"OH, MY GOD! ANO BA 'YAN, DOS?! Bumangon ka nga riyan!" Umalimgawngaw sa apat na sulok ng apartment ang malakas na boses ko. "Diyos ko, ka talagang lalaki ka!" Balikwas naman kaagad ng bangon si Dos, na nakahiga na nga, at pilit na pinagkakasya ang sarili sa maliit na sofa sa sala. Salubong na salubong ang mga kilay nito, at tila talagang gulat na gulat sa ginawa kong pagsigaw. "What? Ano ang nangyari, at nagsisisigaw ka riyan?" Pupungas-pungas pang tanong nito. "Ano na naman ang ginawa ko." Pinanlakihan ko ito ng mga mata. "Ano ang ginawa mo? Nagtatanong ka pa talaga?" Sigaw kong muli, bago bumaba ang tingin sa kabuuan ng katawan nito. "Nasisiraan ka na ba ng bait? Tingnan mo nga iyang sarili mo!" Nandididilat pa ring utinuro ko rito ang dahilan ng paghihisterya ko. Jusmiyo! Mabuti

