(AUTHOR'S POV)
Pagkatapos maluto ay kumuha ng kutsarita at tinikman ng kunti ng kanyang chief at nagthumbs-up ito. Ang tinikman ay yung kumalat sa pan para hindi mabawasan ang buong cake.
"Good job Cutie! Kuhang-kuha mo ang lasa." Napapangiti naman si Cutie at pinalamig na muna niya at saka niluto ang macaroni salad at banana cake na mismo ang chief parin niya ang nagturo sa kanya binigyan siya ng guide. Nagluto rin siya ng cookies at porma ng cookies ay flowers. Para ito sa dalawa niyang bestfriend at ang banana cake ay para sa parent's niya at nagluto rin siya ng Lasagna para ibigay sa tita Mercedes niya at cheese lumpia para kay Clear.
Matapos niyang niluto lahat ay nilisan niya ang buong kusina at naghugas ng pinggan.
"Chief Happy Valentines! Alis na po ako dahil magtatanghali na po. Maraming salamat po sa tulong." Yumuko si Cutie.
"Sige good luck at Happy Valentines day din." Sagot din nito at nagmamadaling umuwi sa bahay . Buti na lang hindi sila magkakaklase dahil valentines.
Binigay niya sa mama niya ang banana cake at bumili siya ng tatlong pirasong kulay rosas na bulaklak.
"Happy Valentine's ma!" Pagbati nito.
"Thank you anak. Happy Valentines day din." Hinagkan siya sa pisnge.
"Ano ito? Nag-abala ka pa talagang bata ka." Binuksan niya ang box at napapangiti naman ang kanyang ina dahil amoy palang masarap na ang banana cake.
"Favorite namin ng papa mo. Saan mo ito binili?" Tanong ng ina sabay tikim sa banana cake.
"Oh ang sarap!" Ninamnam niya ang lasa.
"Ako po ang nagluto niyan mama."
"Wow! I'm so proud you anak. Sulit pala ang pag-aaral mo sa Tesda. Keep up the good work anak."
"Thanks ma."
"Sige ma alis muna ako ha pupunta muna ako kina tita."
(CUTIE POV)
"Sige." Kumaripas a pagtakbo at kumatok. Bumukas ang pinto at si tita ang bumungad sa akin.
"Happy Valentine's day tita." Sabay abot ko sa kanya ang tatlong piraso ng pulang rosas at ang lasagna na nasa transparent tupperware na tinalian ko ng red na ribbon.
"Wow! Thank you Cutie! Buti ka pa may binigay sa akin. Mga anak ko hindi man lang nila maalala mama nila." Pout ni tita.
"Wow, paano mo alam cutie na favorite ko itong lasagna? "
Kinamot ko ang aking ulo. "Si Clear po ang nagsabi tita."
"Kaya pala...Halika, pasok ka." Paanyaya nito.
"Hindi na po tita. Aalis din po ako agad dahil pupunta pa ako sa school." Sabi ko.
"Ito rin po para kay Clear." Binigay ko din ang box na may laman na cheese lumpia.
"Naku maraming salamat maswerte ang mama mo na naging anak ka niya. Happy Valentine's day din sayo Cutie. Iyan nasa isang malaking box para ba iyan kay Chad ko? " Nakangiting tanong ni tita.
"Hehehe... Oo po tita." Nahihiya kong sagot.
"Naku... Ang swerte ng anak ko sayo Cutie. Ayehhh goodluck ibigay mo na iyan sa kanya. Dahil tiyak pag-uwi niya mamaya ay madami na naman iyong dala." Pahayag ni tita.
"Baki't pala tita?" Nagtataka kong tanong.
"Alam mo naman na lahat ng kaklase niyang babae at kahit hindi kaklase ay binibigyan siya ng regalo at mga chocolates. Hindi na nga namin nauubos... Nasisira lang dahil hindi at tinatapon kuna pati ang mga bulaklak." Kwento ni tita.
"Sige na Cutie pasensya na napa-kwento pa ako...ibigay muna iyan kay Chad baka maunahan ka pa." Tumango lang ako at nagpaalam. Nagmamadali akong lumakad at pawisan na akong narating ang school.
Pinuntahan ko muna ang aking mga bestfriend.
"Happy Valentine's Day! Ninyong dalawa!" sabay abot ko sa kanila ang dalawang box. Inabot nila ito. Nasa loob kami ng classroom.
"Happy Valentine's day sayo Cutie namin!" Niyakap nila akong dalawa at binuksan nila ang box.
"Wow ang ganda ng cookies!" Nag-spark ang mga mata ni Ayeng.
"Hala ang ganda ng pagkagawa mo Cutie. Ikaw ang nagluto nito?" Tanong ni Esoy at tinikman.
"Yes ako nga hehehe..."
"Hmmm... Ang sarap! Perfect chief na ang dating mo!" Pambobola sa akin ni Esoy Casturibres.
"Cutie promise ang sarap." Nakadalawang subo na si Ayeng Altimar. Tig ten pieces each ang nilagay ko sa box.
"Ano naman ang nasa isang tupperware na malaki? At sa box?" Usisa ni Ayeng akmang bubuksan niya ang nasa tupperware. Hinarangan ko siya at ngumuso naman ito.
"Para kay Chad iyan ano?" Kutya niya at tinusok ang tagiliran ko ni Ayeng. Tumawa lang ako dahil nahulaan talaga niya.
"Oo hehehe..." Akward kong sabi.
"Ano pa ang hinihintay mo? Ibigay muna iyan kay Chad." Utos ni Esoy na limang piraso na ang naubos na cookies.
"Nasa field si Chad dalian mo!" Halos itulak na nila ako at nataranta naman akong pumunta sa field bitbit ang box at tupperware. At ang laman ng aking backpack ay ang regalo ko sa kanya.
Nakita ko si Chad na madaming babae ang nag-abot ng mga bulaklak na ang iba ay mga mamahalin pa at mga chocolates at ang iba mga regalo na hindi pa nabubuksan. Nakatayo lang ako sa 'di kalayuan habang nakatingin sa nagkukumpulan. Ang ingay nila at saka lang sila natahimik ng lumapit si Mitchell at binigyan pa nila ng daanan papunta sa harapan ni Chad.
"Nandito na ang beauty queen ng campus!" Sigaw ni Kikay ang alipores ni Mitchell na kaklase ko.
"Chad, Happy Valentines Day!" Nakangiting pagbati ni Mitchell sabay bigay sa regalo.
"Thanks." Ngumiti ng bahagya si Chad.
"Buksan muna." Utos ni Mitchell at tahimik lang ang paligid. Nagsi-alisan na ang iba ang iba naman ay nagpaiwan pa.
"Saka na sa bahay namin..." Wika ni Chad.
"Dito muna bubuksan baka hindi mo magugustuhan para mapalitan ko agad." Nagnod lang si Chad at binuksan ni Chad ang nakabalot na regalo. After tanggalin ang gift wrap ay ang kasunod binuksan niya ang box. Isa itong puting sneakers.
"Hala wow! Ang ganda ng sapatos.".
"Sneakers astig!"
"Branded ang regalo ni Mitchell."
"Oo nga, hindi natin afford ang ganyan."
"Mahal kaya ang sapatos na iyan...10k ang halaga."
Iyan ang mga naririnig kong binanggit nila tungkol sa regalo ni Mitchell. Nakangiti lang si Mitchell.
"Sukatin mo kung kasya ba sayo." Naupo si Chad at tinulongan pa siya ni Mitchell sa pagsukat ng sapatos.
"Perfect! Kasyang-kasya sayo." Masayang wika ni Mitchell.
(AUTHOR'S POV)
"Thank you!" Ngumiti si Chad.
"My pleasure!" Tumayo si Mitchell at hinubad ni Chad ang sapatos at sinuot ang kanyang school shoes. Binalik niya sa box at tumayo siya at nagsialisan naman ang lahat at naiwan ang dalawa.
"Let's go?" Wika ni Chad na gusto niya ng pumasok sila sa classroom. Bago humakbang si Chad ay bigla na lang siya hinalikan ni Mitchell sa kanyang labi ngunit smack lang ito. Nagulat naman si Chad sa ginawa ng dalaga. Ang Cutie na nakasaksi ay naguguluhan. Hindi sinadyang nakatingin si Chad sa unahan at nahagilap ng kanyang mata si Cutie na nakatayo habang may bitbit itong box at tupperware na nakatingin sa kanya.
Dahan-dahan itong umatras at tumalikod papaalis.
"Chad gusto kita matagal na..." Pagtatapat ni Mitchell at tinuon ang kanyang mga mata kay Mitchell.
"Thank you Mitchell for liking me. Tara na may klase pa tayo. Late na tayo oh?" Aniya na nakatingin sa kanyang relo. Tiningnan rin ni Mitchell ang kanyang relo.
"Shitt! Late na tayo! 1:30 pm na..." Kumaripas sila ng takbo papunta sa klase.
Ang Cutie ay nakaramdam ng lungkot. Wala siya sa sariling naglakad.
Nakita siya nila Ayeng at Esoy at nilapitan siya ng mga ito.
"Cutie bakit ka malungkot? Baki't hindi mo naibigay?" Sunod-sunod na tanong ni Esoy.
"Kasama niya si Mitchell..." Tanging sambit ni Cutie. Hindi niya na sinabi ang buong detalye.
"Kaya pala...okay lang iyan. Pwede mo naman na ibigay iyan mamaya sa kanila." Tapik ni Ayeng sa balikat ni Cutie.
"Oo magkakapit-bahay naman kayo." Dagdag ni Esoy.
"Pwede ninyo ba akong tulungan?"
"Anong klaseng tulong?" Wika ni Ayeng.
"Madami kasi itong makaroni. Mapanis na ito kapag hindi ko mailagay sa refrigerator."
"Anong gagawin namin?" Tanong ni Esoy.
"May empty tupperware ako dito sa bag na circle na maliit. Lalagyan natin ang tupperware ng macaroni tapos ibibigay natin sa ating mga subject teacher sabay bati din sa kanila ng Happy Valentines Day." Paliwanag ni Cutie at sinimulan nilang lagyan at lahat ng tupperware. Nag-iwan siya ng isang emty circle tupperware at nilagyan ng macaroni para kay Chad. Habang sumasandok siya ay hindi niya maiwasang malungkot.
Laking pasalamat ng mga guro kina Cutie, Ayeng at Esoy dahil kakaiba daw ang kanilang pamamaraan. Ang huling binigyan ni Cutie ay si sir Lam na ni kahit isang mag-aaral ay walang nagbigay sa kanya. Espicial ang kay sir Lam dahil ang sa kanya ay isang rectangle na transparent ang nilagyan ng macaroni.
Kumatok siya sa opisina ni si Lam.
"Get in." Utos ng guro at pumasok si Cutie.
"Sir good afternoon po and Happy Valentines Day! " Sabay abot sa isang pirasong puting rosas at kasama na ang rectangle na tupperware na malaki at may laman na macaroni.
Speechless namang inabot ng guro ang ibinigay ni Cutie. Nagtataka ang terror na guro sa tagal nh kanyang pagtuturo dito sa campus ay wala man lang ang nakapag-isip na batiin siya at kahit bigyan siya dahil lahat ay natatakot sa kanya. Pero itong nasa Section H ay may ginintuang puso at hindi natatakot sa kanya.
"Sir pasensya na po kung iyan lang ang maibibigay ko sa ngayon...iyan lang po kasi ang kaya sa pera ko. Sige sir Happy Valentines Day ulit sa inyo." Nakangiting pagbati ni Cutie.
Akmang aalis na si Cutie...
"C-Cutie...S-Salamat..." Nauutal na tugon ni sir Lam.
"Walang anuman sir. Salamat po sa iyong pagtuturo sa amin at salamat dahil binigyan ninyo ako ng chance na makapasa. Bye po!" Umalis na si Cutie. Masaya ang kalooban ni sir Lam may isang mag-aaral na naa-preciate ang kanyang pagtuturo.
Bago nagpaalam si Cutie ay binigay niya sa dalawa niyang bestfriend ang kaunting sobra ng macaroni salad. Nagpaalam na siyang mauna ng umuwi dahil wala naman silang klase. Tanging section A,B, C and D lang ang may klase.
Mabagal ang kanyang paglalakad naalala kasi niya ang nakita niyang paghalik ni Mitchell kay Chad. Nakaramdam siya ng selos kahit walang sila.
Pagdating sa bahay ay nilagay niya sa refrigerator ang cake at umakyat sa itaas upang magbihis. Dinaan niya ang kanyang lungkot sa paglilinis sa buong bahay na pinagtaka ng kanyang ina.
Nang matapos na ang lahat ay kakauwi lang din ng kanyang kapatid na lalaki na sobrang daming dalang regalo, bulaklak at mga.chocolates. Hindi na siya magtataka pa... Dahil noon paman ay during valentines day, birthday niya o kaya'y christmas eve marami ng bumibigay. Mabuti pa kapatid niya madaming bumibigay. Samantala siya ay love letter lang mula sa dalawa niyang bestfriend. Nilatag lahat ng kapatid niya sa mesa ang kanyang mga dala.
Umakyat na sa itaas si Seth at kinuha ni Cutie ang regalo at ang cake sa may refrigerator pati ang macaroni na nasa tupperware. Tumungo na siya kina Mercedes at bumungad sa kanya si Clear na malapad ang ngiti.
"Happy Valentine's Day ate! Salamat sa Chess Lumpia sobrang sarap. Ang akala ko ba ate hindi ka marunong magluto?" Tanong ni Clear na paubos na ang cheese lumpia. Nasa kusina siya kumakain.
"Hindi talaga ako marunong nagpaturo lang ako." Sagot ni Cutie.
"Ate may regalo pala ako sayo." Tumayo ito at may kinuha sa itaas. Nakita sa mesa ni Cutie na sobrang dami ng love cards, chocolates, flowers at mga regalo. Famous siguro si Clear sa school nila same sila ni Seth iyon ang nasa isip ni Chad.
Bumaba ito at may bitbit na regalo.
"Buksan mo ate." Aniya at nagpatuloy sa pagkain ng chess lumpia.
Binuksan ni Cutie at ang laman ay isang purple flower hairbond.
"Ang ganda! Thank you Clear!" Nasisiyahan na banggit ni Cutie. Ngumiti lang si Clear.
"Iyang bitbit mo para ba iyan kay kuya?" Tumango lang si Cutie at ibinigay niya kay Clear ang macaroni para elagay sa refrigerator. Baka kasi mapanis.
"Wow! Sige ate akyat kana sa itaas hintayin mo lang si kuya doon sa kanyang silid. Baka maya't-maya ay dumating na siya. Nakapagtataka baki't wala pa siya ngayon na 6 pm na ang oras.
Umakyat sa itaas si Cutie at nagtungo sa silid ni Chad. Nilapag niya sa kabilang mesa ang kanyang regalo at cake.
Sa kasamaang palad umabot na lang ng 8:30 pm ay hindi pa dumating si Chad. Binasa niya ang ang mga folders. Bored na bored na talaga siya... nagpaalam muna siyang umuwi upang magpalit ng pantulog. Bumalik ulit siya kina Clear at nagtungo sa silid ni Chad. Ten pm na ang oras ngunit wala pa ito at antok na antok na si Cutie. Pinagsabihan siyang umuwi na lang ng mommy ni Clear dahil bukas na lang sila mag-aaral ni Chad. Umuwi siya sa bahay na malungkot dahil hindi niya alam kung bakit hindi pa ito nakauwi.