"HMMM..." Nakalabing tumatango-tango pa si Isla habang sinusuri ang resulta ng mga quizess, at exams ko sa isang buong linggo. Katulad ng napagkasunduan, araw ngayon ng Biyernes, ibig sabihin ay araw ngayon ng pagtutor sa akin ng dalaga. Pero imbes na ipakita rito ang mga subjects na nahihirapan ako, o hindi ko maintindihan, para maituro niya sa akin, ang ipinakita ko rito ay mga perfect scores, kung hindi man, ay above average na activities. "What do you think?" Nakangisi, at liyad ang dibdib na iniunat ko pa ang dalawa kong braso at ipinatong sa sandalan ng mahabang sofa, kung saan kami nakaupo. Pagkatapos ay itinaas ko ang dalawang paa ko at pinagpatong, saka ko ipinatong sa ibabaw ng center table. Hindi katulad ng usapan namin noong una, hindi ko na siya sa tambayan dinadala, kundi

