Lumipas ang maghapon ng hindi ako kinakausap ni Amber, sa tuwing tatangkain ko namang lumapit sa kanya ay daig niya pa ang ang hinahabol ng aso sa bilis ng pagkilos makaiwas lang sa akin. Ginagawa ko na ngang dahilan si Baby Dale para makalapit sa kanya pero wala pa ring epekto. Kasalukuyan kaming nasa tabi ng pool, malakas kasi ang hangin dito at nakakarelax, si Baby Dale ay tahimik na natutulog sa stroller mukhang nagustuhan niya rin dito dahil malamig, si Amber naman ay nagkulong sa kuwarto, bago kami magpunta ni Baby Dale dito ay sinilip ko siya naabutan kong natutulog kaya naman hindi ko na inistorbo pa. "Sir, may tumatawag po" inabot sa akin ni Amy yung cellphone ko na patuloy sa pagtunog. Agad ko itong kinuha para sagutin. Alam ko naman kung sino ang tumatawag base na rin sa ringto

