"Ano ba?! punyeta talaga! hindi mo ba mapapatahimik yang lintik na batang yan?! Sabihin mo lang kung hindi mo kayang mag-alaga ng sanggol para naman makahanap na ako ng kapalit mo!, hindi yung naglalabas ako ng pera para ipampasuweldo sayo tapos simpleng pagpapatahan lang sa bata hindi mo pa magawa? At bakit ba nandito? di ba sinabi ko na sayo na hiwag na huwag kang papasok sa kuwart ko?!!!" "Ate kasi si Ralph po mataas ang lagnat saka parang nahihirapan siyang huminga eh, dalin na po kaya natin sa doktor?" "Buwisit na batang yan, oh eto ang pera dalin mo sa doktor." "Ate hindi ka ba sasama?" "Nakita mo nang may ginagawa ako diba? ikaw na ang magdala dyan. Kung gusto mo iwan mo sa labas ng gate ng bahay na tatay niya, pabigat talaga yang buwisit na yan hindi pa namatay!" galit na galit

