"BAKLA KA! ANO'NG GINAGAWA MO RITO?" Gulat na gulat si Arsi nang mapagbuksan ako ng pintuan ng apartment. Magkasama lang kami nito kanina sa school pero wala akong nabanggit sa kanya tungkol sa plano ko. Bakit pa? Eh, alam ko naman na pipigilan lang ako nito. "Tulungan mo muna kaya akong makapasok, no?!" Nakairap na singhal ko rito habang ipinipilit na ipasok sa loob ng bahay ang mga dala dalahan ko. Wala na ngang nagawa ang kaibigan ko kung hindi pumapalatak na tinulungan ako sa pagpasok ng mga gamit ko. Iniwan ko na lang ang mga iyon sa tabi ng pintuan, at deretso na akong naupo sa maliit naming sofa. Si Arsi ay isinarado ang pintuan, at saka humarap sa akin. "Oh, ngayon, babaita ka! Anong ginagawa mo rito? At bakit ang dami mong dalang gamit?" Nilingon pa nito ang maleta ko na na

