Tulala ako nung makalabas kami sa clinic ng Ob ni Amber, habang ang maganda ko namang asawa ay ngiting ngiti ngayon. Bago kami umalis ng opisina ay napagpasyahan namin na magpacheck-up na sa dating OB GYNE ni Amber, gusto konh makasiguro na magiging ok lang ang lahat sa buong durasyon ng pagbubuntis niya, lalo na at ilang buwan pa lang ang nakalilipas nang manganak siya kay Baby Dale. Mabuti na lang at wala masyadong pasyente nung dumating kami kaya agad na nacheck-up si Amber, halata pa nga na nagulat ang Doktor niya pagkakita sa amin. Hindi naman nagtagal ang pagtingin kay Amber pero hindi yata maabsorb ng utak ko yung binalita sa amin ni Doktora. "Wow!Congratulations Amber and Zach!!! " Nagtataka naman ako sa reaksyon ni Doktora, na tila ba tuwang tuwa nang makumpirma na buntis nga a

