"DOS, MAY TUMATAWAG SA 'YO!" Pabalik naman na talaga ako sa sala, mula sa kusina, nang marinig ko ang pagtawag sa akin ni Isla. Mula sa kinaroroonan ko ay nakita ko pang sandali lang itong lumingon sa akin, bago muling ibinalik ang buong atensyon sa pinanonood. Yakap-yakap na nito sa dibdib ang malaking supot ng chips, at manaka-nakang dumudukot doon at isinusubo, habang nanonood. Halos hindi ito kumukurap habang titig na titig sa malaking tv set sa harapan nito. Para itong bata na nanonood ng paborito nitong cartoons. Napapangiting napailing na lamang ako. Mukhang nagustuhan nga nito ang itinurong palabas. Sabagay, mahilig naman talaga ang mga dalagang kasing-edad nito sa mga ganoong love story. Iyon bang mga against all odds ang tema. Iyong tipong katakot-takot na paghihirap muna a

