KINABUKASAN, nasa loob ako ng kotse ni Migs papasok sa office. Tahimik lang ako habang pinagmamasdan ang necklace na suot ko. Hindi ko mapigilan ang mapangiti. Kahapon lang nang mahawakan ko uli ito matapos ibalik sa akin ni Ace. Buong akala ko ay tuluyan na itong nawala. Halos mabaliw ako kakahanap na kulang na lang ay baliktarin ko ang buong kwarto ko sa sobrang panic. Lahat ng sulok, lahat ng drawer, kahit mga bag at kahon ay pinagbubuksan ko, pero wala. Naisip ko na baka naiwan ko sa kung saan, or worse, nawala ko talaga, na baka nahulog iyon sa kung saan habang nakasabit sa leeg ko at nawala na. At sa mga gabing hindi ko nahahanap ang necklace ko ay napapaiyak na lang ako, kasi ang necklace na ito, hindi lang basta alahas. Alaala ko ito sa anak ko, na binili ko pa sa States, simbol

