"WHAT THE FVCK, ISLA?!" Kulang ang sabihing napalundag ako sa sobrang gulat nang marinig ko ang tila kulog na tinig ni Dos, na umalingawngaw sa buong condo unit nito. Napabalikwas ako ng tayo. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung dahil sa gulat ko, sa biglaan nitong pagsulpot at pagsigaw, o dahil sa intense na eksena sa yate ng pinanonood ko. Para akong pilyang bata na nahuli sa akto ng paggawa ng kalokohan. Lihim na kinagat ko ang pisngi sa loob ng bibig ko. Ang tnga-tnga mo, Isla! Sigaw ng isang bahagi ng isip ko. Dapat talaga ay kanina ko pa inalis ang palabas na iyon. Sa unang eksena pa lang ng kahalayan, dapat ay pinatay ko na kaagad. Hindi ko na dapat hinintay na abutan pa ako ni Dos na nanonood. Akala ko naman kasi ay matatagalan pa ito ng kaunti. Iniisip ko n

