"HOY! ANONG, I LIKE YOU, TOO, KA DIYAN?!" Nanlalaki pa rin ang mga matang singhal ko kay Dos nang makabawi. Mahina ko pa itong hinampas sa braso. "Ang kapal mo, wala akong sinasabing gusto kita, ha!" Hindi naman nito ininda iyon. Bahagya lang na inilagan. Tawa pa ito nang tawa habang binubuksan ang isa pang lata ng alak na dala nito. Matapos itong lumagok ng kaunti roon ay muli akong hinarap. Ni hindi man lang pinagka-abalahan na itago ang nakakainis na pagngisi. Isang irap ang pinakawalan ko rito. "Hindi?" Naka-angat pa ang isang kilay na hamon nito. Sinamaan ko ito ng tingin. Pero hindi pa rin ito nagpa-awat. "Eh? Pero kung makatitig ka, parang gusto mo na akong kainin?" Patuloy pa rin nitong pang-aasar sa akin. Malaking napa-awang ang mga labi ko. Muling nagliyab ang aking ini

