KULANG NA LANG AY LUMABAS ang mga mata ko sa socket ng mga ito sa tindi ng pandidilat ko kay Dos. "Sira ulo ka talaga! Ano 'to? Bakit may ganito rito? At bakit mo ako binigyan ng ganito?!" Sunud-sunod na panininghal ko rito. Mabuti na lang talaga, at sound proof ang silid na ito. Dahil kung hindi, natitiyak ko na mabubulabog ko ang mga tao sa labas, sa lakas ng boses ko. Pero tila balewala naman iyon sa lalaki. Hindi pa rin napapalis ang malapad na ngisi sa mga labi nito. "Hindi mo ba nagustuhan? Kaparehong-kapareho iyan ng size at hitsura ng sa akin. Pati kulay. Pina-personalized ko talaga iyan. Angatin mo, may makikita kang naka-engrave na pangalan." Malaking umawang ang mga labi ko. Nagpalipat-lipat ang tingin ko rito, at sa bagay na nasa ibabaw ng kandungan ko. "P-pina-personalize

