CHAPTER SIX

1075 Words
PAGKATAPOS nilang kumain ng tanghalian ni Doña Esmeralda ay nagtungo na ito sa guestroom kung saan nauna nang namahinga si Don Santiago. At dahil wala siyang maisip gawin, nagtungo na lang rin siya sa kwarto. Dahil sinabi niya kay Danica na gusto niyang magpahinga, hindi na ito pumasok doon. Sa mga panahon na mag-isa siya, hindi niya maiwasang maisip si Andreu at Sabhrina. Kamusta na kaya ang mga ito? Hinahanap kaya siya ng kanyang asawa? Nami-miss rin kaya siya nito? Kahit ba sinasabi niya sa sarili na kalimutan na ang mga ito at mag-focus sa buhay na meron siya ngayon, hindi pala iyon ganoon kadali. At kahit nasa kanya na ang lahat ng mga bagay na pinapangarap lang niya noon, hindi pala iyon sapat para maging masaya siya. Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya habang umiiyak kakaisip sa anak at kay Andreu. Nagising lang siya nang maramdaman na para bang may humahalik sa kanyang leeg. Nang imulat niya ang kanyang mga mata, muntik na siyang mapasigaw nang makita si James na nakadagan sa kanya at hinahalikan siya. Hindi pala iyon isang panaginip lang. "J-James, sandali." Sinusubukan niya itong itulak pero hindi man lang ito natinag. Nag-panic siya nang hindi na lang siya nito basta hinahalikan. Nararamdaman na rin niya ang pagkilos ng kamay nito sa kanyang dibdib. "James. Ano ba!" Para itong natauhan nang sigawan niya ito. Tumigil ito sa ginagawa at naupo sa kama. Mabilis naman siyang napaatras. Ramdam niya ang panginginig ng kanyang katawan. Sa kabilang banda ay nakaramdam siya ng guilt sa ginawa. "I-I'm sorry. N-nagulat lang ako sa ginawa mo." Sinuklay ni James ang buhok nito gamit ang mga daliri. "It's okay, I understand." Pagkasabi nito niyon ay tumayo na ito at nagtungo sa banyo. Halata ang pag-iwas nito ng tingin sa kanya. Halata sa itsura ni James ang disappointment. Parte sa buhay ng mag-asawa ang mga ganoong pangyayari. Malamang ay sabik na ito makasiping ang asawa. Pero kahit ba kino-kondisyon niya ang sarili bilang asawa ni James, para pa rin itong estranghero sa kanya. At kahit ba napaka-gwapo nito at mayaman, hindi niya naramdaman dito ang parehong atraksiyon na naramdaman niya para kay Andreu noong una silang magkakilala. Ano na ang gagawin niya? Hindi naman pwedeng palagi na lang siyang humindi kay James. "Ayoko na, Danica. Hindi na talaga tama itong ginagawa ko. Sobrang nakaka-guilty." Natapos ang gabi na hindi sila nag-usap ni James. Ni hindi nga ito sumabay ng hapunan. Masama daw ang pakiramdam. At kanina, umalis ito nang hindi man lang nagpapaalam sa kanya. Halatang masama pa rin ang loob nito sa nangyari kagabi. "Kahit kailan, hindi naman talaga magiging tama ang ginagawa natin." "Kaya nga sobrang nakaka-guilty na." "Ano ba kasi ang nangyari at mukhang wala sa mood ang asawa mo?" Ramdam niya ang pag-init ng kanyang mukha sa tanong ni Danica. Medyo nahiya pa siya pero sa huli ay sinabi na rin niya. "Anong mahirap do'n? Para naman virgin ka pa." Hindi niya napigilan ang pag-init ng kanyang ulo sa sinabi ni Danica. "Sandali nga lang. Oo, pumayag ako sa gusto mo na magpanggap. Nasilaw ako sa pera at sa magandang buhay na pwedeng maibigay sa akin ng pagpapanggap ko bilang si Katharina. Pero sumusobra naman yata `yang bibig mo. Nakaka-insulto ka na, ah. Akala mo kung sino kang pagsalitaan ako. Baka nakakalimutan mo, hindi lang ako ang mapapahamak kapag sinabi ko kay James ang totoo. Kaya sana ayusin mo ang pagtrato sa `kin. Nakikinabang ka rin sa pagpapanggap na `to." "Ang ibig ko lang naman sabihin, hindi mahahalata ni Mr. Lee na hindi ikaw ang asawa niya. Kaya wala kang dapat ikatakot." "Hindi lang naman ito tungkol doon. Babae ka rin, Danica. Hahayaan mo lang ba na makipag-s*x sa iyo ang kahit sinong lalaki na hindi mo naman mahal? Oo, nagpapanggap ako na si Katharina pero ako pa rin si Sofia." "Iyon na nga, eh. Nagpapanggap ka na si Katharina. Hindi naman pwedeng ikaw na lang ang palaging makinabang. Kailangan mo rin magsakripisyo. Saka ikaw din naman ang nagsabi, hindi ba? Mabait si Mr. Lee. Matututunan mo din siyang mahalin." "Ang kaso, ayoko na nga." Napabuntong hininga si Danica. "Okay, fine. Sabihin mo kay James ang totoo. Sabihin na natin na mapatawad ka niya. Pero sa tingin mo ba palalampasin lang din ito ni Don Santiago? Maniwala ka sa akin. Siguradong ipapakulong ka no'n. Ayaw na ayaw pa naman no'n ng manloloko. Ikaw lang din ang magiging kawawa." "Sasabihin ko sa kanya na ikaw ang nag-utos sa akin na magpanggap." "Sa tingin mo paniniwalaan ka nila?" Hindi na siya nakaimik. Paano nga kaya kung mangyari `yon at nakulong siya? Tapos nakarating kay Andreu at sa pamilya nito ang nangyari sa kanya. Siguradong kakalat iyon sa buong probinsiya. Lalo siyang pagtatawanan ng kamag-anak nito. "Baka nakakalimutan mo rin na sobrang yayaman ng mga niloko mo. Baka sa halip na sa kulungan ka mapunta, hindi ka na sikatan ng umaga." Hindi niya alam kung kaya nga iyong gawin ng pamilya ni James. Ganoon pa man, hindi niya maiwasang matakot. Kahit ba mukhang tinatakot lang siya ni Danica, sa kanilang dalawa mas may alam ito tungkol sa pamilya. "I SAW THE fear in her eyes, Daniel. Now I'm more convinced that she's just acting," wika ni James sabay tungga sa bote ng alak. Nabanggit sa kanya ng doktor ni Katharina na wala itong nakitang problem sa utak ng asawa para magkaroon ito ng amnesia. Pero maaari din na bunga iyon ng traumatic event na kinasangkutan nito. Kaya naman inobserbahan niya muna ang asawa. At sa nangyari kagabi, malakas ang pakiramdam niya na nagpapanggap lang ito. Hindi ito matatakot nang gano'n na walang dahilan. "What are you planning to do now? Are you planning to kill her? Baka mapahamak pa tayo kapag nagsumbong ang asawa mo. Her family is as powerful as yours, remember?" "It's still too early to do that. Isa pa, naligpit ko na ang mga pakialamero sa buhay namin. And I don't think her other relatives will meddle with our relationship. Ni hindi nga nila nadalaw si Katharina noong nasa ospital pa siya." "Kung gano'n, kailan mo pa gagawin? Kapag napahamak na tayo?" tanong ni Charles. "Relax, bro. Hindi makakalabas si Kath sa bahay kahit subukan pa niya. She's a prisoneer to her own house,” inubos na niya ang natitirang laman ng bote. "She want to play games with me? Then I'll play her game. Tingnan lang natin kung hanggang saan siya tatagal."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD