AMBER'S POV Dinig na dinig ko dito sa silid ang naging sagutan ng magkapatid, tuloy tuloy nanaman ang mga luha ko sa pag-agos, at mga private nurses ko naman ay hindi malaman kung ano ang gagawin mapatahan lang ako. Nakikiusap na nga sila sa akin na tumahan dahil makakasama sa akin at sa baby ko. Kanina nang dumating si Zach, ay sinadya ko talaga na manatiling nakapikit kahit nung buhatin niya ako at tumulong sa pagbibihis sa akin, ayoko siyang makita kasi baka magbago ang desisyon ki na makipaghiwalay sa kanya, mahal na mahal ko siya pero mas kailangan kong mahalin ang anak ko. Masasaktan lang kami kung mananatili pa rin kami sa poder ng ama niya, mahihirapan lang kami, na kahit konting oras ay hindi kami mabigyan. Alam ko, na lalo lang kaming maiitsapuwera dahil magkaka-anak na sila n

