"BRAT, BAKIT BA KASI AYAW MONG AKO ako na lang ang maging escort mo sa prom?" Naiiritang ipinaikot ni Andra ang mga mata. Grrr. . . ! Ilang araw na siyang kinukulit ng Kuya Thirdy niya. Pilit itong nagpi-prisinta na maging escort niya sa junior -senior prom niya. At ilang araw niya na rin itong tinatanggihan. Nasaan naman kasi ang thrill n'on kung ang kuya niya ang magiging date niya? Baka imbes na mag-enjoy siya, eh, magbutas lang siya ng bangko sa tabi dahil hindi siya nito pinayagan na makipag-sayaw. Saka isa pa, alam niya naman kasi kung ano ang totoo nitong pakay sa pagyaya sa kanya. Mayroon itong binabakuran na isang grade ten student. Nito niya lang nalaman iyon, noong minsan na makita niya na nakatambay ang kapatid sa lobby ng high school department. Lalapitan niya nga sana,

