CHAPTER 7

2303 Words
(CUTIE POV) Sa umaga naupo muna ako sa aking kama at inaalala ang nangyari kagabi. Ang alam ko nakatulog ako sa mesa at wala rin akong matandaan kung paano ako napunta dito sa aking kama? Tumayo ako at humarap sa salamin. Nakikita ko ang aking magulong buhok. Hanggang sumagi sa isipan ko ang paghalik sa akin ni Chad kagabi sa kanyang kwarto. Hinawakan ko ang aking labi at ngumiti. "Ayehhh second kiss kuna iyon..." Pumikit ako at inaalala ang paghalik nito sa akin. Kakaiba ang naramdaman ko ng mga sandaling iyon. Malakas ang pagkabog ng aking dibdib. Dinilat ko ang aking mata at hinawakan ko ang magkabilang pisnge ko. "Hindi ko lang siya gusto kundi m-mahal kuna siya?" Tanong ko sa aking sarili habang nakaharap parin sa salamin. Ngumisi ako naalala ko na napanaginipan ko pala siya kagabi. Sa aking panaginip ay hinalikan niya ako sa aking noo at bumulong raw siya ng 'Goodnight and Sweet dreams? ' pero kasi panaginip lang iyon at malabo na sasabihan niya ako ng ganun. Dali akong pumasok sa banyo upang maligo. Tatlong minuto ang nakalipas ay lumabas na ako habang naka-tuwalya. Nagsuot ng panty at bra pagkatapos ay nagsuot ng cyling at my school uniform, palda at saka blouse. Pinunasan ko ng maigi ang aking buhok. Wala kasi kaming blower. Sinuklayan ko ang aking buhok at hinayaan ko na nakalugay. Kasunod ay sinuot ko ang aking medyas at school shoes. Lumabas na at bumaba sa hagdan. Natagpuan ko sila mama na nakahanda na ang almusal. "Good morning everyone!" Sabay upo. "Good morning din sayo anak." Sagot ni mama na kakalapag palang sa tinolang isda. "Kumusta ang aking prinsesa?" Tanong ni papa. "Okay naman po ako papa." Tugon ko at si Seth tahimik lang. "Mabuti kong ganun." Ani ni papa at nanalangin kami. "Seth, ikaw ba ang nagdala sa akin kagabi sa kwarto?" Tanong ko. "Baki't ko naman iyon gagawin? Ang bigat mo kaya no!" Nakaismid niyang tugon sa akin. "Baki't mo alam na mabigat ako ha?" Nguso kong tanong sa kanya. "Mamaya na yang pagtatalo ninyo magdasal muna tayo." Saway sa amin ni papa. Pagkatapos manalangin ay nagsimula na kaming kumain. Ang ulam namin ay tinolang isda at scrambled egg. "Kumusta po ang highschool batch party ninyo kagabi at anong oras na po kayo nakauwi?" "Tanong ko ng huminto ako sa pagsubo. " Sobrang bongga ang party at lahat kami nasi-awitan at nag-sayawan. Masaya kaming lahat!" Masayang balita ni mama. "Si Chad ang bumuhat sayo mula dito patungo sa iyong kwarto." Singit nito na huminto sa pagsubo. Napanganga ako sa aking narinig. " Binuhat ako ni my Chad ko?" Kinikilig kong usal sa aking isipan. Hindi ako makapaniwala. "Napaka-gentleman naman ng anak nila Mercedes at Aaron." Masayang banggit ni Mama. Matapos kumain ay hinintay ko si Chad sa gate. Dahil nga subdivision kami nakatira. Lumabas na siya habang tulak ang bike at bumati ako sa kanya na may matamis na ngiti. "Ano ang maganda sa umaga Barcelona?" Masungit ulit niyang sabi. "Ako ang maganda sa umaga." Nakangisi kong sagot na kinahinto niya at nakatingin sa akin pero saglit lang dahil sumakay ito sa kanyang bike. "Chad salamat sa pagbuhat sa akin kagabi papunta sa aking silid." Masayang kong sabi at hindi ito sumagot. "Chad pwede umangkas? Please! Pretty please! " Pout ko sa kanya at bini-blink ko ang dalawa kong mata. "Hindi pwede baka mapagkamalan pa tayong may relasyong dalawa." Paghindi niya at akmang papatakbo niya na ang kanyang bike. "Ayaw mo nun? Ang ganda kayang pakinggan na sasabihin nilang girlfriend mo a-ako..." Kagat kong labi at nagpeace sign sa kanya. "I dont like you to become my girlfriend." Tugon nito na nakatingin sa akin. Wala man lang akong mabasang emosyon sa kanyang mga mata. Mabilis itong nagpapatakbo habang ako ay nakatingin lang sa nakalayong Chad. Bigla ako naging malungkot dahil ako ay naguguluhan. "Baki't ayaw niya akong pa angkasin? Anong ibig sabihin pala nung hinalikan niya ako sa labi? At baki't ayaw niya akong maging girlfriend?" Naitanong ko sa sarili na biglang may tumulo na preskong luha sa aking mga mata. Nakaramdam ako ng kunting sakit sa aking puso. Naglakad lang ako ng mabagal hanggang lumakas na ang hangin at may biglang tumakip sa aking mukha na isang magazine. Kinuha ko at tiningnan at binasa. Isa itong Zoom Tesda courses. Ang una kong nabasa sa list ng kanilang sources ay cooking at ang pangalawa ay baking. Bigla akong may naalala.... *Flashback* "Chadwick anak, maitanong nga kita anong klaseng babae ba ang gusto mo?" Tanong ni tita kay Chad na pokus lang sa pagkain. "Hindi brainless, hindi isip-bata, mahusay sa sports at marunong magluto. Dagdag narin yung maganda." *End of flashback* Hindi ako marunong magluto ng ulam o kahit magluto man lang ng pancakes. Tanging pritong isda lang ang alam ko at scrambled egg din side in side up na itlog kaso....maalat din naman. Hanggang nagkaroon ako ng idea. "What if mag-enroll ako sa cooking ng tesda at baking? Para matuto akong magluto ng kahit ano at para narin maipagluto ko si Chad in the future." Hinawakan ko ang aking baba at sa isipin palang iyon ay kinilig na ako sa mangyayari. Gusto ko na maging proud siya sa akin at need ko ring mag-aral ng mabuti at galingan pa ang pag-eensayo sa aming laro. Malapit na ang recognition day namin at sa susunod na taon ay third year highschool na ang isang katulad kong bobo. Iwan kong makakapasa ba ako? Sana naman maaawa ang adviser naming si Mam Patrecia. Pangako gagalingan ko na sa susunod. Ayaw kong ma-behind kay Chad. Gusto ko balang araw ay sabay kami magtatapos ng highschool. Gusto ko mayroon na kaming larawan dalawa na nakasuot ng tuga. Masaya akong naglalakad papuntang eskwelahan habang iniisip ang mangyayari sa kinabukasan ay huminto ako saglit at nag-iisip kung paano ko kayang pagsabayin ang school ko dito at doon kung baka sakali. "Saka na kapag makapag-enroll ako." Nawika ko sa sarili at pumasok na sa klase. Wala pa ang aming guro sa E. P. P kaya masaya akong pumasok sa klase. "Kumusta ang pagsunod mo kay Chad?" Bungad sa akin ni Ayeng. "Okay naman." Masaya kong tugon. "Oie masaya tayo ngayon ah?" Siko sa akin ni Ayeng dahil magkatabi lang kami sa iisang upuan. "Nagkagusto na ba si Chad sayo?" Bungad rin sa akin ni Esoy na nasa aming likuran kung saan siya nakaupo sa kanyang upuan. "Hindi pa. P-Pero hinalikan niya ako kagabi." Biglaan kong sabi habang iniisip ang nangyari kagabi. "Huh? Chad kiss you?!!!" Gulat nilang sabi na kinalingon ng lahat naming kaklase sa aming gawi. Malakas pa naman ang boses ng dalawang ito. "Impossible na ikiss ka ni Chad Cutie hindi ka nun magugustuhan." Singit ni Elicia na parang sinasabi na hindi makapaniwala. Kaklase naming babae. "Oo nga malabo iyong mangyayari dahil si Mitchell ang magugustuhan nun dahil maganda siya, matalino at mayaman." Sabat ni Kikay. Parang kasabwat sa section A. "Si Mitchel queen din ng campus at mahusay din sa sports ikaw hindi at higit sa lahat tayo ang pinaka-bobo dito sa campus. Kaya nga diba nasa section H tayo? " Sang-ayon ng isa pa naming kaklase na si Niyani. "Anong paki ninyo kung nahalikan man si Cutie o hindi wala kayong pakialam! Buhay niya iyon wala kayong ambag! " Pahayag ni Ayeng na may pagka-nis. Maldita talaga itong bestfriend ko. "Edi ano sa inyo kung nahalikan siya ni Chad?! Wala iyan sa katayuan sa buhay o sa anyo o sa pagkatalino o bobo. Ang pag-ibig ay walang pinipili kahit sino sa atin ay pwedeng tamaan ng kupido ni god Eros. Selos kayo dahil ang hinahangad ninyong Chad ay hindi man lang kayo mapansin? Samantala ang aming bestfriend ay magkapit-bahay pa sila." Lumaki ang mga mata ko sa huling sinabi ni Esoy. Baki't pa kasi sasabihin na magkapit-bahay kami ni Chad? Mas lalong nagulat ang lahat. "Kapit-bahay mo ang ultimate genius sa campus?!" Biglaang sabat ni Ian. "Wow Cutie ayos iyan!" Nakangiting sabat ni George. "A-Ah e-eh..." Nauutal ako lagot ako nito ni Chad. Paano na? Help! "Oo! Dahil magka-ibigan ang kanyang mga magulang! Selos kayo no? Ayaw ninyong maniwala? Edi tumahimik kayo huwag kayong makisawsaw sa usapan ng ibang tao. Just mind your own business!" Tinarayan ni Ayeng ang aming mga kaklase. Pumalakpak naman si Esoy sa sinabi ni Ayeng. "Bongga! Kung mga alipores kayo ni Mitchell mas maganda kung mag-aral kayo ng mabuti at doon na kayo lilipat sa section A para mawala na kayo dito sa section H kasi hindi kayo gabay dito! Mga bobo na nga tayo kumakampi pa kayo sa kadiliman!" Esoy rolled his eyes. "Hindi kami alipores ni Mitchell! Para kasing hindi kapaniwala na hahalikan siya ni Chad." Ani ni Kikay na halatang guilty. "Baki't tahimik ka lang Cutie. Magsalita ka?" Sabat ni Niyani na tinarayan ako na tahimik lang. "Totoo magkakapit-bahay nga kami ni Chad at mga magulang namin ay magkaibigan since elementary pa sila." Kinakabahan kong tugon. Lagot na ako ni Chad nito. "Eh ano yung tungkol sa Kiss?" Naka-pamarasong tanong ni Elicia. "Nagkakamali lang kayo ng p-pandinig. Movie yung pinag-uusapan namin tungkol kay Chadwick sa blank panther. Hindi kay Chad Davis." Kagat labi kong sabi. Tumahimik na silang lahat. Speaking of black panther movie ay ang naging rason kaya ako nanonood dahil kapangalan ng aking crush na si Chad. Si uncle Aaron ay favorite actor niya si Chadwick Aaron Boseman kaya pinangalanan niya ang nag-iisa niyang lalaking anak ng Chadwick din. Kaso..nasa kabilang mundo na si Chadwick Aaron Boseman sa totoong buhay, nakakalungkot isipin. Nang nasa canteen na kami at nakapag-order na din ng aming recess snacks ay nagtanong si Esoy at Ayeng. "Cutie totoo ba talaga iyong sinabi mo na nahalikan ka ni Chad?" Tanong ni Ayeng sa mahinang tono. "Oo kagabi sa kanyang silid." Kagat labi kong sagot. "Ayehhh kaya pala namula mga pisnge mo." Tukso ni Esoy. "OMG! Happy kami para sayo Cutie."Kinikilig na wika ni Ayeng sa mahinang tono parin. Kinuwento ko sa kanila ang buong pangyayari kaya mas lalo pa silang kinikilig. Naging daily routine ko ang pagpunta sa library para masilayan lang si Chad na nagbabasa ng mga aklat sa sulok ng library at mag-isa lang ito. Ginugol ko ang oras sa pagbabasa din. Habang nagbabasa ay panay nakaw tingin ako kay Chad. "Napaka-seryoso mo talaga Chad..." Biglang sumulpot si Ayeng at Esoy sa library na nagmamadali at agad na may binulong sa akin. "Cutie alam mo bang ikaw ang pinagchismisan ngayon sa campus?" Pahayag ni Ayeng. "Baki't naman?" Napansin ng isa kong mata na lumabas na si Chad. "Pinagkalat ni Niyani at Elicia na magkapit-bahay kayo ni Chad." Tugon ni Ayeng. "Dagdag pa yung Kikay na pangit grrr...parang gusto kong manampal ngayon!" "Keep quiet students." Saway sa amin ng book keeper. "Sorry mam." Sagot ni Esoy at sumama na ako sa kanila palabas. Pagdating namin sa bulletin board may dinikit doon na isang poster na mukha ko at mukha rin ni Chad. Ang nakalagay ay: "Chadwick Davis & Cutie Barcelona ay magkapit-bahay." Pinagbulongan nila ulit ako at saktong paglingon ko sa aking gilid ay nakatayo si Chad habang nakatingin sa poster. "Chad, sorry..." Mahina kong usal. Nilingon niya ako at wala itong sinabi. Sumulpot bigla si Mitchell sabay basa sa poster at tiningnan si Chad at hinawakan nito ang braso ni Chad. Hindi man lang nagreact si Chad sa ginawa ni Mitchell. Bigla akong nakaramdam ng selos. "Chadwick totoo bang magkakapit-bahay kayo ni Cutie?" Singit ni Elicia na pumunta pa talaga sa harapan nila Chad at Mitchell para magtanong. Hindi ba sila satisfied sa sinabi ko sa kanila kanina sa loob ng classroom? "Oo nga impossible naman iyon diba?" Sabat ni Kikay. " Totoo ba iyang nasa poster Chad?" Malambing na tanong ni Mitchell. "Yes." Pag-amin ni Chad at tiningnan ako na may pagtatanong at kinatahimik ng lahat. Umalis na siya at tinanggal niya ang kamay ni Mitchell at umalis. Bago din umalis si Mitchell ay tiningnan ako nito at patakbong nakabuntot kay Chad. "Oh satisfied na kayo mga kapwa namin bobo?!" Pahayag ni Ayeng kina Kikay, Elicia at Niyani. "Baki't kayo tahimik? Naglagay pa kayo ng poster dito sa bulletin board para ano? para ipahiya si Cutie? Hindi lang si Cutie ang inyong pinapahiya kundi buong klase natin sa section H. Mga bobo na nga tayo nagpakabobo pa kayo lalo! Pwede naman sanang personal ninyong tanungin si Chad hindi iyong idaan sa ganitong klaseng pamamaraan! Ano na? Edi in the end kayo rin ang napahiya?" Sermon ni Ayeng na tahimik lang ang tatlo at saka sila tinarayan. Umalis na kami doon pero bago kami umalis tinanggal ng bestfriend ko ang poster at pinunit saka tinapon sa basurahan. Sa hapon nakita ko ulit si Chad na sabay silang lumabas ni Mitchell sa gate habang kaming tatlo nakabuntot at nagpaalam sila sa isa't-isa. "Baki't kaya mas maganda ang trato niya kay Mitchell kesa sa akin? Dahil ba bobo lang ako at si Mitchell matalino?" Bulong ng aking isipan. "Cutie kailan mo ba kami ayain sa inyong bahay?" Pahayag ni Ayeng. "Oo nga gusto din namin makita ang bagong bahay ninyo." Sabat ni Esoy na naka-shoulder bag. Baki't ngayon ko lang napansin. "Sa susunod iyong makapag-handa kami ng masasarap na pagkain at sasabihan ko si papa at mama." Saad ko sa kanila "Excited kami." Masaya naman ang dalawa. "Asahan namin iyan Cutie." Ani ni Esoy at nagpaalam na ako sa kanila. Paglingon ko nasa malayo na si Chad kaya hinabol ko siya ng mabilisang pagtakbo. "Chad! Chad!" Sigaw ko habang tumatakbo. "C-Chad...hi-hintay" Hinihingal kong takbo. Huminto ito at nilingon ako na pawisan. "C-Chad so-sorry please! Nadulas lang ang dila ko Chad! S-Sorry please! Patawarin mo na ako!" Pagsusumamo ko na parang gusto kong maiyak. "Stupid!" Tanging lumabas sa kanyang bibig at iniwan ako na nag-iisa. (Sorry sa late update everyone kasi busy pa si Author ninyo. Salamat!)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD