Chapter 74

1311 Words

KALMA, ISLA. KALMA. Mariin kong ipinaglapat ang mga labi ko, kasabay ng mariin ding pagpikit ng mga mata ko, kapagkuwan, ay huminga ako ng malalim. Pinuno ko muna ng hangin ang dibdib ko upang maibsan, kahit na papaano ang biglaang paninikip niyon. Pagmulat ng aking mga mata, ay pinilit kong ibalik ang matamis na ngiti sa mga labi ko, bago tila walang ano man na hinarap ang malakas na presensya sa likuran ko. Damang-dama ko ang init na ibinubuga ng katawan nito. Kulang na lang ay lukubin ako ng init na iyon. Pero kailangan kong maging matatag. Alam ko na hindi ito ang magiging una, at huling engkwentro naming dalawa, gaano ko man gustuhin ang bagay na iyon. Kaya't ngayon pa lang, dapat ay masanay na ako. Hindi ko naman din ito maaaring pagtaguan habang buhay. At hindi rin pwede, na s

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD