(CUTIE POV)
"Umayos ka Barcelona, para matapos na natin agad ang dalawang folder." Saad nito at nagsimula na siyang sagutan ang nasa folder two.
Ako naman ay nagsimula narin kaso...wala talaga akong naiintindihan.
"Bahala na...kung tama ba ang mga ito." Bulong ko sa isipan. Binilugan ko ang sagot na napili ko at paulit-ulit ko pang binasa ang bawat katanungan. Subalit hindi ko talaga naiintindihan. Nilingon ko ang aking katabi na si Chad focus lang ito at iilang pages na lang ang natira. Ang dali para sa kanya dahil after niyang basahin deretsa niyang bilugan ang napili niyang sagot at hindi niya na kailangan ang magsolve pa sa papel para makuha ang tamang sagot.
"Believe talaga ako sayo My Chady..." Bulong ng aking isipan. Nakatitig lang ako sa kanya na seryoso. Bigla itong lumingon at nahuli akong nakatingin sa kanya kaya pinalo na naman niya ako ng ballpen sa aking noo.
"Pasaway ka talagang babae ka! Sabi ko Huwag mo akong titingnan. Wala sa aking mukha ang folder kundi nasa harap mo!" Sermon nito sabay turo sa folder one.
"So-Sorry..." Nguso ko at tiningnan niya ang folder ko at sobra naman siyang nadismaya dahil nasa number 20 pa lang ang nasagutan ko. Tiningnan ako nito ng masama at akmang papaluin niya ulit ako ng ballpen ay iilag na sana ako kaso... bigla niyang hinapit ang aking leeg, sabay halikan sa aking labi. Nanigas naman ako sa aking kinauupuan at nanlaki ang aking mga mata sa pagkagulat. Gumalaw ang labi nito at ako ay para lang estatwa.
Nang may kumatok sa pinto ay inilayo niya agad ang kanyang mukha sa akin.
"Ahemmm!" Tikhim niya at daling tumayo papuntang pintuan. Umayos ako ng pagkaka-upo at nang-init naman ang aking mukha.
"Anak heto snacks ninyo ni Cutie. Alam kong nakakagutom mag-aral." Boses ni tita sa labas ng pinto.
Nilingon ko ang kinaroroonan ni tita at sumilip ito sa akin na nakangiti at gumanti naman ako na pilit lang dahil hindi pa ako nakaget-over sa nangyayari kanina.
Inabot ni Chad ang tray na may lamang snacks at nagpasalamat sa kanyang mommy at sinarhan ang pinto. Hinawakan ko ang magkabila kong pisnge.
"Third kiss kuna ito?" Bulong ko sa sarili at kinagat ko ang aking labi sa kilig.
Inilapag ni Chad sa kabilang table ang snacks.
"Mag-snacks ka muna. Ako na ang sasagot sa folder one." Aniya na hindi nakatingin sa akin. Akward kami pareho at tumango lang ako sa kanyang sinabi. Naupo ako sa kabilang mesa na may upuan din.
Vanilla cake pala ang snacks namin at mango juice. Dinahanan ko lang ang pagsubo habang nakaw tingin ako kay Chad na tapos na sa folder two.
"Mali lahat ang sagot mo dito sa folder one. Kailangan mong mag-aral ng mabuti para makatama ka. Hindi iyong palagi kang nakatingin sa akin." Nilingon ako nito na kakasubo ko lang ng cake at agad naman binalik ang tingin sa folder. Binura niya ang mga sagot ko.
"Bilisan mo diyan dahil tuturuan pa kita. Huwag kang palagi nakatingin sa akin kung ayaw mong maulit iyong kanina." Saad nito na nakatingin sa akin at agad naman akong pinamulahan.
"Your blushing!" Ngisi nito at nagfocus na sa pagsagot. Kinagat ko ang aking labi sa sobrang kilig. Ngumisi siya para sa akin? Haisst siguro inlove na siguro ako? Dahil ang lakas ng kabog ng aking dibdib.
Kinagat ko ang tinidor sa sobrang kilig. 'Tama inlove na nga ako sa isang Chawick Wayans Davis! Kyahhhh!' Sigaw ko sa aking isipan. Mas lalo pa tuloy kumabog ng kumabog ang aking puso.
"Cutie?" Tawag niya.
"Huh?" Nganga ko na nilingon siya habang nasa bunganga ko pa ang tinidor kong hawak. Lumapit ito sa akin at mas lalo pa akong kinabahan.
Kinuha niya ang tinidor sa aking bunganga habang nakatitig sa akin. Sabay akong hinalikan sa aking labi. Mapusok na halik ang kanyang ginawad sa akin. Pumikit ako habang nakahawak ng mahigpit sa kanyang braso. Para na ata akong matutumba sa aking kinauupuan dahil bigla pa naman ako nawalan ng lakas.
Huminto ito at inilayo niya ang kanyang mukha sa akin at idinilat ko naman ang aking mga mata. Nakatitig siya sa akin at sabay sabing...
"Iyan palagi ang mapapala mo kung hindi ka sumusunod sa akin at hindi ka nakikinig. Kanina pa kita tinatawag kaso...ang lalim ng iniisip mo." Pinitikan niya ang aking noo gamit ang kanyang dalawang daliri at napapikit naman ako sa kanyang ginawa. Nakanguso ako sa at ngumiti lang siya.
"Pasaway ka talaga sa buhay ko Cutie. Alam mo ba iyon?" Nakatitig niyang sabi.
"H-Hindi ko a-alam." Nauutal kong sabi. Amoy ko mabango niyang hininga.
"Ngayon alam muna? Huwag kang pasaway sa akin...kung...ayaw mong halikan kita ulit." Akmang ilalapit niya ulit ang kanyang mukha sa akin ay umiwas ako agad at siya ay humahalakhak.
"HAHAHA!" Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita. Naguguluhan ako sa kanya. 'Marunong pala tumawa ang isang Chadwick?' Nakatingin lang ako sa kanya.
Nang makahinuha siya ay bumalik ulit ang dati niyang expression.
"Tapos kunang sagutan. Bukas na naman ang folder three to ten. Pagod na ako at pwede ka ng makakauwi sa inyo." Cold niyang sabi. Akward akong tumayo at inayos ang aking sarili.
Papunta na ako sa pintuan ay huminto ako at nilingon si Chad na nakatalikod habang may binabasa.
"Ang akala ko ba matutulog na siya?" Tanong ko sa aking isipan.
"Goodnight Chad." Sabi ko sa mahinang tono at hindi na hinintay ang magiging sagot niya.
Nagpatuloy na akong lumabas at nadatnan ko si tita sa sala na nagtutupi ng mga damit nila.
"Tita good evening po. Uuwi na po ako sa amin."
"Good vening din sayo Cutie. Tapos naba ang mga assignment mo?" Tanong ni tita.
"Wala pa po tita bukas na naman po ulit. Inaantok na kasi si Chad." Sabi ko na lang.
"Hating gabi na...dapat man lang ay ihatid ka niya palabas. Ito talagang anak ko parang hindi lalaki. Pasensya na Cutie sa ugali ng anak ko ha?" Wika ni tita.
"Wala po iyon tita naiintindihan ko po si Chad."
"Ihatid na lang kita sa labas." Akmang tatayo si tita.
"Naku tita huwag na po at salamat. Malapit lang naman sa amin. Sige tita goodnight po at paalam!" Tumalikod na ako at sinabihan ako ni tita na mag-iingat.
Tapos na akong maglinis sa aking sarili at nakapagsuot narin ako ng pantulog. Iniisip ko kung ano ang regalo ko kay Chad bukas? Nitong makaraan sinabi sa akin ni Clear na mahilig ang kuya niya ng matatamis na pagkain katulad na lang ng red velvet cake. Paborito daw niya talaga ang cake at macaroni salad.
"Ano ba ang ibibigay ko kay Chad? Iyong hindi sana kukupas? Ummm...ano ba? Maganda sana kung hindi natutunaw at tatagal? Kasi...kung cake naman pagkatapos kainin ay wala na..."
Naupo ako sa aking study chair at gumawa ng card para sa aking mga mahal sa buhay isa na doon para kay Chad.
Maaga akong nagising upang pumunta sa bookstore. Naisipan ko na aklat na lang siguro ang ibibigay ko kay Chad dahil mahilig itong magbasa. Saktong 8:30 am ay bumukas na kaya pumasok na ako at naghanap.
Ang napili ko ay ang: The Fault in Our Stars by John Green 2012. Pinabalot ko sa counter. Saan ko ba kinuha ang pambayad? Sa sarili kong ipon at binuksan ko kagabi ang aking piggy bank. Nagkakahalaga ng 2,691.08 ang aklat. Mahal siya pero sige lang mahal ko naman ang bibigyan ko.
Pitong libo ang laman ng aking piggy bank at mag-iipon ako ulit pagkatapos ng Valentines Day.
After mabalot ng babae ay nagbayad ako at lumabas na ng bookstore. Iwan kung magugustuhan ni Chad ang ibibigay ko sa kanya. Iwan ko rin kung mahilig siyang magbasa ng love story book.
Dumaan ako sa hyper market upang mamili ng ingredients sa lulutuin kong red velvet cake at macaroni salad. Mas maganda kapag pinagsikapan kong lutuij kesa bumili ako sa bakery na hindi ko pinagpaguran.
Nang mabili kuna lahat ay dumiretso ako sa Zoom. Humihinge ako ng pabor sa aming chief na magpapractist akong magluto kasi wala kaming oven sa amin.
"Hindi pwede may klase mamayang hapon dito." Paghindi ni Chief.
"Chief please...wala kasi kaming oven sa bahay...need ko itong lutuin ngayon kasi... ibibigay ko ito sa crush ko." Nguso ko.
"Crush?" Banggit niya.
"Oo chief. Alam mo naman na valentines day ngayon. Magluluto rin ako para sa parent's ko at kaibigan. Promise chief huhugasan ko lahat ng hugasin na nasa lababo at ako ang maglilinis Please na chief. Araw ng puso ngayon pagbigyan ninyo na ako..." Pagsusumamo ko.
"Oh s'ya... pasalamat ka mabait ako at araw din ng puso ngayon kaya pagbibigyan kita." Tumalon naman ako saya.
"Marunong kaba magluto ng red velvet cake?"
"Ummm...h-hindi chief kaya nga po diba nag-aaral ako dito para matuto?" Busangot kong sabi.
"Alam ko. Sige tuturuan kita. Mukhang pursigido ka talagang matuto?" Tanong niya.
"Yes Chief!" Taas noo kong sagot.
"Ano pala ang dahilan baki't gusto mong mag-aral ng cooking at BPP?" Tanong nito.
"Hehehe...pa-para po sa crush ko." Mapakla kong sabi.
"Maswerte siya...sige simulan na natin lutuin ang cake." Panimula niya.
"Gusto ko po kasi...kapag kami ang magkatuluyan ay maipagluluto ko siya araw-araw ng masasarap na pagkain." Nakangiti kong pahayag.
"Magandang idea iyan...ang tanong may gusto rin ba ang crush mo sayo?" Tanonh ni Chief Mwebles na kasing edad lang ng papa ko.
"Wala po." Sagot ko na nakayuko.
"Oh paano iyan?" Aniya at nilagay na namin ang cake flour sa bowl.
"Itong itlog tanging kukunin mo ay ang egg white at hindi mo pwedeng isama ang egg yolk dapat separated silang dalawa." Sabi ni chief.
"Kunin mo ang mga measurements na nasa cabinet." Utos nito at kinuha ko saka hinugasan. Pagkatapos hugasan ay pinunasan ko ng malinis na tuyong face towel. Sinukat ang bawat ingredients.
CAKE:
✓ 1 ½ cups white sugar
✓ ½ cup shortening
✓ 2 eggs
✓ 4 tablespoons red food coloring
✓ 2 tablespoons cocoa
✓ 1 cup buttermilk
✓ 1 teaspoon salt
✓ 1 teaspoon vanilla extract
✓ 2 ½ cups sifted all-purpose flour
✓ 1 tablespoon distilled white vinegar
✓ 1 ½ teaspoons baking soda
Naisukat kuna ang cake at sa icing naman:
ICING:
1 cup milk
5 tablespoons all-purpose flour
1 cup white sugar
1 cup butter, room temperature
1 teaspoon vanilla extract
At kasunod ay ang directions ay:
"Step 1:Preheat the oven to 350 degrees F (175 degrees C). Grease two 9-inch round pans."
Step 2: Make the cake: Beat 1 1/2 cups sugar and shortening together in a large bowl with an electric mixer until light and fluffy. Add eggs one at a time, beating well after each addition. Combine red food coloring and cocoa to make a paste; add to creamed mixture.
Panay ako sa pagpunas ng aking pawis at pati ilong ko may cake flour na dahil nang hinawakan ko ang cake flour ay nakalimutan kong punasan kamay ko at nang kumati ilong ay kinati ko. Nakikita ko kasi ang refleksyon ko sa aluminum na bowl na hindi ko pa ginamit na ang haggard ko.
"Step 3: Mix buttermilk, salt, and 1 teaspoon vanilla together in a small bowl. Add flour, alternating with buttermilk mixture, mixing just until incorporated. Mix vinegar and baking soda together; gently fold into cake batter and pour into prepared pans." Aniya na memorize talaga ni Chief kahit hindi niya na binasa ang nilapag kong papel sa mesa. Ako tatlong beses ko pa talaga binasa para magets ko.
"Step 4: Bake in the preheated oven until a toothpick inserted into the center comes out clean, about 30 minutes. Cool on a wire rack for 5 minutes. Run a table knife around the edges to loosen. Invert carefully onto a serving plate or cooling rack. Let cool, about 30 minutes."
"Step 5: Make the icing: Heat milk and flour in a saucepan over low heat, stirring constantly, until thick. Set aside to cool completely." Nakatighawak lang si sir habang focus na nakatingin sa aking ginagawa.
"Arayyy!" Daing ko ng nakalimutan kong mainit pa pala ang saucepan.
"Mag-iingat at basahin mo ng maayos ang sinulat kong ingredients kapag mali iyan naku...iwan ano kaya ang kalalabasan." Sermon ni chief na nakatingin sa aking ginagawa.
"Step 6: Meanwhile, beat sugar, butter, and vanilla together in a large bowl with an electric mixer until light and fluffy. Add cooled flour mixture and beat until frosting is a good spreading consistency. Frost cake layers when completely cool."