"READY? WALA KA NANG NAKALIMUTAN?" Ngumiti ako, pagkatapos ay sunud-sunod na tumango. Matagal ko nang naihanda ang lahat ng mga kakailanganin namin. At tiniyak ko na wala akong nakaligtaan na kahit na ano. "Ikaw? Ready ka na ba?" Muling tanong ni Dos habang mataman na nakatitig sa akin. Mayroon akong nababanaag na hindi pamilyar na emosyon sa mga mata nito na kanina pa nito pilit na pinaglalabanan. Hindi man nito sabihin ay alam ko na kinakabahan na ito. Kita iyon sa pagkabalisa nito mula pa kaninang pagkagising nito. Ilang beses ko rin itong nakikitang natitigilan, bago biglang mapapapiksi, pagkatapos ay mapapahinga ng malalim. Alam ko na pinipilit lang nito na magpakatatag para hindi rin ako panghinaan ng loob. Ang totoo, ay kinakabahan din ako. Pilit ko lang iyong kinakalaban, at i

