"BABE, WHERE ARE YOU?" Umikot ang mga mata ni Andra, saka pabunting-hiningang muling ipinasok sa bag ang cellphone niya. Hindi niya na mabilang kung pang-ilang text na iyon na ipinapadala ni Malik sa kanya. Ngunit kahit na isa ay wala siyang sinagot. Pati ang mga tawag nito, kina-cancel niya. O, kaya naman ay hinahayaan niyang mag-ring nang mag-ring hanggang sa matapos na lang iyon basta. Dalawang araw niya na rin itong pinagtataguan. Alam niyang nasa kanila ito ng Sabado at Linggo ng gabi ngunit hindi siya bumaba, kahit para kumain. Nagdahilan na lang siya na may tinatapos na PETA sa dalawang subjects kaya magpadala na lang siya ng pagkain sa kanyang silid. Naiinis siya rito. Hindi tumupad ang lalaki sa usapan nila noong Biyernes na uuwi ito ng maaga. Ala-una na, tawag pa rin sjya n

