"KAILANGAN BA TALAGA NATIN PUMUNTA?" Ani ko, eksaktong makaupo ako sa driver's seat. Sinabayan ko pa iyon ng baling kay Isla, na nauna ko nang inalalayan papasok ng sasakyan. "Hindi ba talaga pwede na dito na lang tayo sa--" Halata naman ang inis sa anyo na nilingon din ako ng asawa ko. Ni hindi nito kinailangan na magsalita. Sapat na ang masamang tingin na iyon para itikom ko ang bibig ko, at pabuntong-hininga na harapin ko ang manibela. "Sabi ko nga. I'm so fvcking excited." Sarkastiko kong bulong, kasabay ulit ng isang malalim na paghinga. Sinadya ko pang bahagyang lakasan ang panghuli. Okay. Suko na ako. Sa tingin ko ay kailangan ko na talagang manahimik. May palagay ako na kaunting-kaunti na lang talaga ay iiwanan na ako nito, at mag-isa itong magpupunta sa birthday ni Coleen. Hin

