Alas-nueve y medya na ng gabi pero wala pa si Zach at nag-aalala na ako. Wala rin akong natatanggap na text mula sa kanya, hindi rin siya tumawag para sabihin na gagabihin siya. Napatayo ako nang marinig ko ang ugong ng sasakyan niya, kaya agad akong bumaba para salubungin siya, napakunot ako ng noo nang mapansin ko na tila ba matamlay si Zach, nakangiti nga siya sa akin pero hindi katulad ng dati na abot sa mata. "Bakit ngayon ka lang?" tanong ko matapos ko siyang halikan sa labi. "Madami lang akong inasikaso kanina. Si Dale?" "Nasa nursery, kasama si Ate Beatrice, susulitin niya na daw ang pag-aalaga kay Dale, kumain ka na?" "Not yet." tipid niyang sagot saka ako hinapit papalapit sa kanya. "Magpalit ka muna ng damit habang inaayos ko ang pagkain mo." tumango lang siya saka dumiret

