(AUTHOR'S POV)
Maaga gumising si Cutie at binuksan niya ang bintana. Babatiin sana niya si Chad kaso...nakasara pa ang bintana nito. Naligo siya at nagpalit ng uniform. Hinihintay niya si Chad sa labas ngunit si Clear ang lumabas na naka complete uniform din.
"Good morning ate!" Bati nito.
"Good morning din sayo Clear." Matamlay na sagot ni Cutie.
"Ate buti pala hindi muna hinintay si kuya kagabi dahil almost eleven o'clock na siya nakauwi. Alam mo ba kung saan siya galing? Doon pala siya galing sa bruhang Mitchell na iyon. Niyaya pala siya ni Mitchell sa kanila." Naiinis na pahayag ni Clear.
Mas lalo naging malungkot si Cutie sa nalaman.
"May gusto ba si Chad kay Mitchell?" Usal nito sa isipan.
"Ate huwag kang maging malungkot. Hindi pa naman sila eh... May pag-asa ka pa kay kuya. Basta huwag mong susukuan si kuya ha? "
"Oo naman." Sagot ni Cutie.
Lumabas na si Aaron ang akala ni Cutie si Chad.
"Good morning sayo ehja!"
"Good morning din sayo uncle."
"Good morning uncle!" Sabat ng kinaroroonan ng boses sa likuran ni Cutie, si Seth.
"Good morning din sayo Seth. Let's go!" Pumasok na si Aaron sa driver seat.
"Paalam ate." Nagwave goodbye si Clear at pumasok sa front seat. Samantala si Seth ay sa backseat.
Hindi na hinintay ni Cutie si Chad. Nauna na siyang pumasok sa eskwela. Habang sa English subject nila ay lutang si Cutie. Nakikinig nga siya pero hindi naman pumasok sa kukuti niya ang leksyon.
Napansin ni Ayeng na lutang si Cutie. Class dismissed na ay tinanong si Cutie.
"Okay ka lang ba? Kanina pa kita napapansin na lutang ka." Nag-alala na tanong ni Ayeng.
"Oo naman." Ngumiti si Cutie.
"Napansin ko rin na ang mga daliri mo ay madaming mga paso." Hinawakan ni Esoy ang mga kamay ni Cutie.
"Don't tell me nagkapaso-paso ka sa pagluto ng pagkain namin? " Nag-alalang Esoy at binaba ang kamay ni Cutie.
"Naku ganun talaga kapag gusto mong matuto. Dadaan ka muna sa pagsubok bago mo makamit ang tagumpay." Ngiti ni Cutie.
"Naibigay mo ba ang regalo mo sa kanya at ang cake?" Dagdag na tanong ni Esoy.
"Oo iniwan ko sa kanila."
"Hindi mo naibigay ng personal sa kanya? " Usisa ni Ayeng.
"Hindi eh... Matagal siyang nakauwi kagabi kaya hindi ko na lang siya hinintay." Tanging sambit ni Cutie.
"Pero baki't ka malungkot? " Nag-alalang Ayeng.
"Pagod lang ako..." Ngiti niya ng sampilitan.
Uwian na pero hindi niya nakita si Chad kaya minabuti niyang umuwi na lang ng bahay. Pagkatapos niyang ayusin ang kanyang sarili ay pumunta na siya kina Chad.
Kumatok siya sa kwarto ni Chad at pinagbuksan siya nito.
"Good evening Chad." Bati ni Cutie sa kanya at nag-node lang ito. Pumasok siya at naupo sa bakanteng upuan.
Nakita niya ang kanyang regalo na hindi pa nabubuksan. Nasa sulok lang ito at ang cake ay wala na baka kinain niya na? Iyon ang sumagi sa kanyang isipan. Kasama ng kanyang regalo ang mga binibigay ng kanyang mga admirers.
Nalungkot siya lalo ng hindi pa nabubuksan ni Chad ang binigay niya at mabuti pa kay Mitchell nabuksan na kahapon.
"Ito ang problem solving sa calculus at ito naman ang formula." Panimula niya.
"Sagutan mo bago tayo magproceed sa folder 3 and 4." Turo ni Chad sa sinulat niya sa kanyang kwaderno at tahimik na kinuha ni Cutie. Binasa saka sinagutan.
Napansin ni Chad na tahimik lang si Cutie at hindi ito nagsasalita. Siguro sinunod nito ang kanyang huling tagubilin na huwag maging pasaway kundi alam niya na ang mangyayari. Napansin rin niya na tila nahihirapan itong sumulat at alam niyang mahina ito sa math. Subalit...kakaiba ngayon. Kinuha niya ang isang kamay nito na kinabigla ni Cutie. Madami itong mga paso kalat sa kanyang palad.
"Baki't madami kang mga paso?" Nakatingin na tanong ni Chad at tiningnan lang siya saglit ni Cutie at hinablot ang kanyang kamay.
"Wala ito." Tanging sambit ni Cutie.
"Anong wala?" Kinuha niya ang kabilang kamay nito at ganoon parin.
"Anong nangyari?" Nag-alalang tanong ni Chad.
"Mahabang kwento. Okay lang ako." Pag-iwas niya na hindi makatingin kay Chad at nagsimula ulit sa pagsolve kahit pinipilit lang niya ay masakit talaga.
"Stop. Ano ba talaga ang nangyari?" Aniya sa mahinang tono at kinuha niya ang kwaderno.
"Ako na ang sasagot at pati narin sa mga folders. Gamutin muna natin ang mga paso mo." Akmang tatayo na ito.
"Huwag na. Maliit na bagay lang ito. Wala pang isasakit nito sa p...ummm basta huwag na ginamot kuna ito kagabi." Pag-iwas niya.
Diniscuss niya kay Cutie ang tungkol sa formula at nakikinig lang si Cutie. Ang atensyon ay nasa tinuturo at hindi na sa kanyang mukha. Nagegets niya na ang pamaraan sa problem solving.
Ten thirty in the evening natapos sagutan ni Chad ang folder 3 and 5 at nagpaalam na si Cutie na umuwi.
Sa umaga hinintay ni Cutie si Chad ngunit sinabi ni Clear ay nauna na itong pumasok sa eskwelahan at pinabigay na sa kanya ang mga folders. Nagtaka naman si Cutie at tiningnan. Bagkus ang lahat ay may kasagutan na.
"Ang totoo niyan ate nung first night ninyo ni kuya na... gumagawa ng assignments after nun pinauwi kana niya ng maaga ay sinagutan niya ang folder 9 to 10. Nitong makaraang gabi ay sinagutan niya ang folder 8. Kasi pinapa-kunsensya ko siya dahil nga ang tagal mong naghintay para sa kanya. Kagabi din pagkatalikod mo ay sinagutan niya ang folder 7 saka nitong madaling araw sinagutan niya ang folder 6. Kaya tapos na...pwede munang ipasa sa iyong guro."Paliwanag ni Clear.
"Sige ate mauna na kami sa iyo nandyan na si Seth. Bye ate!" Pumasok na sila Seth dahil naghihintay na si Aaron sa loob ng kotse.
"Salamat." Tanging lumabas sa bibig ni Cutie.
Nagduda man si Ginoong Lam sa maagang pagpasa ni Cutie sa mga folders at dahil tama ang mga naging sagot nito lahat at walang mali ay hindi na siya nagtanong pa.
Four weeks later.....
Recognition day ay hindi na umattend si Cutie dahil wala naman siyang matatanggap. Mas pinili niyang pumasok sa mga naliban niyang klase sa cooking at Bread and Pastry Production.
So, summer is coming already...nagfocus siya kahit miss na miss niya si Chad.
"Cutie, kumusta iyong niluluto mo nagustuhan ba nila?" Bungad ng chief sa kanya. Habang abala ang iba sa kani-kanilang task sa pagluluto. Ang task niya ay magluto ng German Dish ang 'Rouladen'.
"Nagustuhan naman po nila chief." Nakangiting sagot ni Cutie.
"Good to know. How about si crush mo nagustuhan niya ba?" Huminto si Cutie sa paghanda ng ingredients na lulutuin.
"Ummm...iwan chief kasi...hindi ko po naibigay sa kanya ng personal. Iniwan ko lang sa kanila kasi...matagal siyang nakauwi." Paliwanag ni Cutie.
Nagsimula siyang magslice sa beef.
"Make sure Cutie thinly cut ang pag-slices sa beef."
"Paano po ba chief?"
Kinuha ni chief ang kutsilyo at pinapakita sa kanya kung paano. Mabilis ang kamay nito sa pag-slices sa beef. Mangha na mangha si Cutie.
"Oh ikaw na ang magpatuloy." Binalik sa kanya ang kutsilyo. Sa una ay hindi gaano ka thinly pero sa tatlong try ay nakuha niya.
"Very good ganyan nga..."
"Double time everyone malapit na ang out natin!" Wika niya sa malaking boses para marinig ng lahat. Mga sampu sila sa kitchen. Anim ang mga babae at apat ang mga lalaki.
"Pagkatapos mong maslice, place a strip of bacon on each beef slice so it’s running the same length as the beef."
"Copy chief."
"Place the sliced German pickles and chopped onions on each beef slice."
"Roll them up at least 4×6 inches in size and about 1/4 inch thick. First lay the beef slices out on a work surface. Spread each beef slices with about 2 teaspoons of german mustard and sprinkle with a little salt and freshly ground black pepper.
"Kauting asin lang huwag mong ramihan baka lasang dagat ang kalalabasan."
"Then securing the rolls with toothpicks or cooking twine. Bigyan mo ng kaunting force mga kamay mo Cutie hindi mo naayos ang pagrolls-up." Sermon sa kanya at tiningnan ng chief ang kanyang ibang kasamahan kung may nagagawa na ba o wala.
Bumalik muli sa kanyang mesa ang chief. "Very good, next you generously fry the rouladen in oil until they’re nicely browned on all sides. Use the butter in a heavy Dutch oven or pot."
"They’re then removed and set aside so you can saute the onions and vegetables for the gravy.
"Do not remove the browned bits in the bottom of the pan, it’s key to the most flavorful gravy!"
"Now add the onions to the pot and a little more butter or oil if needed. Cook the onions until softened and translucent, about 5 minutes."
"Add the garlic and cook for another minute. Add the leek, carrots and celery and cook for another 5 minutes.
"Pour in the red wine, bring to a rapid boil for one minute, reduce the heat to medium and simmer for 2-3 more minutes."
"Add the beef broth, tomato paste, bay leaf, salt and pepper the liquids and spices to the cooked veggies and nestle the rouladen in this mixture to simmer on low until the meat is fork tender."
"Return the strained liquid back to the pot and bring to a simmer. Thicken the gravy either with either a cornstarch slurry (for a clear/translucent gravy) or flour slurry (for an opaque gravy). For a creamy gravy you can also add a few tablespoons of heavy cream at this point. Simmer, whisking constantly, until the gravy is thickened."
"Add the chilled butter, whisking constantly, until the butter is melted and incorporated. Add salt, pepper and mustard to taste."
"Carefully remove the toothpicks or cooking twine from the rouladen and return them to the gravy and heat through."
"Got it chief!"
Nilagay ni Cutie sa pinggan at nilapag sa mesa.
"Okay let me taste your traditional german Rouladen recipe." Kumuha siya ng tinidor at kutsara at tinikman.
"This is very flavourful! Congratulations cutie! Yung karne namnam ko talaga ang lasa..." Pumalakpak si chief at pumalakpak naman ang iba niyang kasamahan. Kumuha ulit ang chief at ninamnam ang lasa at karne may papikit-pikit pa ito. Tumikim din si Cutie at hindi nga nambobola ang chief kundi masarap talaga ang kanyang niluto. Sobrang siyang nasisiyahan.
"Congratulations Barcelona!" Bati ng kanyang kaklase na si Elicia at ang iba pa."
"Salamat. Nahihiya niyang sagot.
Two months passed, summer is over...Pasukan na naman. Third year highschool na si Cutie. Ginugol niya ang kanyang summer sa pag-luluto. Gusto niyang maging proud si Chad sa kanya balang araw at maipagluto siya ng masasarap na pagkain.
Daily routine niya during summer ay ang pagkabukas niya sa kanyang bintana at binabati niya si Chad ng good morning, good evening, goodnight. Kapag bukas ang bintana ni Chad ay sumisigaw siya sa pagbati para marinig lang siya at kung sarado pa ang bintana ni Chad ay sinusulat niya sa bondpaper at she using pilot pen at dinidikit sa likuran ng kanyang bintana.
Namiss niya ng sobra si Chad kahit man lang nasa iisang comfound sila nakatira ay madalang lang niya itong nakikita.
Kahit 76 lang ang binigay na grade sa kanyang guro sa math ay abot langit ang kanyang pagkatuwa. Hindi siya maiiwan.
Pagpasok sa eskwela nakita niya sina Ayeng at Esoy naka-complete uniform at nagyakapan silang tatlo at tumatalon-talon sila sa sobrang galak.
"Namiss ko kayo gurls!" Boses ni Esoy sa malanding tono.
"Kami rin." Pout ni Cutie at nagtawanan ulit silang tatlo.
Magkaklase parin sila sa section H. Sa tanghali matapos silang kumain ay babalik na sana sila sa klase nang madami ang nagkukumpulang mag-aaral sa campus sa harapan mismo ng principal's office.
"Anong merun?" Nagtatakang tanong ni Ayeng.
"Iwan, tara pumunta tayo." Sambit ni Esoy at hinila ang dalawa.
Nagtanong si Ayeng kay George na kaklase parin nila.
"Anong merun George?"
"Merun bagong lipat na mag-aaral dito sa campus natin. Na-expel daw siya at kailan may hindi na pwede pang bumalik doon sa campus nila. Kaya dito na siya pinalipat ng kanyang mga magulang." Pahayag ni George.
"Napansin mo ba na kahit badoy siya napaka-gwapo niya diba? Maangas na lalaki na may mala-Vaness Wu ng meteor garden ang style ng buhok." Nakangiting banggit ng isang mag-aaral.
"Oo ang gwapo niya." Kinikilig na banggit ng babae.
"Basaguliro daw kasi siya kaya napadpad siya dito sa campus natin. " Sambit pa ng isa.
Iyan ang iilan sa naririnig nila Cutie tungkol sa bagong lipat sa campus. Tumunog na ang ring bell na nagpapahiwatig na kailangan ng pumasok sa kanilang silid dahil magsisimula na ang klase.
Pagdating sa loob ay nandoon na ang bago nilang adviser.
"Good afternoon everyone! Ako si Gng. Carmen Venenzuela ang classroom teacher ninyo. I'm 40 years of age. Dapat kaninang umaga pa ako dito kung hindi lang nagka-aberya ang kotse ko. Gayunpaman nandito na ako at i already had sa mga records ninyo... Bago ang lahat... Gusto kong ipakilala sa inyo ang bago ninyo maging kaklase dito sa section H." Kumaway si Gng. sa lalaki sa labas.
Pumasok siya at pinapunta sa harapan.
"Ipakilala mo ang inyong sarili." Utos ng guro. Tahimik lang ang nasa mga upuan.
"I am Leonn Furigawa. Mula sa Daojing Academy. 18 years old. " Tumingin siya sa guro nagpapahiwatig na tapos na siya.
"Ngayon nakilala ninyo na ang bago ninyong kaklase ay tanggapin ninyo siya at kaibiganin. Kayo na ang magpakilala sa inyong mga pangalan sa kanya. Doon ka maupo Leonn sa bakanteng upuan sa likod."
"Thank you mam."
"Okay class dismissed dahil papasok na ang guro ninyo sa Hekasi."
"Bye mam!" Paalam ng iilan. Habang papunta sa kinaroroonan ng kanyang upuan si Leonn ay napansin ni Cutie na madami itong sugat sa kamay. Ang iba ay fresh pa at ang iba ay mga peklat na.
Nasa likuran ni Cutie si Leonn katabi ni Esoy. Nag-spark naman ang mga mata ni Esoy.
"Sawakas may katabi na akong cool na gwapo." Malanding niyang usal sa isipan.
"Hi Leonn ako nga pala si Esoy Casturibres." Sabay lahad ng kanyang kamay at nagshake-hands pa sila.
"Ako naman si Ayeng Altimar. At itong katabi ko...ay si Cutie Barcelona. Magbest-friend kaming tatlo."
Nilingon ni Cutie si Leonn na may matamis na ngiti. Nakatitig lang si Leonn sa kanya at nilahad ni Cutie ang kanyang kamay. Inabot naman ni Leonn ang kamay ni Cutie na may ngiti sa labi.
Sino kaya si Leonn Furigawa sa buhay ng lahat?