CHAPTER 3

2141 Words
(AUTHOR'S POV) Kinagabihan tinawag sina Cutie na doon maghahapunan sa bahay nila Mercedes. Pinauna si Cutie ng kanyang ina na may kinuha pa saglit. Nakasunod si Seth kay Cutie at ang suot ni Cutie ay pantulog na longsleeve and pajama. Kumatok siya at inutusan ni Mercedes ang panganay na anak na buksan ang pinto. Bored na sumunod ang binata sa utos ng ina papuntang pinto. Dahan-dahan lang ang kanyang pagbukas. Bumungad sa kanya si Cutie at nagulat pa ito at si Cutie ay nanlaki ang mga mata ng makita si Chad hindi siya makapaniwala. "Are you following me?" Masungit niyang tanong. "Uhhhh..." Sinarhan siya ni Chad. Hindi kasi malaman kung ano ang dapat niyang sasabihin. "Ate anak ba iyon ni tita Mercedes? Ang bastos ano!" Natulala lang si Cutie. "Huwag mong sasabihin na ka-kapit-bahay ko siya?" Nag-iisip niyang sabi sa sarili. "Hoy ate anong pinagsasabi mo dyan?" Nang maalimpungatan ay sinagot niyang wala. Confused naman ang mom ni Chad na walang nakasunod sa kanya. "Anak saan na sila?" "Some random strangers." Aniya na bagot at naupo at nagbasa ng dyaryo. "Anong random strangers sila tita Theresa mo iyon. Ano kaba? Buksan mo bilis!" Utos ng ina. "Fine!" Bagot parin niyang pagsunod. Ayaw niya niyang nakipag-bangayan sa mom niya. Binuksan niya ang pinto at si Thresesa ang bumungad. Nasa likuran ni Theresa si Seth at Cutie kasama ang tatay nila na si Eulugio. "Magandang gabi po sa inyo! Kayo po ba si mam Theresa?" Magalang niyang pagbati. "Oo ehjo. Ante na lang at magandang gabi din sayo." Sagot ni Theresa. "Magandang gabi din sayo ehjo!" Boses ni Eulugio. "Pasok po kayo. Nakahanda na ang pagkain." Magalang niyang paanyaya. Nauna siya sa loob at nagyakapan ang magkaibigan. "Mabuti pinaunlakan ninyo ang aking paanyaya. Halina kayo maupo na." Masayang paanyaya ni Mercedes. "Pare kumusta? Magandang gabi sa inyo!" Tumayo ang ama ni Chad na si Aaron. Nagkamayan ang dalawa sabay nagyakapan. "It's good to see you again! Okay lang naman." Sagot ni Eulugio na nakayuko. Nagulat si Cutie hindi niya akalain na marunong mag-english papa niya. "Magandang gabi po sa inyo sir Aaron!" Magalang na pagbati ni Cutie at Seth. "Magandang gabi din sa inyong dalawa. Naku huwag ninyo na akong tawaging sir. Uncle na lang okay?" Tumango lang ang dalawa. "Good evening po sa inyo ante!" Bati ng kapatid ni Chad na babae si Clear. "Good evening din sayo ejha!" Sagot ni Theresa. Naupo na ang lahat sa hapag. Magkatabi ang mama ni Cutie at papa. Sa center ay si Aaron at si Mercedes ay sa gilid malapit sa center kung saan nakaupo ang husband niya at si Clear at Seth ay magkaharap sa mesa at ganoon rin si Chad at Cutie. Nagsimula na silang kumain lahat. "Diba Cutie sa Yengyang Highschool Academy ka nag-aaral?" Tanong ni Mercedes. "Opo tita." Sagot ni Cutie na binalik ang tingin sa pagkain. "Mabuti kung ganun dahil nasa iisang paaralan lang kayo ni Chad." Masayang wika ni Mercedes. "Total nasa iisang paaralan lang kayo sumabay kana Cutie kay Chad sa tuwing pasukan sa eskwela." Tumango lang si Cutie na nakangiti. Ang Chad ay tahimik lang na kumakain. "Ikaw Seth nasa iisang paaralan lang ba kayo ng aking magandang anak?" Tanong ni Aaron. Ngumiti si Clear sa sinabi ng ama. Totoo namang maganda talaga ang kapatid ni Chad. "Hindi po Uncle. Mas malayo po ang aming paaralan." Magalang na sagot ni Seth at sumubo ng chopsuey. "Naku naman. Akala ko magkaklase kayo. Para ng sa ganun ay sabay na kayo pumasok sa eskwela." Giit ni Aaron. "Lumipat ka na lang kaya? Diba para hindi ka mahihirapan dahil malayo pa ang school mo at magbabyahe ka ng limang oras sa bus. Nakakapagod yun samantalang dito ka sa malapitan ay hindi ka mahihirapan." Aniya at sumubo ng beefsteak na may kaning kasama. "Iyan na nga ang sinasabi ko sa kanya. Pero ayaw niya dahil mas gusto raw niya doon." Sabat ni Eulugio. "Pag-iisipan ko pa." Simpleng sagot ni Seth. Si Cutie hindi niya maiwasang hindi tingnan si Chad na kumakain na seryoso. "Parang panaginip lang ang lahat? Right?" Bulong ni Cutie sa isipan. "Dati pangarap ko lang na makasabay siya sa hapag. Ngayon magkaharap pa kaming kumakain. Kasama ang aming mga pamilya." Bulong ng kanyang isipan ulit. Nang mapansin ni Chad na nakatingin si Cutie sa kanya ay mabilis umiwas si Cutie. Pati siya hindi makapaniwala na ang babaeng ayaw niya ay kasama niya ngayon kumakain sa hapag kasama ang mga magulang. Pagkatapos kumain ay nagpaalam na sina Cutie kahit gusto nilang tumulong sa pagligpit ng kinakainan nila sapagkat ayaw ni Mercedes dahil kaya naman nila. Kinaumagahan maagang naghanda si Cutie at suot niya ang kanyang complete uniform. Nasa labas na siya ng kanilang bahay hinihintay si Chad na lumabas. Lumabas na si Chad suot din nito ang kanyang complete uniform at backpack. Sumakay siya sa kanyang bike at akmang patakbuhin niya na ay lumapit sa kanya si Cutie. "Pwedeng sumabay?" Aniya na nakatayo sa harap ni Chad. "Ikaw bahala." Walang gana nitong sagot. Nagsimula na si Chad na patakbuhin ang kanyang bike. Sinundan siya ni Cutie na naglalakad. Mabilis na pinatakbo ni Chad ang bike at patakbo namang naghahabol si Cutie sa kanya. "Chad! Dahan-dahan lang please! " Hinihingal niyang tawag. "Sinabi ko bang habulin mo ako? Nagmamadali ako and please stay away from me!" Masungit niyang taboy kay Cutie. "Pero gusto kong sumabay sayo." Nguso ni Cutie. "Edi magbike ka hindi iyong tatakbo ka na nakasunod sa akin." Masungit na wika parin ni Chad. "Eh ka-kasi hindi ako marunong magbike hehehe..." Kagat labing sagot ni Cutie at nakayuko. "I see. That's not my problem." Aniyang sagot at akmang aalis na ay hinawakan ang kanyang kamay ni Cutie. Tinitingnan ni Chad ang kamay ni Cutie na nakahawak sa kanyang kamay. Nang mapagtanto ni Cutie sa kanyang ginawa ay inalis niya agad. "So-sorry. Ummm... Please turuan mo ako paano magbike?" nakatingin niyang sabi kay Chad. "I'm a busy person. Wala akong panahon magturo ng bata." Aniya at pinaandar na ang kanyang bike. "Bata? Hoy Chad hindi na ako bata dalaga na ako!" Sigaw ni Cutie at hinabol si Chad na nakabike. Hindi alam ni Chad kung bakit bigla siyang napapangiti habang habol na habol siya ni Cutie na tumatakbo. "What a crazy girl!" Aniyang wika sa sarili. Saktong umabot na sila sa campus. Bago paman ipinasok ni Chad ang bike ay huminto siya at nilingon ang pawisang Cutie at pagkadating ay hinihingal. "Ang b-bilis mo na-namang m-magp-patak-bo..." Aniya na pagod ang kanyang mga tuhod. Bago pumasok si Chad ay nilingon niya si Cutie at pinagsabihan. "Cutie." "Huh?" Ngangang sagot ni Cutie. "Ayaw kong pinagsasabi mo sa lahat na magkakapit-bahay tayo. Kung pwede ay walang makakaalam." Tumango si Cutie na ngumiti ng bahagya. "Good." Din nagpatuloy si Chad at pinarada sa loob ng campus ang kanyang bike. Nagsimula ang kanilang klase sa Hekasi at pinasulat ng kanilang guro ang sekretarya nilang si Esoy sa chalkboard patungkol kay Rizal habang sila na nasa upuan ay abala sa pagkopya at isinulat sa kanilang kwaderno. Mahaba at mabilisan ang pagsulat kahit ngalay na ang kanilang kamay ay patuloy parin sila sa pagsulat. "Nakakapagod!" Reklamo ni Ayeng at tumingala sa kesame. Mabuti na lang wala ang kanilang guro sa Hekasi kaya malaya silang makapgreact. "Ikaw lang ba napapagoran dyan? Ako rin naman ah! Langhap ko ang alikabok ng chalk sa tuwing binubura ko ang sinulat ko sa pisara. Feeling ko ang dami ng dumi sa aking mukha." Maarte reklamo ni Esoy at nag-enhale at exhale. "Sana matapos na ang oras..." Singit ng kanilang kaklase na si Goerge at hinilamos ang kwaderno sa mukha. "Sana... Tumunog na ang ring bell!" Dalangin ng isa din sa kanilang kaklase na si Ian. Nang tumunog na ang ring bell ay naghiyawan silang lahat sa tuwa at nag-aper pa ang iba. "Sawakas tapos na ang klase sa Hekasi!" Sigaw ni Ian at tumatalon-talon pa ito. "Salamat hindi na mapapagod ang mga kamay ko!" Ani ni Esoy na tinitingnan ang kamay na puno ng alikabok sa chalk. "Haisst tapos narin". Ani ni Ayeng na nakangiti si Cutie ay masaya rin nakatapos sa pagsusulat. Dumungaw si Cutie sa bintana at nakita niya si Chad na naglalaro ng baseball kasama ang iba pang players na kasali. Para sa gaganapin na District Athletic meet sa Makati metro manila, Manila Polo Club Baseball/Softball Field. Chad is the catcher at habang nanonood si Cutie ay may biglang sumagi sa kanyang isip. Gusto rin niyang sumali pero bawal siya sumali sa pangkat nina Chad. Kaya mas prefer siya sa softball kung saan mga girls ang makakasama niya. Gusto niyang makita palagi si Chad kung saan man ito naroroon. Makalipas ang ilang sandali ay nagpalista siya kay Ginoong Titu. Ang headcoach ng baseball and softball. "Cutie Barcelona, ano ang sumagi sa iyong isipan baki't kailangan mong sumali dito?" Tanong sa kanya ng headcoach. "Ummm...hehehe para makita po ang aking crush." Nakangisi niyang sagot. Nakatighawak ang coach at matiim siyang tinitigan. Bago yumuko si Cutie ay nag-peace sign siya kay coach. "Sa tingin mo papayagan kita makapasok kung ang pakay sa iyong pagsali ay para lang makita ang iyong crush? Baka palagi pa tayong matalo ng dahil sayo at baka hindi ka makapag-focus. Sino ba ang iyong crush?" Seryosong tanong ng coach. "Ahhh, hehehe...si C-Chad." Nahihiya niyang sagot. Nasa loob sila ng opisina ng coach. "Si Chadwick Davis?" Tumango lang si Cutie. Dumungaw siya sa bintana at tinanaw niya si Chad na abala sa paglalaro. Hinarap niya si Cutie at nagtanong ulit. "Baki't mo gusto si Chad?" "Ummm... dahil...iwan basta bigla na lang ako nagkagusto sa kanya. Promise coach hindi siya maging sagabal bagkus gagawin ko siyang inspirasyon sa paglalaro." "Nandito ka ba para lang talaga sa iyong crush o matututo?" Tanong ulit ng coach. "Both po coach." Magalang niyang sagot. "You're in! Welcome to the club!" Nagshake hands silang dalawa. "So, pasok na po ako sa softball?" Inosente niyang tanong. "Kakasabi ko lang na you're in it means 'OO'!" Tumalon sa saya si Cutie at nagpaalam na lumabas. Bukas na magsisimula ang kanyang pag-eensayo. Ibinalik sa kanya ang kanilang assignment sa filipino. Nakakuha siya ng zero at si Ayeng ay 5 over 50 at si Esoy ay 18. Nakanguso lang si Cutie habang nakatingin sa kanyang papel na zero. "Patingin nga Cutie sa score mo?" Hinablot ni Esoy ang papel na hawak ni Cutie. "Zero? Naku okay lang iyan...keep going." Aniya at binalik ang papel kay Cutie. "Bawi ka na lang next life." Saad ni Ayeng. "Ganun na nga ang aking gagawin." Matamlay na sagot ni Cutie. "Maiba nga tayo Cutie sumali din kami ni Ayeng sa softball para palagi tayong magkasama." Masayang balita ni Esoy. "Talaga?" Nagulat si Cutie sa binalita. Nagnod si Esoy. "Isa iyang magandang balita dahil kasama ko kayong dalawa." Ani ni Cutie na nakangiti at nakalimutan sa sandali ang kanyang score na zero. "Saan pala kayo lumipat Cutie?" Biglaan na tanong ni Ayeng. "Ummm.....h-hindi ko alam kung s-saan iyon parte ng lugar hindi pa kasi ako kabisado doon. Saka sina mama at papa lang ang nakakaalam. "Ah ok. Imbitahin mo naman kami doon sa bago ninyong bahay." Giit ni Ayeng. "Hehehe...sige pero kapag hindi na busy sila mama. At kapag alam ko narin ang pangalan ng lugar." Masaya niyang tugon. "Bakit ganyan ka makangiti?" Usisa ni Ayeng. "May tinatago ka sa amin ano?" Taas noong sabi ni Esoy. "Wala." Sinungaling niya. "Cutie?" Sabay yapos ng dalawa niyang bestfriend. Alam nilang nagsisinungaling si Cutie. "Ah, hehehehe...atin-atin lang to ha?" Panigurado ni Cutie. "Ano ba kasi ang atin-atin lang?" Naguguluhan nilang tanong. Pinaupo niya ang dalawa at binulong sa kanila. "Kapit-bahay kuna si Chad." "Ha? Kapit-bahay mo si Chad?" Hindi maiwasang nalakasan ang pagbigkas ng dalawa na sina Ayeng at Esoy. Lumingon ang iba nilang kaklase sa kanila na may pagtataka. Tinakpan niya ang bunganga ng dalawa. "Pssst...tumahimik kayo may makakarinig sa atin. Ayaw pa naman nun na ipagsabi ko na yun na nga..." Napoproblema niyang sabi. "Huwag kayong maki-marites mind your own business!" Saway ni Esoy sa kanilang mga kaklase. "Sinong kapit-bahay ni Cutie si Chad?!" Nalakasan ang pagsambit ng kanilang kaklase na si Kikay. Lahat ng atensyon ay nasa kina Cutie. "Anong kapit-bahay? Isang malaking joke lang ang sinabi namin!" Pag-iwas ni Ayeng at buti naman napaniwala niya ang kanilang kaklase. "Doon tayo sa labas at ikuwento mo lahat ng pangyayari." Usisa ni Ayeng na excited marinig ng buong detalye kung paano naging kapit-bahay ni Cutie si Chad. Kinuwento ni Cutie sa field ang buong pangyayari na pati sila ay hindi makapaniwala. Kinilig ang dalawa. "Baka ito ang paraan na maging mas malapit kayo sa isa isa't-isa lalo na magkaibigan pa ang mga magulang ninyo." Ani ni Esoy. "Sana..." May pag-asa sa tono ng boses ni Cutie. "Keep trying mahuhulog rin sayo si Chad." Saad ni Ayeng. Tumango lang si Cutie na nakangiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD