklat at ang aking backpack.
(Sensya na kung matagal ako nakapag-update kararating ko lang kagabi galing davao. Sobrang nakakapagod ang byahe.)