HANGGANG SA MAKARATING KAMI sa St. Mary's Academy ay wala nang bumanggit pa ng pangalan ni Misha, isa man sa amin. Pati nga ang anak ko ay tila nakaka-unawa na walang kahit na anong binabanggit tungkol sa babae. Panay pa rin ang irap ko kay Arsi. Ito naman ay panay ang pag-ingos, at pagpapa-ikot ng mga mata sa akin. Humanda talaga ito sa akin kapag kami na lang dalawa. Nagbakasyon lang sa mansyon, nakapulot pa ng bestfriend. Nang makababa ng sasakyan ay dali-dali nang nagpaalam ang bakla. Takot talaga na ma-corner ko siya. Kami ni Dos ay inihatid si Thirdy hanggang sa pintuan ng classroom nito. Kitang-kita ko ang pangingislap ng mga mata ng anak ko, dahil sa labis na kaligayahan. Lalo na nang pangakuan ito ni Dos na hihintayin kami nito sa uwian at mamamasyal kaming tatlo sa kahit sa

