CHAPTER 5

2460 Words
(CUTIE POV) Hinintay ko si Chad sa labas ng kanilang bahay. Nagulat pa ito ng ako ang bumungad sa kanya. "Ano na naman ang kailangan mo Barcelona?" Masungit niyang tanong. "Good morning Chad! Gusto kong makasabay ka sa pagpasok sa school." Nakangiti kong sagot sa kanya. Hindi ito sumagot bagkus sumakay lang ito sa kanyang bike. Nakabuntot lang ako sa kanya. Malakas itong nagbike at siguro napansin niyang lakad pagong ako ng nilingon ako nito ay huminto ito. "Fine papaangkasin kita pero sa isang kondisyon!" Aniya at nabuhayan naman ako ng loob. "Ibababa kita sa hindi pa tayo aabot sa may gate. Baka maraming makakakita sa atin. At ayaw kong pinag-uusapan tayo sa campus. Naiintindihan mo ba ang sinabi ko sa iyo Barcelona?" Aniya na mala-boss ang tono ng boses. "Yes my Chad! Walang problema!" Kinikilig kong sagot. Umangkas ako at dahan-dahan lang ang kanyang pagpapatakbo. "Dream come true again! Ang bango mo Chad. Sarap mong yakapin." Bulong ng aking isipan. Parang gusto ko tumalon sa sobrang kilig. Binaba nga ako ni Chad na malayo pa sa may gate. Maaga pa naman at deretso lang si Chad sa pagpasok sa loob ng campus. Dahan-dahan lang ako naglakad papasok sa loob. Hindi ako nito pinansin at tuloy-tuloy lang ito naglakad after niyang iparada ang bike at paakyat na sa hagdan papunta kung saan ang kanyang silid. Pati pag-akyat ko sa hagdan ay nahihirapan din ako buti na lang dumating na sila Ayeng at Esoy. Ang akala ko matutulongan nila ako sa paghakbang. Yun pala naninigas rin ang katawan nila sa pagod kahapon. Sapagkat mas malala pala sa akin kasi lakad pagong akong humakbang. Sila kaya nila ang mabilisan haisst ako hindi. One month later, lahat kami na nasa kupunan ay sinanay kami sa paggamit ng bat. Para nang sa ganun ay hindi lang sa sarili mong task ang iyong matutunan kundi pati sa iba gaya na lang ang pagiging batter. Ako ang ginawang pitcher. Kung nung una ay sumasakit ang aking tuhod ngayon hindi na dahil simula nung nangalay at sumakit ang aking tuhod at katawan ay sinanay ko ang aking sarili matapos akong gumaling. Tinakbo ko mula sa bahay hanggang papuntang school. Nanalo naman sila Chad sa District Athletic meet doon sa makati. Kami ay hindi pinalad, mga lampa kasi ang section H. Ang akala ko makikita ko at makakasama ko si Chad. Hindi pala... Baki't hindi ko iyon naisip? Okay sana kung sa badminton may pag-asang magkasama kami. Pero dito... haisst ang bobo ko talaga. Nakita ko ang laro ni Chad lahat na lang ay mahusay siya... Gayunpaman, masaya ako para sa kanya. Uwian na nakasunod lang ako sa nagbabike na si Chad. Alam kong hindi niya ako papaangkasin kasi alam niyang mabuti na ang kalagayan ko. Huminto ito at nilingon ako... "Bawi na lang kayo next life! Mga stupid!" Nainis ako sa binitawan niyang salita. Ang akala ko sasabihin niyang okay lang iyan. Better luck nextime kaso hindi... "Hoy Chadwick kahit stupid kami atleast hindi kami nanglalait sa kapwa! Hindi tulad mo matalino nga bully naman!" Galit kong sigaw sa kanya at napaiyak na lang ako sa inis. Siguro nagulat siya sa sinabi ko ay nilingon ako nito at tumakbo naman ako upang lagpasan si Chad. Mabilis akong nakarating sa bahay at nagpalit agad ng damit. Sinulat ko sa aking diary ang nangyari kanina. Marami narin akong naisulat dito simula ng makilala ko siya at nung nagtapat ako sa kanya at yung niligtas ko siya sa pool. Pagbukas palang ng diary ko ay larawan niya ang bumungad sa akin. Ang seryoso nitong mukha. Ang larawang ito ay kuha ni Ayeng after nung nanalo sila sa baseball during intramurals at nagpictures ang kanilang kupunan habang hawak ang tropy. Wala kasi akong touchscreen phone. Kaya inutusan ko si Ayeng na capturan si Chad at ipadevelop. Ginunting ko ang kanyang mga kasamahan at siya ang natira. Pinatawag ako ni tita Mercedes sa kanilang bahay kaya pumunta ako agad. "Cutie halika may ibibigay akong mga dress para sayo." Masaya niyang hila sa akin papunta sa kanyang kwarto. "Napakaganda po ang inyong silid. Sobrang napakalawak." Masaya kong puri. "Sayo na itong limang piraso. Tiyak na bagay sayo ang lahat na ito." Nakangiting wika ni tita. Pinasukat niya sa akin ang lahat at sinukat ko naman. Umiikot ako sa harapan ng salamin. Namangha naman si tita lalo na ang purple color na sinuot kong dress. (AUTHOR'S POV) Saktong napadaan si Chad sa kwarto ng kanyang mommy na nakabukas naman ang pinto. Nagulat pa siya ng makita si Cutie na nasa loob nakasuot ng purple dress na above the knee kitang-kita ang makinis nitong binti. Masayang nakaharap sa salamin si Cutie at nakita niya si Chad sa pamamagitan ng repleksyon ng salamin. "Chad!" Gulat na nilingon ni Cutie at daling umalis si Chad papunta sa kanyang kwarto. Ngumuso si Cutie at hinubad ang dress at sinuot muli ang pang-bahay niyang damit. "Cutie maitanong nga kita." "Yes tita.". "Gusto mo ba si Chad?" "Ummm...hehehe..." Tumango si Cutie. Nanlaki ang mata ni Mercedes at ngumiti ng kay lapad. "Mabuti kong ganun! Gusto kita para kay Chad." Kinikilig na wika ni Mercedes. Ngumiti naman si Cutie hindi niya akalain na magugustuhan siya sa mommy ni Chad. "Alam ba ni Chad na gusto mo siya?" Tanong nito. "Ummm...oo po tita." Nahihiyang sagot ni Cutie. . "Sorry po kung gusto ko si Chad." Paumanhin ko. "Come on! Ang totoo gusto kita para kay Chad." Ngiti ni tita. Pagbaba niya sa hagdan ay niyaya si Cutie sa hapag na kumain ng snacks. Kaharap niya si Chad na hindi nakatingin sa kanya. Katabi ni Chad sa upuan ay si Clear at si Cutie ay si Mercedes. "Chadwick anak, maitanong nga kita anong klaseng babae ba ang gusto mo?" Tanong ng ina. Tumingin si Chad sa ina bago nilipat kay Cutie. "Hindi brainless, hindi isip-bata, mahusay sa sports at marunong magluto. Dagdag narin yung maganda." Tugon nito at nag-slice ng pancakes saka sinubo. Natahimik saglit ang mama ni Chad at si Cutie ay nadismaya. Kasi alam niya sa sarili na brainless siya, isip-bata at hindi pa marunong sa sports, hindi rin maganda at mas lalong hindi marunong magluto. "Ayaw mo ba sa isang simpleng babae tapos mahal ka at palaging nasa tabi mo. Naiiwan sa bahay at mapagmahal sa pamilya?" giit ng ina at ngumiti ng simple. "Mom, ang love ay hindi iyan nakakain. Ang gusto ko sa babae ay yung kasing-tulad ko." Naiinis niyang sambit. Pinunasan ang baba ng tissue at tumayo. "May gagawin pa ako." Cold niyang sagot at umakyat sa hagdan papuntang itaas. Alam niya kasi na ang tinutukoy ng kanyang ina ay si Cutie. "Huwag ka mawalan ng pag-asa Cutie. Lalambot rin iyang anak ko. Pagpasensyahan muna ang ugali. Nasanay lang kasi siya maging independent." Kumbinsi ni Mercedes. "Okay lang po tita." Sagot niya na kahit sa kalooban ay malungkot siya. "Ate alam kong gusto mo si Kuya Chad. Don't worry tutulongan kita." Nakangiting saad ni Clear. "Salamat." Kinagabihan nakadungaw sa may bintana si Cutie at nakita niya si Chad na nagbabasa ng aklat. "Gustong-gusto kita Chad. Paano ba kita maaabot?" Tanong niya sa sarili. "Chad! Good evening and goodnight! See you tomorrow!" Sigaw ni Cutie at nainis naman si Chad kaya sinarhan niya ang bintana. "Ang sungit parin niya sa akin. Akala ko pa naman malapit na ako sa kanya yun pala nasa isang hakbang palang ako at marami pa ang mangyayari bago ko siya maabot." Bulong ng kanyang isipan. (CUTIE POV) Kinaumagahan, binuksan ko ang aking bintana at saktong nagbukas naman ng bintana si Chad. "Good morning my Chad!" Sigaw kong pagbati sa kanya na may kasamang mga ngiti. Tinapunan lang niya ako ng tingin at tumalikod. Papasok na kami sa eskwela nakabuntot parin ako sa kanya. "Chad turuan muna kasi akong magbike please!" Habol ko sa kanya at daling hinarangan siya sa harapan. Muntik pa siyang matumba at buti na lang mabilis siyang nakapreno kundi mababangga siya sa akin. "Ano ba Barcelona?! Gusto mo bang magpakamatay? Malas ka talaga sa buhay ko! Kung gusto mong magpakamatay huwag kang mandamay ng tao!" Bulyaw niya sa akin na kinabigla ko. "So-Sorry...hindi ko sinasadya." Pumatak ang aking mga luha. "Sorry talaga Chad!" Nakanguso kong sambit sa kanya habang patuloy ang pagtulo ng aking mga luha. Kung kanina nagagalit ito ngayon bigla itong nanlalamig ng makita niyang may mga dumadaloy na luha sa aking mga mata. Wala itong sinabi kaya tumalikod ako at tumakbo ng mabilisan papuntang school. Saka pa may tono ang aking pag-iyak. "Malas talaga ako kahit kailan." Tahimik lang akong nakikinig sa discussion subject namin sa science. Tungkol ito sa rotation axis ng mga planeta. Ang guro namin sa science ay si mam Lilybeth. Nagquiz kami sa science after ng discuss. Zero ang nakuha kong score. Ang nakakuha ng kalahating score ay si Esoy at Ayeng. "Barcelona kung wala kang balak magtapos ng highschool huwag ka ng mag-aral. Sa lahat ikaw lang ang nakakuha ng zero ang iba ay may one or two and 5, 10 items lang ang quiz. Iyan ang napapala sa tamad mag-aral at nakikinig nga pero lumabas naman sa kabilang tainga!" Sermon ni mam na ako ang nakatayong mag-isa. "Sorry mam hindi na po mauulit..." Saad ko. Huminga lang si mam ng malalim bago siya sumagot. "Sana nga! Class dismissed!" Lumabas na si mam Lilybeth. Nalungkot naman ako lalo tama si Chad brainless akong babae. "Ano ba ang nangyayari sayo?" Nag-alalang tanong ni Ayeng. "Iniisip ko kung paano maabot si Chad." Wala sa loob kung banggit na nakadungaw sa bintana. "Puro ka na lang Chad. Chad na walang pakialam sayo." Naiinis na sambit ni Esoy. "Kung gusto mo talaga siyang maabot. Mag-aral ka ng mabuti. Para makikita ka niya..." Saad ni Ayeng. "Sige, mag-aaral ako mabuti simula ngayon." May pag-asa kong sabi. Nakita ko si Chad na naglalakad habang tulak-tulak ang kanyang bike. Kasama niyang naglakad si Mitchell. Palabas na sila ng campus at hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng selos. "Nakita mo maganda ang pagtrato niya kay Mitchell kesa sayo." Usal ni Ayeng. "Malamang magka-klase sila at same ang estado ng kanilang buhay." Pout kong sabi. "Huwag ka ng maging malungkot Cutie. Deserve mo ang ibang lalaki." Ani ni Esoy. "Ayaw ko sa iba. Siya ang gusto ko." Nalulungkot kong usal. "Basta kahit anong mangyari nandito kami kapag kailangan mo ng karamay ha?" Akbay ni Ayeng sa akin. "Salamat." Parang gusto kong maiyak sa sinabi nila. Pagdating sa gate may kotseng sumundo kay Mitchell at nagpaalam siya kay Chad. Nag-nod lang si Chad at sumakay sa kanyang bike at pinatakbo niya ito ng matulin. Nagpaalam ako sa aking mga kaibigan at naglakad. Nasa malayo na si Chad hindi ko na siya maabutan. Pagdating sa bahay dating nakagawian ay patuloy kong ginagawa. Nagpaalam sila mama at papa sa amin ni Seth dahil mayroong silang batch party. Ganoon narin sila tita Mercedes at uncle Aaron. Hindi ko akalain na magkaklase silang apat. Nagpatulong si tita na puntahan si Clear para may kasama ito ngayong gabi. Si Seth ay okay lang sa kanya na walang kasama. Pumunta ako sa kanila at kumatok. Binuksan ni Clear ang pinto. "Pasok ka ate Cutie." "Ate si Seth ba totoong lalaki? " Tanong nito ng makaupo kami sa kanyang kama. "Oo baki't?" "Ah hehehe mabuti kung ganun." Akward niyang tugon. "Ikaw ha...crush mo ang kapatid ko ano?" Namula ang kanyang pisnge. "Keep quiet ate baka marinig tayo ni kuya." Aniya sa mahinang tono ng boses. "Saan pala ang kuya mo?" Tanong ko. "Nasa kabilang kwarto natutulog." Sagot nito. "Seven pm pa naman. Ang aga..." "Ganun talaga siya ate. Hindi kasi iyan nag-aaral kundi basa lang ng basa siya ng mga aklat." Paliwanag niya sa mahinang tono. Tumango lang ako at nagsalita ito ulit. "Ate nasa bahay lang ba ninyo si Seth?" "Oo baki't?" "Gusto ko sanang magpatulong sa kanya sa project kong bahay na gawa sa posticles." Nahihiya niyang sabi. "Oo nasa bahay lang. Ang kuya mo pala?" Nagtataka kong tanong. "Naku ayaw niya akong tulungan gusto niya na matuto ako na hindi umaasa sa iba. Hindi naman ako katulad sa kanya na independent. " Nalulungkot nitong sumbong. "Sige pagsasabihan ko siya tara dalhin natin ang project mo sa bahay namin. Baka may maitulong ako." Nabuhayan ang kanyang loob at niyakap ako nito ng mahigpit. "Thank you ate." Masaya niyang sabi at lumabas kami. "Hindi ka ba magpapaalam sa kuya mo?" "Hindi na tulog naman iyon eh." "Seth tulongan natin si Clear sa project niya. Alam ko na mahusay ka sa mga ganito. Diba pangarap mo ay maging isang engineer." "Ate ang daldal mo bakit mo sinabi na marunong ako?" Naiinis nitong sabi. "Tutulong ka or uupakan kita?" Hamon ko sa kanya. "May choice ba ako?" Iritable nitong sagot. "Dinaig mo pa ang isang babaeng may regla." Ani ko sa kanya. "Pasensya na Seth ayaw kasi akong tulongan ni kuya kaya sana... matulongan mo ako?" Tumango lang si Seth at nagpasalamat naman si Clear. "Ayyy hala nakalimutan ko ang paint brush sa bahay." Bigla niyang banggit. Akmang tatayo na siya ay pinigilan ko. "Ako na ang kukuha saan mo ba nilagay?" Tanong ko at nag-isip ito. "Nasa kay kuya. Hiniram niya kasi iyon last time." "Sige. Ako ang kukuha." "Ate kapag kakatok ka sa kanyang pinto make sure mahina lang dahil para iyong dragon kapag nagagalit." Pa-alala nito. "Copy that!" Sagot ko at patakbong lumabas ng bahay. Pagpasok ko sa loob ng kanilang bahay ay umakyat ako sa hagdan sa taas. Kumatok ako ng mahina. Tatlong katok ang aking ginawa. "Sino ba iyan? Anong kailangan?" Naiinis nitong tanong sa loob. "Chad ako ito si Cutie inutusan ako ni__" Bumukas bigla ang pintuan at hinila ako papasok sa kwarto na kigulat ko at sinarhan sabay sa pagsandal sa akin sa dingding. "Chad!" Gulat kong usal. Magkalapit lang ang aming mukha. "You dare to wake me up." Aniya na nakatitig sa akin. Kumabog ng malakas ang aking dibdib. "I can hear your hear beating faster." Ngumisi ito. Dim ang lights sa loob and wait tama ba marunong siyang ngumiti? "Ka-Kasi g-ginulat mo a-ako..." Nauutal kong sabi. "Baki't ka nandito sa aming bahay?" Nakatitig niyang tanong. "Ka-Kasi yung p-paint brush d-daw ng ka-kapatid mo..." Nauutal parin ako at mas lalong lumakas ang kabog ng aking dibdib. Mas inilapit pa nito ang kanyang mukha sa akin. "C-Cha_" Hindi ko natapos ang aking sasabihin. Nararamdaman ko na lang na nagtapat ang aming mga labi. Nanlaki ang aking mga mata at nanigas ako sa aking kinatatayuan. Anim na segundo bago niya inilayo ang kanyang mukha sa akin at ngumisi siya at pinindot ang switch ng ilaw. Natulala ako kung hindi siya umalis sa aking harapan at binigay ang paint brush ay baka hindi ako natauhan. "Makakalabas kana." Natataranta akong lumabas at sinarhan niya ang pinto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD