WALA SA LOOB NA NILINGON ko ang direksyon ng pintuan nang makarinig ako ng tatlong mahihinang katok mula sa labas niyon. Maka-ilang beses akong napakurap-kurap. Para pa akong bahagyang nagulat. Kapagkuwan, ay nagugulumihanan pa rin na lumipat ang tingin ko sa digital clock sa ibabaw ng nightstand. Six forty five. Iyon ang oras na nakita kong nakatala mula roon. Mag-a-alas siyete na pala ng gabi. Ni hindi ko namalayan ang mabilis na paglipas ng mga minuto. Mula pa kanina, na walang paalam na putulin ko ang tawag, nang marinig ko ang tinig ni Dos sa kabilang linya ay hindi pa rin ako tumitinag mula sa pagkaka-upo sa gilid ng kama. Tila tinakasan ng lakas na basta ko na lamang binitiwan ang cellphone ko sa ibabaw niyon, sa harapan ko. Kanina pa rin ako parang namamatanda na nakatitig la

