"ANO BA KASI ANG NANGYARI, BAKS?" Buong pag-aalalang baling kaagad ni Arsi sa akin, eksaktong pagkasara nito ng pintuan ng sasakyan. Hinubad ko ang salaming de kulay na ipinasuot nito sa akin kanina, para daw hindi makita ng kung sino mang makakasalubong namin ang pamamaga ng mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit mayroon siyang baon na ganito sa bag niya, pero laking pasasalamat ko na rin. Though, ewan ko naman kung hindi pa rin mahalata ng ibang tao na umiyak nga ako dahil sa pamumula ng ilong ko, at hindi ko pa rin mapigilan ang manaka-nakang pagsigok at pagsinghot. Yumuko na lamang ako habang naglalakad at iniwasan na tumingin sa mga tao sa paligid. Pagkababa ng tawag ni Dos kanina ay hindi na ako nakapag-isip. Kaagad akong nagpadala ng mensahe kay Arsi para sabihin dito na puntahan

