"TINAWAGAN niya si Daddy Leandro, pero talagang ako hindi niya naisip na tawagan, 'no?" Sa hindi ko na mabilang na pagkakataon ay sumbat kong muli kay Dos. "How ironic. Eh, ako ang asawa mo." Tila napapantastikuhan nang tumingin ang lalaki sa akin. Para bang hindi ito makapaniwala na balik na naman kami sa usaping iyon. Ipinaikot ko ang mga mata ko, at inirapan ito. Napailing na lang ito. Alam ko na nakukulitan na ito sa akin. Hindi lang yata dalawa, o tatlong beses niya nang ipinaliwanag sa akin ang rason nito, at somehow, ay naiintindihan ko naman; or gusto kong intindihin. Pinipilit kong intindihin. Ang hirap lang kasi na tanggapin na sa mga ganoon palang pagkakataon, kahit gustuhin man naming pareho, kahit na gaano naming kamahal ang isa't isa ay darating pa rin ang oras na wala k

