SIGURADO NA AKO NA SINASADYA NGA NG BABAE ang pagbangga sa akin. Kung bakit, ay hindi ko alam. Ngunit sa halip na pumatol, ay mas pinili ko na lang ang umiwas. Maya-maya lang ay darating na si Thirdy kasama si Yaya Edna. At ayokong makita ako ng anak ko na nakikipagbangayan sa kapwa ko pa naman guro, sa mismong eskwelahan na pinapasukan niya. Hindi magandang ehemplo iyon para sa anak ko. Isa pa, ay ang kalagayan ko. Buntis ako, at maselan ang pagbubuntis ko. At isang tingin ko pa lang sa babae, kung ang pagbabasehan ay ang pakikipag-sagutan nito kay Arsi, ay mukhang sanay ito sa gulo. Itinatago lang ng suot nitong uniporme ang tunay na kulay nito. "Arsi, it's okay. Halika na. Tayo na lang ang sumundo kay Thirdy sa room niya." Diniinan ko pa ang kapit ko sa pulsuhan ni Arsi upang mak

