"HOW'S your day?" Malambing na tanong sa kanya ni James nang umuwi ito kinagabihan. "Napagod ka ba?" Hinalikan siya nito sa noo.
Nginitian niya ito. "Medyo nalito lang ako sa mga kwarto pero marami pa naman pagkakataon para mamemoryado ko sila. Saka marami din naman kwarto na hindi ko pwedeng puntahan, hindi ba? Kaya hindi ako gaanong napagod."
"You must be wondering."
"Para sa isang tao na walang maalala, natural lang ang maging curious sa lahat ng bagay. Hindi mo naman siguro mamasamain kung magtatanong ako. Bakit nga ba? Sabi ni Danica, hindi ako pumasok ni minsan sa mga kwartong 'yon."
Ang totoo, buong maghapon niyang pinag-isipan kung paano niya iyon itatanong kay James na hindi nito mamasamain at mukhang effective. Binasa niya ang ekspresyon ng mukha nito at mukhang hindi naman ito galit.
"You did. She just didn't know."
"Nakapasok na 'ko sa mga kwartong iyon?"
"Of course. But only when you're with me. They are private rooms just for the two of us."
Napakunot noo siya. "Private rooms?" Bakit kailangan pa nilang magkaroon ng sampong private rooms? Hindi pa ba sapat ang master's bedroom bilang private place nila bilang mag-asawa?
"When you get fully healed, I'll show you what's in there."
Curious man, hindi niya maiwasang matakot. Bakit kailangan pang fully healed na siya bago sila makapasok doon?
"Sa tingin mo. Ano kaya ang nasa loob ng mga kwartong 'yon?" Tanong niya kay Danica nang sila na lang dalawa ang nasa kwarto kinabukasan.
"Wala akong idea. Hindi pa nga ako nakakapasok sa mga kwartong 'yon, hindi ba?"
"Oo nga pala," napabuntong hininga siya. "Tapos sabi pa niya kailangan fully healed na ako bago ako makakapasok sa mga kwartong iyon."
Bigla niyang na-imagine ang katawan ni James kanina bago ito umalis papuntang opisina. Wala man lang itong pagdadalawang isip na maghubad sa harapan niya. Na naiintindihan naman niya dahil ganoon din si Andreu sa kanya noon.
Medyo nailang man, hindi niya nagawang makaiwas ng tingin doon. Napaka-perfect kasi ng pagkakahulma ng abs ni James. Ang sarap titigan. Halatang suki ng gym.
Napatingin siya kay Danica. "Hindi kaya addict sa gym si James? Tapos lahat ng kwartong 'yon, puno ng equipment?"
Napakunot noo si Danica. "Sa tagal mong nag-isip, iyan talaga ang pumasok sa utak mo? Napaka-conservative mo naman ata para sa isang taong may asawa."
Siya naman ang napakunot-noo. "Anong ibig mong sabihin?"
"Wala. Kaysa kung anu-ano ang iniisip mo, maghanda ka na. Nakalimutan mo na ba? Darating ngayong araw ang magulang ng asawa mo."
"Magulang ng asawa ko?" Napatayo siya sa kama. "Oo nga pala!"
Nawala sa isipan niya na nabanggit nga pala ni James kanina bago ito umalis na darating ang magulang nito mula sa America nang araw na iyon. Sinabi kasi nito iyon sa kanya habang nakahubad kaya halos hindi tuloy pumasok sa utak niya ang mga sinabi nito.
Pero ano naman ang gagawin niyang paghahanda? Sa dami ng katulong sa mansiyon, paniguradong wala na siyang maitutulong.
"Ano ba ang ginagawa ni Katharina kapag dumadating dito ang mga biyenan niya? Hindi pa naman ako magaling sa bagay na 'yan."
Kapag dumarating ang biyenan niya sa bahay nila, kung maaari lang, ni ayaw niya makita maging ang anino nito. Wala din naman kasi itong nasasabing mabuti sa kanya kapag nagkikita sila. Kaya nagsawa na rin siyang pakitaan ito nang mabuti. Kaso, tinatawag siya ni Andreu para pakiharapan ang ina nito. Kaya ayon, palagi lang siyang nase-sermonan.
Sana naman hindi ganoon ang mangyari sa kanya ngayong siya na si Katharina. Napakamalas na lang talaga niya kung pati ito, hindi rin malapit sa in-laws nito.
"Huwag kang mag-alala. Mabait si Doña Esmeralda. Malapit kayong dalawa. Si Don Santiago naman, mapagtiya-tiyagaan na. Hindi naman 'yon masyadong makikipag-usap sa 'yo kaya hindi mo siya dapat problemahin."
Kahit papaano ay nakahinga siya nang maluwang. Ayos na rin iyong may kakampi siyang isa.
At tulad nga ng sinabi ni Danica, mukhang mabait nga si Doña Esmeralda. Nang makita siya nito, agad siyang nginitian at niyakap.
"How are you, Hija? Feeling better?"
"Yes, Mama," maikli niyang sagot.
Medyo nahiya pa siyang tawagin itong Mama. Napakasosyal kasi ng dating. Iba ang tono sa nakasanayan niyang pagbigkas ng Mama.
Nang humiwalay ito sa pagyakap sa kanya, kitang-kita niya ang pag-aalala sa mga mata nito. Maluha-luha pa nga ito.
"If you start to remember things, call me right away, okay?" Wika nito habang nakahawak sa mga kamay niya. "If there's something you want to tell me, don't hesitate to call me."
Tumango lang siya kahit alam niyang hindi iyon mangyayari. Paano niya maaalala ang mga alaalang hindi naman sa kanya?
"That's enough, Esmeralda. Your daughter-in-law is still alive. There's no need to be that over dramatic," tiningnan siya nito. "She seemed fine to me as well," pumiksi ito. "You just wasted our time for coming here." Pagkasabing iyon, iniwan na sila nito.
Hindi man niya sinasadya, napasimangot siya sa sinabi ni Don Santiago.
"Hayaan mo na ang Papa mo. Napagod lang siguro 'yon sa biyahe. But I'm sure he's worried about you too," nakangiti pa rin na wika ni Doña Esmeralda. Halatang sanay na ito sa ugali ng asawa.
Sa bagay, sanay na rin naman siya sa ganoong ugali. Hindi man ito magkamag-anak ng kanyang totoong biyenan, mukhang may pagkakatulad sa pag-uugali ang mga ito. Rich version nga lang si Don Santiago.
Nginitian niya si Doña Esmeralda. "May punto rin naman si Don- I mean si Papa. Ayos lang naman ako. Hindi na dapat kayo umuwi dito kung ako lang pala ang dahilan."
"What are you talking about, hija? You got into an accident. You even had an amnesia because of it. Of course, we should visit."
Kahit hindi talaga para sa kanya ang pag-aalala ni Doña Esmeralda, ramdam niya ang pagmamahal nito kay Katharina. Bigla tuloy siyang nasabik sa ina.
"Wala ka ba talagang maalala na kahit ano, hija?" Biglang tanong nito na nagpakaba sa kanya.
Sa halip na magsalita, iling lang ang naging sagot niya dito.
"It's okay. You don't have to force yourself to remember anything," mas hinigpitan nito ang pagkakahawak sa kanyang kamay.
Weird pero parang may gusto itong ipahiwatig sa kanya na hindi niya maintindihan. Pero siguro ganoon lang talaga nito kamahal si Katharina.