"KUMUSTA NAMAN ANG FIRST DAY, BAKS?" Tanong sa akin ni Arsi, kasalukuyang kumakain kami sa canteen. Tapos na ang klase ko, at hinihintay ko na lang ang labasan nina Thirdy. Vacant din ni Arsi dahil tapos na ang morning class nito. May isa pa itong klase, pero mamayabpang hapon. "Hindi ka ba masyadong pinahirapan ng mga bagong estudiyante mo?" Nilunok ko muna ang pagkain sa bibig ko, pagkatapos ay uminom ng tubig bago ito sinagot. "Hindi naman masyado." May kasama pang pag-iling na sagot kom "Mababait ang mga bagong estudiyante ko." Yes. Bago. Hindi ko na natuloy ang sinabi ni Mr. Sy na sa mga dating tinuturuan ko ako mag-subject teacher. Hindi kasi pumayag na mailipat na schedule ang bagong teacher na humahawak doon. Hindi rin daw convinient sa schedule niya, na naintindihan ko naman.

