“Okay ka lang ba?” Tanong ni Migs habang inaalalayan niya akong maupo sa gilid ng kama. Napatingin ako sa paa kong may benda. Ramdam ko pa rin ang kirot pero hindi na kasing tindi ng kanina. Dumaan muna kami sa doctor bago umuwi para ipagamot iyon, kaya kahit papaano ay mas magaan na ang pakiramdam ko. Pumasok bigla sa isip ko si Ace. Bigla kong naisip na mas matindi pa rin ang kirot na nararamdaman ko sa dibdib ko dahil sa kanya. “Raselle, magpahinga ka na muna, ha? Kung may kailangan ka, tawagin mo lang ako.” Nakita ko ang pag-aalala sa mga mata ni Migs pero pilit niyang pinapakalma ang tono ng boses niya. “Thank you, Migs!" mahina kong sambit sabay ngiti. Tumango naman siya saka bumuntong-hininga. "Alam mo, Raselle, kahit hindi mo sabihin, alam kong may iniisip ka. Pero kung ayaw m

