"NASAAN ANG SASAKYAN MO?" Nangunot ang noo ng lalaki sa tanong ni Matilda. Lalo at nagpauna na ang dalaga ng paglalakad patungo sa parking lot ng paaralan. "Bakit?" Tanong nito na may kahalo pa ring pagtataka. Ewan naman niya, ngunit sa kabila ng kawalan ng ideya sa tinutumbok ng sinasabi ng babae, ay tila naman may sariling isip ang kanyang mga paa na awtomatikong sumunod sa paglalakad nito. Samantala, nag-arkuhan naman ang mga kilay ng dalaga na lumingon dito. "Hello? Isn't it obvious?" Ikinumpas pa sa ere ang dalawang nakabukas na mga palad, na para bang siya pa ang mahina ang pang-intindi. Lalo namang tila nais na magbuhol ng kanyang mga kilay. Nagpatuloy si Matilda. "Ihahatid mo ako." Sandaling hindi nakahuma ang binata. Maang na nakatingin lang sa kaharap na hindi niya malaman

