"ANO ANG GINAGAWA MO RITO, MATILDA?" Walang mababakas na kahit na anong emosyon sa tinig ng daddy ni Dos nang magsalita. Kahit sa mata nito ay hindi mo masasalamin kung ano ang sinasaloob nito. Mula kay Arsi, ay dahan-dahan, at buong pagkamuhi na ibinaling ng mama ni Dos ang tingin kay Senyor Leandro. Kulang na lang ay hatakin ko naman palayo ang kaibigan ko, at itago sa likod ko nang alisin ng babae ang matalim na tingin dito. Siraulo naman kasi ang baklang 'to. Hindi marunong mamili ng bibiruin. Hindi ba nito nakikita na setro na lang ang kulang, ay mukha nang evil witch ang babae? Pambihira. Akala niya ba ay sasantuhin siya nito? Yari talaga sa akin ito mamaya, pag-alis ng mga bisita. Masasabon ko talaga ito ng bonggang-bongga. Mabuti na lang, at narito ang daddy ni Dos, na kaag

