(CLEAR POV)
Pagdating ni ate Cutie ay napansin kong tulala siya habang bitbit niya ang paint brush.
"C-Clear ito na ang p-paint brush." Nakangiti ito ng bahagya.
"Salamat ate."
"Okay ka lang ba ate Cutie?" Tanong ko sa kanya. Tumango lang siya at pumunta sa kusina upang uminom ng tubig. Tatlong basong tubig ang ininom nito. Tapos bumalik sa mesa at naupo sa silya. Kaharap ko siya mismo.
"Ate okay ka lang ba talaga? Hindi ka ba inaway ni Kuya Chad?" Nag-alala kong tanong.
"Okay lang ako hi-hindi naman niya ako inaway." Sagot nito.
"May maitutulong ba ako?" Tanong nito.
"Wala kang maitutulong ate. Gawan mo na lang kami ng snacks ni Clear." Utos nito ni Seth.
"Sige." Sagot nito at bumalik sa kusina.
Habang nasa kusina si ate ay hindi ko maiwasang titigan si Seth na seryoso sa pagpatayo ng bahay na gawa lamang sa popsticle. Ang ginamit naming pandikit ay glue gun.
Nang nilingon ako nito dahil nga magkatabi lang kami ay umiwas ako agad at inabala ko ang aking sarili sa pag-ayos ng mga nawasak na popsticles.
Tapos ibinalik niya ang tingin sa ginawa niyang bahay. Tinulongan ko siya at ako ang nagdemand sa gusto kong porma o style.
Ilang sandali pa bitbit na ni ate ang snacks. Slice bread na may palaman na chicken spread, egg at lettuce at may kasama pang lychee juice.
"Ito na snacks ninyo." Ibinaba niya ang snacks.
"Snacks muna kayo." Ani ni ate.
"Salamat ate." Sabay naming sagot ni Seth na kapwa kami nagtinginan at umiwas naman kami agad.
Nag snacks muna kami at may binulong ako kay ate.
"Ate pwde favor?"
"Sure, ano ba?" Tanong nito sa mahinang tono.
"Pwede ba na picturan mo kami ni Seth?" Ngisi ko sa kanya.
"Walang problema." Sagot niya at tinuruan ko siya paano gamitin ang touchscreen ko na bagong bili ni dad sa akin. Mabilis naman siyang natuto.
"Clear mamaya na iyang chismiss tapusin na natin ito kasi malapit na ang midnight." Ani nito na nagsimula ng dikitan ang right side ng posticles for the wall sa munting bahay.
Hindi ako sumagot bagkus sinunod ko siya agad. Patagong pinicturan niya kami na medyo magkalapit ang aming mukha sa isa't-isa. Pero nakayuko naman kami pareho.
Natapos namin ang mga walls at pininturahanan namin pareho ng kulay pink ang mga pader mula first to second floor. Nilagyan din niya ng hagdan. Kasi nga pink ang gusto kong kulay.
Kumuha si ate ng mga damit na hindi na nagagamit upang gupitin at gawing kurtina. Nasuprisa ako sa talento ni ate at hindi ko inaakala na kahit hindi siya matalino ay mahusay siyang magtahi ng cute at maliit na mga kurtina. Kulay pink na mabulaklak ang kurtina.
May kumatok at lahat kami lumingon sa pintuan at nagtinginan.
"Sino iyan?" Tanong ni ate Cutie.
"Nandyan ba si Clear?" Tanong din nito.
"Mukhang hinahanap na ako ni Kuya." Ako ang tumayo upang pagbuksan ito.
"Clear, Kanina pa kita hinahanap! Ano ba kasi ang ginagawa mo dito sa ganitong oras? Ka babae mong tao!" Galit nitong tanong.
"Ayaw mo kasi akong tulongan kaya nagpatulong na lang ako sa iba." Naiinis kong sagot sa kanya.
"Pinag-alala mo ako! Ano na lang ang sasabihin nila mama sa akin?" Galit itong nakatingin sa akin at napahilamos sa kanyang mukha gamit ang kanyang mga palad.
"Kuya si mom mismo ang nagsasabi na ang magbabantay sa akin ay si ate Cutie dahil tulog kana. Umuwi kana hindi kita kailangan." Nagtatampo parin ako sa kay kuya.
"Baki't ba nagmamadali kang ipasa iyang project mo?" Kalmado nitong tanong.
"Dahil bukas na ang deadline. Last week pa kita sinabihan kaso hindi ka naaawa sa kapatid mo. Buti pa yung bruha mong kaklaseng babae ay na nagpatulong ang kanyang pamangkin na gawan mo ng solar system project na gawa sa styrofoam ay agad ka pumayag pero ako na mismo kapatid mo ay hinihindian mo ako kuya! Para bang hindi mo ako kadugo? Ano ba ang mas importante sayo kuya ang kadugo o hindi kadugo? Kung gusto mong matuto ako na hindi nagpapatulong sa ibang tao bakit sa pamangkin ng bruhang Mitchell na yun ay pumayag ka agad?!" Huminga ako ng malalim dahil galit ako kay kuya at nagtatampo talaga ako ng sobra.
"Clear, nakakahiya doon na sa bahay natin iyan pag-usapan. Please..." Kalmado nitong pakiusap.
"NO!" Malaki kong paghindi.
"Saan ba iyang project mo para sa bahay na natin tapusin. Nakakahiya kina Seth nadidistorbo sila." Iritable niyang tanong.
"Hindi siya nakakadistorbo sa amin Chad." Mahinhin na tugon ni Cutie. Akmang magsasalita si Seth ay nakita ko sa ilalim ng mesa kung paano niya sinipa ng mahina si Seth.
"Malapit na kaming matapos umuwi kana." Nakapamaraso kong sabi at tinalikuran siya.
"Ilaw na lang ang kulang kuya Chad at kusina. Pasok ka malamig diyan sa labas." Boses ni Seth.
Bumalik ako sa mesa at naupo sa tabi ni Seth. Naupo rin si kuya sa tabi ni ate Cutie na abalang tinahi ang ginawang trapo kumbaga para sa entrance at exit na pintuan na kakadikit lang ni Seth.
(AUTHOR'S POV)
Tiningnan ni Chad si Cutie na abalang nagtatahi ng mga trapo na maliliit. Tiningnan niya ang mga kurtinang sinabit ni Clear na tinahi ni Cutie ay namangha siya sa tinatago nitong talento.
"Kahit pala stupid siya ay may tinatago siyang talento sa pagtatahi." Bulong ng kanyang isipan.
"May lighters ba kayong walang laman?" Tanong ni Chad kay Seth.
"Oo kuya Chad marami kami." Sagot ni Seth.
"Ate Cute, alam mo bang saan tinago ni mama ang mga lighters natin na wala ng laman?" Tanong ni Seth.
"Oo, saglit lang kukunin ko." Tumayo si Cutie at nagtungo sa likuran ng bahay.
"Kuya anong gagawin mo sa mga lighter?" Nakasimangot na tanong ni Clear.
"Kukunin natin ang bulb para gawing ilaw dito sa project mo." Paliwanag nito.
"Paano nagkaroon ng bulb ang lighter?" Naguguluhan niyang tanong.
"Ang modern lighter namin ay may maliit na flashlight." Paliwanag ni Seth.
"Mahusay ka sa paggawa ng bahay Seth." Puri ni Chad sa seryosong Seth sa paglagay ng kusina. Ngumisi lang si Seth at nagfocus pa ng mabuti.
Ilang sandali pa ay nakabalik na si Cutie bitbit ang pitong pirasong lighter at nilapag sa mesa. Kinuha ni Clear ang isa at pinush ang switch at umilaw ito.
"Ah okay ito pala ang modern lighter ngayon." Naliwanagan si Clear sa magulo niyang iniisip kanina. Wala kasi sila ganitong lighter sa bahay.
After sa trapo ay nagtahi siya ng maliliit na besheet. Kumuha siya ng extra foam sa kusina na hindi pa nagamit na pangpunas sa mga pinggan.
"Clear meron ka bang laruan sa inyo na isang bed ng mga barbie? pati na mga upuan at mesa?"
"Yes ate marami ako sa bahay. Ilan ang kailangan mo?"
"Tatlo, kasi tatlo ang ginawang silid ni Seth. Sa lamesa naman kahit isa lang at dalawang upuan ay sapat na...
"Sige ate." Patakbo itong lumabas ng bahay at habang wala pa si Clear ay nagtahi siya ng anim na mga pundang maliliit. Naggunting siya ng foam na maninipis lang at pagkatapos ng mga punda tahiin ay pinasuot niya sa foam.
Hinihingal na dumating si Clear at nilapag sa mesa.
"I-Ito ate mga l-laruan ko iyan nung bata pa ako."
"Ayyy hala ang cute ng mga pillow! Tapos pink pa ang kulay. Thank you ate hindi ko akalain na ganito ka kagaling magtahi." Masayang mangha ni Clear na nakahawak sa mga cute na unan.
"Magaling talaga iyang si Ate. Pangarap niya kasi ang maging isang fashion designer balang araw." Sabat ni Seth na dinikit nila ang maliliit na mga wire sa loob ng bahay.
"Salamat sa kapatid sa pangbobola." Usal ni Cutie na pokus lang sa ginagawa.
Nakatingin si Chad kay Cutie na seryosong ginupitan ang foam na manipis ulit upang gawing higaan at binalik ang atensyon sa ginagawa.
"Wow ate ang ganda ng pangarap mo!" Manghang Clear.
"Naku salamat." Mahinhin na sagot ni Cutie.
Pinasuot ni Cutie sa foam ang tatlong cute na bedsheet. Nagtahi rin siya ng mga kumot.
Kumuha ng white creep paper si Chad at ginawa niyang cone shape upang ipasok sa loob ang bulb para kumalat ang liwanag sa loob ng kusina ganoon narin sa tatlong kwarto at pati na sa sala. Ang ginawa nilang switch ay ang switch sa lighter flashlight.
Nilagyan ni Clear ng mga upuan na gawa sa plastick. Upuan ng kanyang mga barbie at nilagay rin niya ang mesa sa loob ng kusina at pati narin ang mga higaan sa first floor.
Nilapag niya ang mga higaan at mga unan pati na ang kumot na kakatapos lang tahiin ni Cutie.
Naglagay rin sila Chad at Seth ng ilaw sa labas ng bahay sa harapan at likuran.
Pagkatapos ay pinagdikit ni Chad ang mga bakuran na gawa parin sa popsticle at pinatong din ni Seth ang rooftop at kinulayan niya ng gray color.
Kinulayan din ni Chad ang mga fences ng kulay puti at ang mga damo at mga bulaklak na dating laruan ni Clear ay nilagay sa loob ng bakuran.
Lumabas si Seth at kumuha ng malaking empty plastic bottle ng treseme conditioner at hinati ang bandang pwetan na may taas na two inch. Tinanggal niya ang cover at hinugasan. Pinunasan ng toyong basahan at kinulayan ng color gray ang labas at ang loob ay kulay asul. Nagtataka naman si Clear samantala si Chad alam niya na ang gagawin ni Seth ay isang pool. Namangha siya sa talento ni Seth.
"Clear kumuha ka sa labas ng carabao grass mga kasing laki nitong pinatong nating bahay sa flywood marine, mga 1/4 ang size." Utos ni Chad habang pinapatuyo pa ni Seth ang gagawin niyang pool.
"Kuya naman ang dilim kaya sa labas." Maktol ni Clear.
"May phone ka naman gamitin mo iyan pang flashlight." Giit nito sa kapatid.
"Ako na lang ang kukuha." Presenta ni Seth.
"Sige at samahan mo siya Clear." Utos nito sa kapatid. Imbes na magreklamo ay sumunod agad si Clear. Syempre makakasama naman niya si Seth. Lumabas na ang dalawa sa labas.
Ang Cutie ay nagtahi ng mantle para sa mesa. Hindi maiwasan ni Chad ang nakawan ng tingin ang seryosong dalaga.
Sa huling tusok niya sa karayom ay hindi niya sinadyang matusok ang kanyang daliri.
"Arayyy!" Daing nito.
Nataranta naman si Chad at hinawakan ang kanyang daliri na may lumabas na dugo. Walang pag-alinlangan na sinipsip ni Chad ang dugo na kinagulat ni Cutie. Nakatitig lang si Cutie sa makinis nitong mukha. Sobrang lapit ng kanilang mga mukha at ng may lumabas pang dugo ay sinipsip niya ito muli at kumuha ng table napkin na nasa mesa upang ipunas. Pag-angat ng ulo ni Chad upang tanungin sana siya na mag-ingat ay nagkakatitigan sila sa isa't-isa.
"Ahem!!!" Tikhim ni Clear at Seth. Umiwas agad silang dalawa at umayos sa pagkakaupo. Kinilig si Clear sa nasaksihan.
Ibinigay ni Seth ang lupa at agad namang nilagay ni Chad sa bakuran. Nilagay din ni Seth ang pool at nilagyan ng tubig at plastic na isda at plastic na water lily. Hindi tuloy nasabi ni Chad ang word na mag-ingat ka sa susunod.
Natapos ni Cutie ang mantle at mga kurtina. Tinanggal ang rooftop at sinabit ang kurtina at nilapag ang mantle sa mesa.
Kinulayan ng kulay puti ang mga pintuan at maganda ang kinalabasan ng project ni Clear. Hating-gabi na ng tingnan ni Chad ang wall clock nila Seth na nasa sala.
"Wow! Ang ganda ng project ko!" Nagagalak niyang mangha.
"The best talaga kayong tatlo!" Dagdag pa ni Clear.
"Mabilis natin natapos dahil nagtutulongan tayo." Nakangiting sambit ni Seth habang nakatingin sa natapos na bahay.
"Thank you so much Seth!" Masayang pasalamat ni Clear.
"Naku kung hindi dahil sa pananakot kay ate sa akin hindi pa ito tapos." Mapaklanniyang sambit at napakamot sa batok.
"Salamat na lang kuya." Walang gana niyang pasalamat.
"At ate C--- hala nakatulog na si ate..." Mahinang boses niyang sambit. Nilingon nila Seth at Chad ang mahimbing na natutulog na si Cutie.
"Napagod si ate Cutie." Pout ni Clear.
"Uwi na tayo kuya. Maraming salamat talaga Seth ha nakatulog na tuloy si ate."
"Wala yun. Sige mag-iingat kayo hating-gabi na din." Sagot ni Seth.
"Pero paano si ate Cutie? Diba sa second floor pa ang kanyang silid?" Nag-alalang Clear.
"Ako na ang bahala sa kanya. Gigisingin ko lang siya." Panigurado ni Seth.
"Naku madidistorbo siya...masarap na ang kanyang tulog. Kuya Chad mas mabuti siguro na buhatin mo si ate Cutie papuntang silid niya?" Utos ni Clear na nagulat pa si Chad.
"Hindi ko alam kung saan ang kanyang silid." Simpleng pag-iwas ni Chad.
"May nakasabit na pangalan sa kada pinto kaya malalaman mo kung saan ang kanyang silid." Agarang sambit ni Seth.
Tiningnan muna ni Chad ang inosenteng natutulog na si Cutie at binuhat niya ito in a bridal style.
"Aantayin kita kuya." Saad ni Clear at nagsimula ng humakbang si Chad paakyat sa second floor.
Mga sampung hakbang ni Chad ay narating niya ang second floor at nabasa niya ang pangalan ni Cutie. Binuksan niya ito habang buhat parin si Cutie.
Pagkabukas ay napamangha siya sa nakita. Sobrang maaliwalas ang kwarto nito at ang lahat ay kulay purple pati na ang higaan nito.
Dahan-dahan niyang inihaga si Cutie at bago pa niya tanggalin ang kamay niya na nasa leeg pa ni Cutie ay may sinabi ito.
"I love you Chad." Napangiti naman si Chad sa narinig. Nakatitig siya sa inosenteng mukha ni Cutie. May maganda itong porma ng labi at mapula. Cute ang ilong at makapal ang balahibo ng kilay, mahaba ang eyelash.
"Pati ba sa panaginip ako ang napapanaginipan mo." Ngumisi siya at kinuha ng dahan-dahan ang kanyang kamay kaso gumalaw si Cutie at nahila ang kanyang leeg kaya muntik na siyang mapasubsob sa mukha ng dalaga. Buti na lang na control ng kanyang isang kamay sa pamamagitan sa paghawak sa besheet.
Magkadikit na ang kanilang mukha kunting galaw ay magtatapat na ang kanilang mga labi. Gumalaw ang kanyang adams apple at tila bagang natuyo ang kanyang lalamunan. Hindi siya nakatiis ay hinalikan niya muli si Cutie pero smack lang at tumayo siya at kinumotan.
Tatalikod na sana siya kaso tiningnan niya ulit si Cutie at hinalikan sa noo at sabay bulong sa kanyang tainga na: "Goodnight, Sweet dreams." Lumabas na siya at sinara ang pinto at naabutan niyang nagtatawanan ang dalawa.
"Kuya ang tagal mo." Kunwaring reklamo ni Clear ang totoo okay lang sa kanya na nagtagal ang kuya niya para mag-usap pa silang dalawa ni Seth.
"Malikot si Cutie parang ayaw bitawan ang kamay ko." Pagsisinungaling niya.
"Naku ganyan talaga si ate." Singit ni Seth at nagpaalam na sila Clear bitbit ng kuya niya ang kanyang project. Saka niya sinarhan ang mga pinto at nilock at umakyat sa taas papunta sa kanyang silid.