Chapter 122.2

2650 Words

"NAKALIMUTAN MO NA BA, na iyan din mismong sinasabi mo ang siyang ginawa mo sa sarili mong anak?" Ani Dad, saka pailalim na tiningnan ang aking ina. "Sa sarili mong pamilya?" Mahina nang muli ang tinig ni Dad. Ngunit bakas na bakas doon ang labis na kalungkutan at paghihinagpis, sa nangyaring pagkasira ng sariling pamilya. Sa tingin ko rin ay tila ba tumanda ng ilang taon ang hitsura nito kaysa sa aktuwal nitong edad. Sa itinagal ng panahon, ay tila hindi man lang ito nakausad sa tinamong kabiguan sa una, at natatanging pag-ibig. Mula noon, hanggang ngayon ay hindi naman naging lingid sa akin na hindi nawala kahit na isang saglit ang pagmamahal ng aking ama para sa aking ina. Gaano man nito iyon pinilit. Malakas naman na napasinghap si Mom. Ilang beses na bumuka sumara ang mga labi.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD