(CUTIE POV)
Naipasa kuna ang aking requirements sa Tesda at nakapag-enroll narin. Dahil sa ginawa ko ay madalas ko na lang makikita si Chad. Sinabi ko kay papa ang pag-enroll ko sa tesda at sa una ay sinasabihan ako kung hindi ba komplikado sa schedule ko? Sinabi ko hindi dahil iyon naman talaga ang totoo. During saturday at sunday ang aking klase. Ang mga naliban ko sa monday to friday ay pupunan ko sa darating na summer.
Si mama naman ay sinuportahan lang ako sa aking gusto.
Mababait naman ang aking mga kasamahan sa cooking at gaya narin sa bread and pastry. Bago kami magsimulang turuan ay pinag-aralan pa namin ang mga paraan at ang mga rules at hygiene. Wala rin akong naririnig na pangungutya mula sa kanila. Never nila akong hinuhusgahan na isa akong bobo. Bagkus tinutulongan pa nila kapag wala akong masyadong naiintindihan.
Hindi pala madali ang aking pinapasukan dahil dito ko naranasan ang mapaso ng maraming beses dahil sa kalampahan ko. Nahiwa rin ang aking daliri sa pag-slice ko ng mga karne at gulay. Iyong tipo na kailangan mabilisan ang pagkilos. Pinagpawisan dahil sa init ng apoy at panay pa ako sa pagpunas ng aking mukha gamit ang sariling puting panyo. Hindi rin ako komportable na may hairnet sa aking ulo. Pero dahil nga part of the rules ito kailangan kong sanayin ang aking sarili.
Pagkatapos sa cooking ay lumipat ako sa kabilang room kung saan ang Bread and Pastry Production. Mabuti ay mababait rin ang aking mga kaklase. Sa una ay ganoon parin tinuro ang mga rules, ang mga bawal at hindi bawal at ang mga hygienes.
Uwian na at naglakad lang ako pauwi sa bahay. Nakita ko si Chad na nakipaglaro sa aming aso na si Gordon. Bago kami lumipat dito ay iniwan namin si Gordon kina lola at nitong makaraang linggo ay kinuha siya ni papa dahil namiss kuna si Gordon.
Nakita ako ni Gordon at tumahol ito sabay takbo sa aking kinatatayuan.
"Gordon. Halika namiss na naman kita." Dinilaan ako nito sa mukha at niyakap ko siya ng mahigpit. Nakatingin lang si Chad sa aming dalawa ni Gordon.
"Chad..." Usal ko at tumingin lang ito sa akin sabay ang pag-alis pabalik sa kanilang bahay. Hindi ko alam kung baki't sila malapit sa isa't-isa. Buti pa nga si Gordon mas close silang dalawa ni Chad kesa sa akin.
"Gordon...gusto mo rin ba si Chad? Dahil gusto na gusto ko siya...kaso...hindi niya ako gusto." Nalulungkot kong sabi sa aking aso na pinantayan ko siya at nakaupo lang ako sa tabing gate at tumahol lang si Gordon. Pumasok na ako sa loob ng gate at pagdating ko sa bahay ay abala si Seth sa pagbabasa ng aklat.
Umakyat ako sa aking silid at deretso akong dumungaw sa may bintana. Nakita ko si Chad na nagbabasa malapit sa bintana.
"Baki't ba pati si Chad abala sa pagbabasa?" Wika ko sa aking sarili.
"Chadwick! Good afternoon!" Sigaw ko sa kanya. Tiningnan lang ako nito saglit at nagpukos ulit sa pagbabasa.
"Haisst hindi man lang ako pinansin..." Usal ko sa sarili at sinara ang bintana.
Monday morning nakabuntot lang ako kay Chad na ayaw man lang ako turuan o kahit paangkasin. Hindi ako dapat mawawalan ng pag-asa.
Pagdating sa school at pinatawag ako ni sir Lam sa guro namin sa math. Pagkapasok ko sa kanyang opisina at pinaupo niya ako at naupo naman ako ng maayos.
"Barcelona, bagsak ka sa aking subject." Bungad sa akin ni sir.
"Ho? Ummm... sir...kapag ba bagsak ako ay hindi...ako makakapasok sa third year?" Kinakabahan kong sabi.
"Exactly!" Nakapamaraso nitong sabi at sumandal sa kanyang swivel chair.
"A-Ano po ang da-dapat kong gawin. Please sir..." Pagmamakaawa ko.
"Barcelona i know i am a terror teacher. Dahil iyan ang mga comento sa akin ng lahat. I will give you a chance..." Huminto ito nabuhayan naman ako ng loob.
May kinuha siyang maraming folders at pinatong sa kanyang mesa.
"Ito lahat sagutan mo. Sagutan mo lamang ito sa loob ng isang linggo. Dagdag pa niya. Hindi ako sumagot nakatingin lang sa maraming folder na may laman na makapal na pages.
"Ayaw mo bang pumasa?" taas noo niyang sabi.
"A-Ah of course sir gusto kong pumasa hehehe..."
"Mabuti kong ganun. Kunin muna ito lahat at umalis kana sa aking harapan dahil marami pa akong gagawin." Aniya at nataranta naman akong kinuha ang mga folders na nasa aking harapan at dinala palabas. Binilang ko at ten folders ang lahat na may laman na mga test papers. One hundred fifty pages ang bilang kada folders.
"Ang dami nito paano na?" Nakabusangot kong sabi.
Pagpasok sa classroom ay binaba ko ang mga folders.
"Ito ba ang binigay sayo ni sir Lam?" Bungad ni Ayeng sa akin. Tumango lang ako at nakanguso.
"Ang dami naman nito makakayanan mo bang sagutan ito lahat?" Pahayag ni Esoy at binuksan ang unang folder.
"Iwan... please tulongan ninyo akong sagutan?" Nakasimangot kong pakiusap sa kanila.
"Cutie walang problema kung tulong lang kaso...alam mo naman na hindi kami magaling sa math..." Ani ni Ayeng.
"Sa kapatid mo kaya na si Seth?" Ani ni Esoy.
"Sige walang problema." Sagot ko na lang.
Pumasok na ang aming guro na si mam Pina sa assignaturang filipino.
"Magandang umaga sa lahat!" Bati ni Mam Pina sa amin tumayo din kaming lahat sabay ang pagbati sa kanya ng "Magandang umaga po sa iyo binibining Pina at pinaupo kami.
"Una sa lahat wala tayong masyadong gagawin ngayon...Ipapaalala ko lang na...Valentines day na bukas...ang gusto ko ay gagawa kayo ng mga valentine cards at sulatan ninyo ng isang magandang mensahe para sa inyong mga magulang, kapamilya o mga kaibigan. Kahit sino pwede ninyong bigyan...pwede rin sa aming mga guro. Pwede ring kayo bumili ng mga bulaklak o di kaya'y mga chocolates...Nasa inyu na kung ano ang ibibigay basta ba galing sa inyong mga puso. Simulan ninyo ng gawin okay? Yun lang at class dismissed!" Lumabas na si mam Pina at nag-uusap na ang aming mga kaklase kung ano ang kanilang ibibigay.
"Bibigyan ko ng bulaklak si Franco bukas at chocolate tapos gagawa rin ako ng love letter para sa kanya." Kinilig na baggit ni Ayeng habang nag-iisip kay Franco. Ang Franco na tinutukoy niya ay kaklase ni Chad sa Section A. Ang pangalawang matalino sa buong campus.
"Ikaw ba Cutie ano ang ibibigay mo kay Chad?" Biglaan na banggit ni Ayeng sa akin.
"Ummm... Hindi ko alam ang dami ko kasing gagawin." Matamlay kong sagot.
"Kahit love letter na lang ay mas okay na rin. Tiyak na tatanggapin niya..." Sabat ni Esoy.
Nakauwi na ako sa bahay habang bitbit ang sampung folders. Dinala ko sa aking kwarto at nagpalit pambahay. Bumaba ako sa hagdanan at nadatnan ko na kumakain si Seth.
"Seth, ang matalino at gwapo kong kapatid. Kumusta pag-aaral? " Tanong ko sa kanya habang kumakain ito ng snacks. Kunot noo ako nitong tiningnan.
"Ate huwag muna akong bulahin dahil alam ko na may kailangan ka sa akin. Kilala kita." Aniya at ninamnam ang pancakes na favorite niyang snacks at may kasama pang strawberry juice.
"Buti alam mo...Seth tulongan mo naman ako oh...mayroon akong assignments at sobrang dami. 10 folders with 150 pages ang kada folder. Please tulongan mo ako at promise ang mga task mo dito sa bahay ay ako na gagawa...Please Seth..." Pagsusumamo ko.
"Ate pansensya na kaso...ang dami kong projects na gagawin. Next week na ang deadline. Pansensya na talaga bawi lang ako nextime. Patulong ka na lang kay Clear." Paliwanag nito.
"Okay walang problema." Sagot ko na lang at lumabas.
Nakita ko si Clear sa labas naghahabulan silang dalawa ni Gordon. Huminto si Gordon sa paghabol kay Clear dahil lumapit ito akin at kumawag ang buntot sabay ang pagtahol.
Dinilaan nito ulit ang aking mukha at niyakap ko lang siya at bumalik siya kay Clear.
"Clear hindi ka ba busy mamaya?" Tanong ko sa kanya.
"Sobrang busy ko ate dahil ang dami kong gagawin na mga projects namin sa english at science. Baki't pala ate?"
"Magpapatulong sana ako sa aking sandakmak na assignments..."
"Assignments lang naman pala eh...kay kuya Chad ka magpatulong ate. Total wala naman iyong ginagawa kundi ang magbasa lang ng magbasa ng aklat."
"Nakakahiya kay kuya mo..." Kagat labi kong sabi.
"Naku ate ato pa ang silbi ng katalinuhan niya kung ayaw ka man lang niya tulongan?"
"Huwag kang mag-alala pagsasabihan ko s-...ayun si kuya kakalabas lang sa may pinto." Turo nito at nilingon ko si Chad. Tinulak ako ng mahina ni Clear papunta kay Chad. Nakatingin lang si Chad sa akin.
"Ummm...Chad pwede patulong?" Awkward kong sabi.
"Anong klaseng tulong?" Aniya na nakapamulsa.
"P-Pwede ba magpaturo sa assignments ko?" Nahihiya kong pahayag.
"Kaya mo 'yan." Aniya at nilagpasan ako papuntang gate. Bago paman siya makarating sa gate ay hinabol ko siya...
"Chad! H-Hindi ko kaya iyon lahat. Sobra kasing dami. Ten folders tapos ang laman ay 150 pages ang kada folder. Please parang awa muna sige na...please..." Pagsusumamo ko sa kanya.
"Ten folders tapos 150 pages ang laman? Nabagsak kaba sa subjects mo?" Aniya na hinarap ako at tumango lang ako bilang pagsagot.
"Math subject ba?" Aniya at nagulat ako kung paano niya nalaman.
"Huwag ka ng magugulat. Tanging si sir Lam lang naman sa math subject ang nagbibigay ng ganyan karaming assignments sa mga mag-aaral na bagsak sa kanyang assignatura." Bored niyang pahayag.
"One week lang ang ibinigay niya. Kaya natatakot ako baka hindi ako makapag- third year highschool." Nakanguso kong sabi.
"Magpasalamat ka dahil binigyan ka niya ng chance. Pumunta ka mamayang gabi sa bahay. May pupuntahan pa akong importante." Aniya at tumalikod na papuntang gate.
"Thank you Chad!" Sigaw ko at napapangiti naman ako sa sobrang saya.
Kinagabihan ay naghanda na ako sa aking sarili at nagpaalam kay mama at Seth. Hindi pa nakauwi si papa dahil doon muna siya matutulog sa bago naming restaurant.
Dinala ko ang ten folders at ang aking ballpen. Kumatok ako at pinagbuksan ako ni Clear ng pinto.
"Pasok ka ate." Aniya at pumasok naman ako sa loob at naupo naman siya sa mesa.
"Good evening po sa inyo tita Mercedes at uncle Aaron." Pagbati ko sa kanila.
"Good evening din sayo Cutie." Sagot ni tita.
"Halika kain tayo!" Paanyaya ni Uncle Aaron.
"Salamat po uncle tapos na po akong kumain."
"Akyat kana sa itaas kanina ka pa hinintay ni Chad."
"Sige po tita salamat." Sagot ko at umakyat na ako sa itaas.
Kumatok ako sa silid ni Chad at pinagbuksan naman ako nito.
"Good evening Chad." Bati ko sa kanya ngunit hindi man lang ito sumagot.
"Ilapag mo dito sa mesa ang mga folders at simulan na nating sagutan." Aniya at nilapag ko naman. Binasa niya ang unang folder.
"Madali lang ito. General Mathematics and Statistics & Probability, Pre-Calculus, Calculus, Geometry, Algebra, Trigonometry." Aniya habang binabasa ang mga pamagat ng folders.
"Sa kanya madali pero para sa akin ang hirap kaya..." Bulong ko sa isipan.
"Magsimula na tayo sa How to understand algebra."
Kumuha siya ng kanyang kwaderno at may sinulat ito.
Binigay niya sa akin ang problem solving kaso...mali ang aking naisagot kaya tinuruan niya ako sa pamamaraan.
Sinulat niya ang sagot at paano niya ginawa. Namangha naman ako at nakikinig lang ako sa kanyang tinuro. Bagkus hindi ko parin maiwasan ang titigan siya lalo na magkatabi lang kami ng upuan sa iisang mesa.
SOLVE: SIMPLIFY:
X - 2 = 2 6 x + 9 = 12
X = 2 + 2 2 x + 3 = 4
X = 4 2 x = 1
FACTOR: REDUCE:
X² + 3x + 2 6x² = (3) (/2) (/x) (x)
= (x + 2) (x + 1) 2x (/2) (/x)
= 3x
"Arayy!" Nguso ko. Pinalo pa naman niya ako sa aking ulo gamit ang ballpen.
"Kanina pa ako dito panay sa pag-explain tapos ikaw nakatitig lang sa aking mukha. Naipasok mo ba sa kukuti mo ang tinuro ko?" Aniya na nakatingin sa akin.
"Ano ba ang merun sa mukha ko para titigan mo ako ng ganyan?" Nakapamaraso nitong tanong.
"Eh k-kasi ngayon lang ako nagkaroon ng chance na titigan ang iyong mukha." Nguso ko.
"Silly woman! Wala sa aking mukha ang problem solving nasa papel. Kapag titigan mo pa ako ulit ay hindi lang palo ang aabutin mo sa akin." Naiinis nitong sabi.
"Sorry hindi na mauulit..." Nguso ko parin.
"Magsimula na tayong sagutan ang lahat. Ako ang sasagot sa folder 2 tapos ikaw sa one." Binuksan niya ang folder one at binigay sa akin.
"Lapis ang gamitin mo baka sakaling mali ang sagot ay mabubura pa natin at mapalitan pa ng tamang sagot." Tumango lang ako at nagsimula na siyang sagutan ang second folder.
"Huwag mo nga akong titigan Barcelona! Wala sa mukha ko ang folder nasa lamesa!" Naiinis niyang sabi at akmang papaluin niya ulit ako ng ballpen buti nakailag ako at napatawa. Nalito naman siya sa inasal ko.
"Hehehe so-sorry hindi na mauulit" sabi ko at nag-peace sign.