"SO, ILAN NA LANG ANG KULANG MO?" Kasabay ng pagkagat sa chicken sandwich na hawak ko at itinaas ko sa harapan ko ang listahan ko ng mga estudyante, para sa hawak kong club, at binilang mentally kung ilan na ang nakatala roon. Pagkatapos ay muling ibinaba iyon sa mesa, at ibinalik ko ang tingin ko kay Arsi. "May seven na akong nagpalista. So, kulang na lang ako ng three." Sagot ko sa tanong nito, kapagkuwan. Ngayong araw inilabas ang announcement tungkol sa pagpapalista kung saang club nais na sumali ng mga estudyante, mula grade four hanggang grade six. At bawat isa sa aming mga advisers ay mayroong tig-iisa ring advisory club. Filipino club ang sa akin, habang Math club naman ang kay Arsi. At mula pa kanina, ay abala na kami sa mga nagpapalista para sa mga club na hawak namin. Next

