CHAPTER 4

2030 Words
(CLEAR POV) Madaming gwapo sa aming school subalit hindi naman ako nahuhumaling sa kanila. Pero simula ng naging kapit-bahay ko ang bestfriend ni mama na si Tita Theresa hindi ko inaakala na may anak siyang lalaki. Ang una naming tagpo sa aming bahay during sa hapunan at hindi ko alam kung bakit ako biglaan nagkagusto sa kanya. Gusto ko ang magaganda nitong mga mata. Kwento ng mama niya matalino din ito maliban sa ate niyang si Cutie na bobo. Nasa school nga ako ngayon pero siya ang aking iniisip. In short crush ko si Seth Barcelona. Same kami nasa grade 7 kaso magka-ibang school ang aming pinapasukan. Gusto ko ng matapos ang oras upang nang sa ganun ay masilayan ko si Seth. Sana...lilipat siya dito sa school kung saan ako nag-aaral. Para palagi kuna siyang makikita. Habang iniisip ko si Seth ay hindi ko maiwasang mapangiti. Ganito pala ang feeling na crush mo ang isang tao. "Hello Clear!" waving her hand infront of me, ang aking bestfriend na si Unnie. "H-Huh?" Sagot ko ng mapagtanto na malalim ang aking iniisip. "Ano ba ang nangyayari sayo ha?" Taas kilay niyang tanong. "A-ah w-wala!" Sagot ko at naupo ng maayos. "Di nga! Nakangiti ka habang ang malalim ang iyong iniisip." Usisa niya sa akin. "Wala." Simpleng pagsagot ko "Wala? Seryoso ka ba? Baki't ka ngumingiti mag-isa?" Ayaw niyang maniwala talaga. "Bawal ba ang ngumiti ng mag-isa?" Mataray kong tugon. "Oo bawal kasi baka mapagkamalan kang baliw!" Nakataas kilay niyang sagot. "Bahala sila." Sagot ko na lang at kunwari nagbabasa ako sa aking kwaderno sa mathematics. Umalis na ito sa aking harapan at naupo sa aking tabi. Galing kasi siya sa canteen kanina. Kaya naabutan akong iniisip si Seth. Saka kuna sasabihin sa kanya ang tungkol kay Seth soon kapag mapansin na ako ni Seth. (CUTIE POV) Nagsimula na kaming turuan ng aming coach na si Nico. Ako ang ginawang taga batter for the meantime. Si Ayeng ang center field. Si Esoy ang short stop. Bawal sana siya sa aming kupunan dahil kahit na bakla siya ay ang kanyang gender ay lalaki parin. Pero ayaw niyang sumali sa pangkat nila Chad. Kaya walang choice kundi magpanggap siya na babae. Kahit anong palo ko sa bola ay sobrang nahihirapan ako kahit tinuro na sa akin ang process ng paggamit ng bat at pagpalo nito from step one to the end...Ang stance at grip at kung right hand ba ako humawak sa bat or left hand. But thankfully kasi right handed ako at kulang pa talaga ako sa balanse at lakas sa tuhod. Kasi everytime na paluin kuna ang bola ay natutumba ako ay pinapagalitan ako coach Nico. Paglingon ko sa gilid nakita ko si Chad na nakatingin sa aming kinaroroonan. Siguro nasaksihan niya ang pag-eensayo ko at umalis ito na walang emosyon. "Pangako Chad gagalingan ko para kapag darating ang panahon ay magiging proud ka sa akin." Bulong ko sa aking isipan. "Hoy! Barcelona! Bingi ka ba?!" Bulyaw ni coach at napaigtad naman ako at natarantang hinawakan ng maayos ang bat. "Kanina pa kita tinatawag, bingi ka ba? Saan ba ang utak mo ha?!" Sermon nito ng lumapit sa akin. "S-Sorry sir." Ngumuso ako sa takot. "Alam ninyo mas mabuti pa ay mag-jogging muna kayo dito sa buong field." He smirked. "Kulang kayo sa hangin eh ang tamad ninyong kumilos. Parang hindi kayo kumain. Sige simulan na 10 rounds ha dapat. Kapag hindi umabot sa 10 hindi kayo makakapasok sa next subject ninyo." Aniya at nagsimula na kaming nag-jogging. Madami ang nakatingin sa amin at ang iba ay pinagbubulongan kami at ang iba naman ay pinagtatawanan kami. Nakita ko si Chad na wala ka emosyong nakatingin sa akin? Iwan kung tama ba na sa aking kinaroroonan siya nakatingin? Kung ganun inspired ako at natutuwa, mas may gana na akong kumilos. Pinagbutihan ko ang pag-jogging. Naka-tatlong round palang ako ay feeling ko ay nauubusan na ako ng hininga. Hindi pala madali ang sumali ng softball. Kailangan ng ibayong ensayo. Tagaktak na ang aking pawis at nasa six round palang ako at si Ayeng naka eight round na at si Esoy ay naka nine round na at ang iba pang kasama namin. Ako lang ata ang nasa pinakahulihan. Parang nauubusan na ako ng hininga. Hinang-hina na ang aking mga tuhod. Pinilit ko parin para maabot ang sampung round. Nasa eight round palang ako samantala sina Esoy at si Ayeng at ang iba ko pang kasama sa pangkat ay tapos na at chine-cheer up nila ako kahit gusto ko ng sumuko ay nagpatuloy parin ako sa pagtakbo. Nakita ko si Chad na papa-alis na habang ako ay nasa nine round palang. "A-ayaw k-kuna..." Usal ko ng abot hininga ko paring pag-jojoging. "Kaya mo iyan Cutie!" Cheer-up na sigaw ni Ayeng sa akin. "Nandito lang kami para sayo! Hindi ka namin iiwan!" Sigaw ni Esoy sa malakas na tono. "Kaya ko ito. Nandyan ang mga kaibigan at mga kaklase kong supportive. Hindi ako dapat mawalan ng pag-asa." Porsigido kong bulong sa isipan. Sawakas nasa 10 round na ako kahit dahan-dahan lang ang aking ginawa para hindi ako matumba sa pagod. Pagdating ko sa pinakahuling dulo ng 10 round ay natumba ako sa sobrang pagod. Habang nakahiga ay malakas ang aking heartbeat. "Good work Barcelona!" Bati sa akin ni coach Nico. "Ngayon pwede na kayong bumalik sa klase. Bukas na naman ulit tayo mag-eensayo." Aniya at umalis na ito. Tinulongan ako ng aking dalawang bestfriend upang akoy patayuin. "Pa-parang ma-mamatay na ako... I n-need oxygen." Hingal kong sambit ng makatayo na ako pero nakayuko ang aking ulo. "Loka-loka hindi ka mamamatay. You need More exercise." Maarteng usal ni Esoy at naglakad lang kami ng mabagal papasok sa klase. Uwian na at akmang lalapitan ko si Chad na pasakay palang sa kanyang bike ay bigla na dumating si Mitchell. Hindi ko tinuloy ang paglapit kay Chad. Bago paman ako makahakbang papuntang gate ay narinig ko ang sinabi ni Mitchell sa kanya. "Chad, pwedeng sumabay sayo?" "Hindi pwede may taga-sundo naman sayo." Giit ni Chad. Napapangiti naman ako sa sinagot ni Chad. Nagpatuloy ako sa paglakad papunta sa labas ng gate. Hinintay ko siya sa labas at ilang sandali pa ay nakalabas na ito sakay sa kanyang bike. "Chad, pwede ba akong sumabay?" Nakangiti kong banggit sa kanya. "Ikaw bahala." Aniya at akmang magpapatuloy na siya sa pag-alis. "Pwede ba akong umangkas?" Tinitingnan lang ako nito na wala man lang akong mababasa sa kanyang mga mata. "Ummm...masakit kasi mga tuhod ko." Nguso ko. "Hindi ko kasalanan na nagkasakit mga tuhod mo. Mas mabuti na iyong maglakad ka lang para ma-ensayo mo ang iyong sarili. Masyado ka pa namang mabagal." Aniya at umalis na ito. "Totoo naman na masakit ang aking mga tuhod. Baki't ayaw niyang maniwala?" Nguso ko na nakatingin sa papalayong Chad. "Mas okay na siguro kung ganito ang pagtrato niya sa akin. Atleast diba malapit na ako sa kanya. Wait...malapit na ba talaga ako sa kanya? O malayo pa?" Bulong ko sa sarili. Naglakad lang ako ng dahan-dahan. Naabutan ako ng dapit hapon at pagdating ko sa bahay ay bumungad sa akin silang lahat. Sina tita Mercedes, Uncle Aaron, Clear at ang Chad na saglit lang ako tiningnan. Si Seth at si mama at papa na abala sa pag-serve ng pagkain sa mesa. "Good afternoon po sa lahat!" Bati ko sa kanila. "Good afternoon din sayo ehja!" Tugon ni Uncle Aaron. "Anak baki't ngayon ka lang?" Tanong ni mama. "Naglakad lang ako ng mabagal mama." Sagot ko. "Cutie dapat sumabay kana kay Chad kanina." Wika ni Tita. "Mabilis kasi siyang magpatakbo kaya mahirap siyang habulin." Sumbong ko. "Chadwick! Ka-lalaking mong tao dapat man lang ay pinaangkas mo si Cutie. Total din naman ay magkakapit-bahay lang kayong dalawa." Giit ni Tita Mercedes. "Mom hindi ako sanay na may babaeng nakaangkas sa bike ko. Pwede naman siyang mag-practist para ng sa ganun ay matuto siya." Walang ka emosyong sagot ni Chad. "Kung ganun edi turuan mo siya." Giit parin ni tita. "Si Clear na lang total pareho silang mga babae." Paghindi ni Chad. "Kuya, busy ako sa school. Saka nasa iisang school lang kayong dalawa ni ate Cutie kaya turuan muna siya." Nakangising sagot ni Clear. Ang Chad ay annoyed sa kapatid at tumahimik na lang. "Oh s'ya kumain na tayo mamaya na iyang pinag-usapan ninyo. Ikaw Cutie magbihis ka muna." Utos ni papa at umakyat ako sa itaas ng floor kung saan ang aking silid. Nagpalit ako ng pangbahay at sa pamamagitan ng aking bintana ay makikita ko ang kwarto ni Chad. Magkaharap lang ang aming bintana na may pang-anim hakbang papunta sa kanila. Kulay asul ang kurtina nito sa bintana at sa akin ay purple. Bumaba na ako sa hagdan at nagsimula na silang kumain. Naupo ako sa aking upuan kung saan kaharap ko si Chad. Nagsalita si tita Mercedes. "Wala ka paring pinagbago Eulugio mahusay ka paring magluto." Ngumunguyang banggit ni tita Mercedes. "Namana ko pa ito sa aking ama." Sagot ni papa. "Magtayo ka kaya ng restaurant?" Singit ni Uncle Aaron. "Iyon din ang binabalak ko pero mag-iipon muna kami." Tugon ni papa at umiinom ng tubig. "Kung ganun papahiramin kita ng puhunan ng sa ganun soon as possible ay mapapatayo na ang iyong restaurant." Masiglang banggit ni uncle. "Naku Aaron, salamat pero kami na ang bahala ng aking asawa. Kaya namin at saka marami na kayong naitulong sa amin." Wika ni papa. "Naku sino paba ang magtutulongan kundi tayo-tayo lang naman at magka-pamilya lang tayo." Pahayag ni Uncle. "Maraming salamat pag-iisipan muna naming mag-asawa." Saad ni papa na nakatingin kay mama. "Sige hihintayin ko ang magiging desisyon mo." Tugon ni Uncle. Nang matutulog na ako ay dumungaw muna ako sa bintana nakita ko si Chad na nakaupo sa kanyang mesa kung saan malapit sa may bintana. "Good evening my Chad! Goodnight! See you bukas!" Ngisi kong pagbati sa kanya. Hindi ito sumagot bagkus ay sinara niya ang kanyang bintana na hindi nakatingin sa akin. "Ang sungit mo!" Sigaw ko kahit nakasara na ang kanyang bintana. Iwan ko kung naririnig niya ang sinasabi ko. Nahiga na ako at naramdaman ko na lang na masakit ang buo kong katawan. Kinaumagahan ay pasukan na naman. Pagkabangon ko ay nahihirapan akong tumayo. Ang sakit ng mga tuhod ko subalit pinilit ko paring tumayo kahit masakit. "Arayyy ang sakit!" Mangiyak-ngiyak kong hawak sa headboard ng aking kama. "Huhuhu kaya ko ito." Nahihirapan akong maglakad. Tinungo ko parin ang banyo upang maligo. Nahihirapan rin akong yumuko kahit sa pag-abut ng aking talampakan. Pati pala mga paa ko masakit at binti. Pati sa pagsasabon ko ay nasasaktan ako feeling ko kasi naninigas ang kalahati kong katawan sa sakit. After maligo ay nahihirapan akong magsuot ng panty. Iyong tipo na need mo itaas ng kunti ang mga paa mo para makasuot ng maayos pati na ang shorts at palda. Buti na lang mga kamay ko hindi masyadong masakit kere ko naman. Need ko pang maupo upang isuot ang aking school shoes. Sinuot ko ang aking backpack. Pagkababa ko sa hagdan napaigik naman ako sa sakit. Nakita ako ni papa na nahihirapan. "Ano ba ang nangyayari sayo?" Nag-alalang tanong nito. "Masakit lang po ang aking mga tuhod papa." Magalang kong sagot. "May sakit ka sa tuhod? Diyos ko anak baka may cancer kana?" Biglaang banggit ni mama. "Mama naman! Anong cancer dahil lang naman to sa laro namin kahapon kaya naninigas tuhod ko." Nguso ko at sinalubong ako ni papa at inaalalayan. "Anong laro ang sinalihan mo ate?" Singit ni Seth at sumubo ng kanin na may kasamang ulam na sinagang na hipon. "Softball." Sagot ko. "Ako table tennis ang aking sinasalihan." "Mabuti naman kung ganun para naman maenjoy ninyo ang inyong highschool life. Natural lamang ang makaramdam ka ng ganyan Cutie lalo na bagohan lang sayo. Mawawala rin iyan mga after two or three days." Saad ni mama at nagsimula na kaming kumain. Pagkatapos kumain agad ako nagsepilyo ng aking ngipin at nagpaalam kina mama at papa. Si Seth ay pinasakay ni Uncle Aaron sa kanyang kotse dahil ang school niya ay nadadaanan lang ni uncle papunta ng kanyang opisina. Ganoon narin kay Clear. Kami lang ata dalawa ni Chad ang nasa malapitan nag-aaral.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD