SPELL KALMA? Kabilin-bilinan ni Arsi sa akin kahapon, nang huli kaming mag-usap na kumalma raw ako. Bawal daw akong ma-stress kaya kalmahan ko lang. Huwag daw akong magpadalos-dalos ng desisyon. Isipin ko raw ang sarili ko at ang mga anak ko. Iyon na nga sana ang gusto kong gawin, eh. Ang kumalma. Ang maipakita ko kay Dos, na sa kabila ng pag-aalsa balutan ko sa mansyon at pagbalik sa apartment na inuupahan ni Arsi, technically, dahil siya na lang naman talaga mag-isa ang nagbabayad sa upa nito, na okay lang ako. Na okay na ako at nakahanda nang pakinggan at tanggapin ang mga paliwanag niya. . . ng mahinahon. Pero papaano naman akong kakalma. . .? Papaano akong hihinahon kung ang dahilan ng madalas naming hindi pagkakaintindihan na mag-asawa nitong mga nakakaraang linggo ay nakatayo

