“WHAT’S all these, Katharina?” Nanlalaki ang mga mata ni James sa nasaksihan. Nakita lang naman kasi niya ang best friend niyang si Mike at si Katharina, ang babaeng minamahal niya na magkahalikan sa loob pa mismo ng kanyang kotse. Nakaupo pa talaga ito sa kandungan ni Mike.
“Oops. Sorry. Hindi namin napansin na nandito ka na pala,” nakatawa lang na sabi ni Katharina. Na para bang baliwala lang dito ang nangyari. Pero nang nanatiling seryoso ang mukha niya, umayos ito ng upo. “What do you mean, James? Well, Isn’t it obvious? We’re making up.”
“That’s exactly what I don’t understand. You’re kissing my best friend!”
“Because he’s my boyfriend.”
Hindi agad siya nakaimik. Naikuyom niya ang mga kamao. “What about us? I thought- what was that kiss for then?”
Habang nasa club sila kagabi at nag-e-enjoy, bigla na lang siyang hinalikan ni Katharina. It wasn’t even just a simple kiss. They even went beyond that. Kaya nga nag-assume na agad siya na may feelings ito sa kanya dahil gano’n din siya dito.
Sa katunayan, gusto na nga sana niyang magtapat dito ngayon kaya sinabi niya ditong magkita sila pagkatapos ng klase. Hindi naman niya akalain na isasama nito si Mike. And worse, sinasabi pa ni Katharina na boyfriend nito ang kanyang kaibigan.
“Look. It was just a misunderstanding, okay? I was drunk. I thought you were Mike. I’m sorry.”
“Wait. Don’t tell me you have feelings for Kath? Akala ko ba parang kapatid lang ang tingin mo sa kanya?” Ani Mike.
He’s secretly in love with his girl best friend. Itinago lang niya iyon dahil ayaw niyang masira ang pagkakaibigan nila. Pagkatapos ng nangyari sa kanila kagabi, akala niya may chance na siya. Tapos ngayon, biglang napagkamalan lang pala siya nito.
“Get out.”
Hinawakan ni Katharina ang braso niya. “I’m sorry, James. I didn’t mean to hurt you.”
“Let go of me.”
“James-.”
“I said get out!”
Nagkatinginan ang mga ito pero sa huli ay sumunod pa rin sa sinabi niya. Mabilis naman siyang sumakay ng sasakyan at pinaharurot iyon. He remember getting into an accident after over speeding that time. But that was nothing compared to his first heartbreak.
“But I’m not saying that I don’t like the new you. In fact, I like it better,” ani James nang mapansin na natahimik si Kath.
Baka kasi ma-pressure ito. Baka isipin nito na mas gusto niya ang dating ito. Siguro kung gano’n nga, baka noong bago pa niya naging asawa si Katharina. Noong panahon na wala pang lamat ang pagkakaibigan nila. Noong panahong akala niya pareho sila ng nararamdaman sa isa’t-isa.
Kung pwede nga lang rin siyang magka-amnesia at huwag ng maalala ang mga parteng `yon ng kanyang nakaraan.
PARANG nabunutan ng tinik sa lalamunan si Sofia sa sinabi ni James. Mabuti na lang at hindi pa siya gaanong nag-panic. Kundi, baka kung ano na ang nagawa niya. Baka ano na ang nasabi niya.
“Anyway. Take a bath and prepare. We’re eating out for lunch.”
Lunch na agad? Napatingin siya sa orasan. Nagulat siya nang makitang alas onse na pala.
Mabilis siyang napatayo. “Bakit hindi mo `ko ginising?”
Papasok na sana siya sa banyo nang hawakan ni James ang braso niya. “It’s okay, take your time,” hinalikan siya nito sa noo. “We’ll leave when you’re ready.”
Napatango na lang siya bago pumasok sa banyo. Nang mapatingin siya sa salamin, tama nga ang hinala niya, namumula ang mukha niya. Sino ba naman kasi ang hindi kikiligin sa sobrang sweet ng asawa niya?
Napatingin siya sa kanyang noo. Nag-effort din itong mag-adjust para hindi na siya mabigla sa paghalik nito sa kanya. Para na naman siyang kiniliti sa kilig. Gusto nga niyang batukan ang sarili. Noong isang araw lang, parang takot na takot pa siya kay James tapos ngayon, kilig na kilig naman siya.
Napahawak siya sa kanyang dibdib. Ang bilis kasi ng t***k ng puso niya. Nagugustuhan na ba niya si James? Napaka-effort naman kasi nito sa kanya. Napakabait pa.
Mabait din naman si Andreu sa kanya. Hindi nga lang niya narasanan dito ang mga ganoong bagay. Dahil biglaan ang naging desisyon nila noon at buntis pa siya nang ikasal sila, para bang hindi na nila naging priority ang isa’t-isa. Sa tatlong taon nilang pagsasama, naramdaman naman niya na mahal siya ni Andreu. Natutunan na rin niya itong mahalin. Pero habang inaalala niya ang kanilang nakaraan, na-realize niya na hindi pala sila naging malambing sa isa’t-isa. Ang responsibilidad nila bilang magulang ang mas pinahalagahan nila lalo na nang malaman nila ang kondisyon ni Samantha.
Pagkatapos maligo, nagulat na lang siya nang may dalawang babae na sa loob ng kanyang walk-in closet. Nasa kabilang kwarto iyon pero konektado sa banyo. At sa suot ng mga ito, sigurado siyang hindi ito mga kasambahay doon.
“Sino kayo?”
Halos mangiyak-ngiyak pa ang isa sa mga ito na lumapit sa kanya. “Totoo nga talaga ang sabi nila, may amnesia kayo, Madam.”
Para tawagin siya nitong Madam, sigurado din na hindi ito kaibigan ni Katharina.
“Hayaan niyo kaming magpakilala, Madam. Ako si Lucero. Lucy for short. Hair dresser niyo, Madam,” wika ng akala niya kanina ay babae dahil sa ganda ng katawan nito.
“Ako naman si Jayme, Madam. Pero mas kilala niyo po ako bilang Jaymee. Ako ang Make up artist niyo,” wika ng isang kasama nito na akala niya rin ay babae.
Aakalain mo talaga kasing tunay na babae ang mga ito dahil sa ayos. Ang gaganda pa. Pero ang mas nakakagulat para sa kanya ay ang trabaho ng mga ito. Talaga bang kailangan pa ni Katharina ang mga ito kapag may lakad? Siya nga dati pusod lang sa buhok at lipstick ang kailangan. Tapos na.
“Pasensiya na kayo. Hindi ko talaga kasi kayo maalala. Si James ba ang nagpapunta sa inyo dito?”
“Yes, Madam. Especial ang araw na ito kaya sigurado daw siyang ikakatuwa niyo na nandito kami para ayusan kayo. Halika na po kayo dito, Madam at nang masimulan na namin.”
Kung iniutos iyon ni Katharina, malamang gawain nga nitong magpaayos. Wala na sigurong mapaglagyan ang pera nito. Kung pwede nga lang na may magpaligo dito, baka pinagawa na rin ni Katharina sa iba.
Sumunod na lang din siya at hindi na umimik.
Nakatingin lang siya sa malawak na salamin habang sabay siyang inaayusan ng mga ito. Kaya naman hindi niya maiwasang mapansin ang pagkunot ng noo ni Lucy. Mayamaya ay hindi na talaga ito nakatiis at nagtanong.
“Madam, nagpalit ba kayo ng shampoo? Or conditioner? Para kasing hindi nahiyang ang buhok niyo.”
Mabilis naman itong nahampas ni Jaymee. “Wala ngang maalala si Madam, hindi ba?” pabulong pa nitong sabi kahit dinig naman niya.
Agad din naman nag-sorry si Lucy. Hindi na lang din siya nag-react kahit ba ang totoo, hiyang-hiya na siya. Alam naman niyang pangit ang buhok niya. Wala naman kasi siyang ginagamit na mamahaling shampoo. Sana lang talaga wala itong makita na lisa.
Habang inaayusan siya ng mga ito, nagdasal na lang siya na sana wala na silang ibang mapansin. Lalo na si Jaymee. Kumpara sa kanya, panigurado kasing mas maganda at mas makinis si Katharina. Pagpapaayos pa nga lang ng buhok at make up pinagkakagastusan na nito. Paano pa kaya ang skin care?
Nakahinga siya nang maluwang nang sa wakas ay natapos na ang mga ito. Hindi naman siya makapaniwala sa naging resulta ng ginawa ng dalawa sa kanya. Para kasing ibang tao ang nakikita niya sa salamin.
“Perfect,” wika pa ni Lucy. “Siguradong mas mai-in love sa inyo si Mr. Lee. Nakapili na ba kayo ng isusuot?”
Oo nga pala. Naka-bathrobe lang siya. Minsan na niyang natingnan ang mga damit ni Katharina pero hindi pa niya naisa-isa. Hindi din naman kasi siya nahilig sa magagarbong damit. Kaya naman kung siya ang mamimili ng isusuot niya, baka hindi bumagay.
“Ang tototo niyan, wala pa `kong napipili. Pwede niyo ba `kong tulungan?”
“Of course, Madam!” magkasabay pang sabi ng dalawa.