Chapter 25

1849 Words

"SIGE PO, ALING LAGRING, maraming salamat po ulit." Matapos makapagpaalam at makapag-pasalamat ay ibinaba ko na ang tawag. Inilapag ko ang hawak kong cellphone sa kandungan ko. Ipinatong ko ang dalawa kong kamay sa magkadikit kong mga tuhod at tumalungko upang panoorin ang may kalakasan nang ulan sa labas. Kanina lang, noong patungo pa lang kami ni Dos dito sa condo niya ay kay aliwalas pa ng langit. Sino ang mag-aakala na pagsapit ng gabi ay biglang magsusungit ng ganito ang panahon? Pagsapit ng alas diyes ng gabi, at hindi pa rin bumubuti ang panahon, ay nagpasya na ako, na magpalipas na nga lang muna ng magdamag dito sa condo ni Dos. Naisip ko, na mas mahirap kasi kung pipilitin ko pang mag-biyahe pauwi. Baka mamaya ay sa daan pa kami ma-stranded. O, kaya naman ay ito ang hindi na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD