Chapter 1

1440 Words
Astrid's Pov "You really should respect our private space, Mirren." Nagkibit-balikat lang ako at dire-diretsong naglakad sa kulay itim na couch nasa tambayan nila at nahiga do'n. "Private space huh? As if I have one. Ikaw nga 'tong nang-iinvade ng privacy ko, Kuya." I utter in monotone as a matter of fact. Napanguso na lang ako at tahimik na pinanuod si Benson habang itinotono n'ya ang kanyang gitara ng maramdaman ko ang pagdampi ng tela sa katawan ko, nilingon ko si Kuya na tinakpan ako ng blanket atsaka ngumiti. "Salamat." His expression didn't change at all as he walk toward his friend and began talking about things that I couldn't fathom. "May bago na kayong drummer?" Kyuryoso kong tanong sa kanilang tatlo atsaka maayos nang naupo. "Wala pa, sa sobrang dami ng pagpipilian wala na kaming mapili." Benson utter as he play with the drum stick he could be their guitarist tho ang problema lang ay ayaw n'ya hindi n'ya raw kasi trip ang pagdadrum mas gusto n'ya ang electric guitar.  "Tatlong gig na nga ang cancel." Dagdag pa ni Benson na ikinagulat ko, it's not really like they need their talent fee whenever they're having gig, kaya ayos lang naman siguro 'yon. "Ayos lang naman 'yon para makapag-focus ako sa campaign period para sa school election." Nicholai informed us. Mabilis at natatawang pumalakpak si Benson. "Vote Sadler Nicholai Dela Vin, para sa pagbabago!" He shouted then bark a laugh that bring Nicholai's poker face back. "P'wede naman akong tumulong sa campaign mo, pero hindi sa paghahanap n'yo ng drummer wala kasi akong kilala." Sabay-sabay kaming napatingin sa pinto nang bumukas 'yon at iniluwa ang isang hindi inaasahang tao, what's his name again? Ken, Kenneth? I remember now, Krenth Grivin. "Mr. Dela Vin, the school Dean wanted to talk to you." Tama lang ang lakas ng pagkakasabi n'ya no'n na hindi ko na napigilan pa ang sarili kong mapangiti para akong naka-experience ng himla dahil sa nangyari, finally I heard his voice nababaliw na ata ako pero napaka-ganda ng boses n'ya hindi 'yon masyadong malalim sapat lang. "Thanks Krenth, susunod na 'ko." Tumango lang ito sa kanya at tumalikod na sa 'min atsaka naglakad paalis. Marahas akong umiling kay Kuya na inaayos ang coat pati na rin ang name plate n'ya. "Kilala mo s'ya?" He just nod at my statement and pat my head, hindi ko na 'yon pinansin at sumabay na lang ako sa kanya sa pag-alis n'ya sa tambayan. "Oo, hindi mo ba s'ya kilala? Nakakabatang kapatid s'ya ni Gelo." Umiling ako at hinawakan s'ya na ikinatigil n'ya sa paglalakad. "I don't even know that Gelo has a brother." S'ya 'yong dating drummer sa banda nina na Kuya na ngayon ay nasa ibang bansa na at doon mag-aaral. Ilang beses na rin akong nakapunta sa bahay ni Gelo minsan kasi ay doon nagpapractice sina Kuya pero hindi ko pa naabutan si Krenth don. Sheez, why does all of this matter to me now? "Kung wala ka naman ng klase mauna ka na sa sasakyan." I shook my head immediately and smile weakly at him. "Magpapasa pa 'ko ng form sa Photography Club ng School ta's dadaan ako ng library may hihiramin akong libro para sa research paper ko baka mauna ka pa sa 'kin don." "Good afternoon." I greeted the librarian with a smile, she smiled back, itinipa ko na kaagad ang pangalan at ang student number ko sa computer atsaka dumiretso sa hilera ng matataas na bookshelves at hinagilap ang librong kailangan ko.  "There you are." I whisper to myself and reach for that certain book, 'yon nga lang ay masyado itong mataas at kahit na tumitingkayad na 'ko ay hindi ko pa rin maabot. Natigilan ako saglit nang makita ko ang walang kaeffort-effort na pag-abot ng isang tao sa librong pinaghihirapan kong kunin kanina pa. "Ito na oh." Nag-angat ako ng tingin, and when our eyes locked in for unknown reason I got nervous by how blank the expression on his face was and how intimidating his eyes as if he's taunting me, sige ako na ang paranoid. "Salamat." Pilit akong ngumiti at gamit ang medyo nanginginig kong kamay ay kinuha ko mula sa kanya ang libro na nabitawan ko rin kaagad, parang nawalan ng lakas ang kamay ko. Lumuhod ako at pinulot ang librong nahulog pati na rin ang form na nafill out-an ko na para sa photography club. "Sasali ka sa photography club?" Tumitig ako sa kanya sa loob ng ilang segndo bago tumango, napatingin na lamang ako sa kamay n'yang nakalahad. I don't wanna be rude that I end up accepting his hand tho I am quite nervous to even stare at him that holding his hand will be my great achievement for today. "Oo, gusto ko kasi 'yon, hindi nga lang ako gano'n kagaling." Bumitiw s'ya mula sa pagkakahawak ng mga kamay namin at sa kauna-unahang pagkakataon ay nakita ko s'yang ngumiti. So many first time for this day, should I consider this as a miraculous one? "Thank you ulit, mauuna na 'ko ha baka kasi hinihintay na rin ako ni Kuya." The corner of his lip twitched and I felt a little bit if embarassment as I realize that his attention is on the book he's been holding and scanning already. Mas hinigpitan ko ang pagkakayakap sa libro at lumabas na mula sa library na may pagtataka sa isipan at ngiti sa 'king labi. "Ang tagal mo halos kalahating oras na 'kong naghihintay sa 'yo." Like the gentleman that he is to me, pinagbuksan n'ya ko ng pinto ng sasakyan na isinara n'ya na rin bago s'ya umikot sa harapan at pumasok na rin sa loob ng sasakyan. "Natagalan ako sa pagkuha nito oh." Sabay pakita ko ng libro na ipinatong ko sa 'king kandungan. The engine roared to life and he began maneuvering the car. "Ang tahimik mo ata ngayon, nakakapanibago lang." Ngumuso ako at tumigil sa pag-iscroll sa 'king cellphone, hindi naman sa gusto ko talagang manahimik sadyang masyado lang akong abalang hanapin ang social media account ni Krenth kung mayroon man s'ya no'n pero mukhang wala. "Nope, I was just looking for someone's social media account, ang weird lang kasi sinerach ko na ang pangalan n'ya sa f******k, twitter, ** pati sa snapchat pero wala." Okay, ako na ang stalker, but I can't help it I'm really curious. Nang matapat kami sa stop light ay natatawa n'ya 'kong tiningnan. "Sino ba kasi 'yan? Long lost friend? You look and sound so desperate Astrid Mirren." He commented, am I? Nahihiya naman akong sabihin na si Krenth 'yong hinahanap ko kaya nanahimik na lang ako at sinubukan ulit kaya lang namatay na ang phone ko. I groaned out of frustration and annoyance. "Kuya, pahiram ng cellphone mo." I declared, hindi pa man s'ya pumapayag ay ako na mismo ang kumuha non mula sa bulsa ng slacks na suot n'ya. "Nagpaalam ka pa." Naka-log in ang f******k account n'ya at iaout na sana 'yon ng makuha ng isang pamilyar na pangalan ang buong atensyon ko. I immediately clicked his name, Flash Grivin and viola sa wakas nakita ko na ang f******k profile ni Krenth. Wala s'yang masyadong post tanging mga pictures lang, walang status o kung ano pa man sa totoo lang ay magaganda ang mga shots ng picture na nasa timeline n'ya at para bang isang bihasang photographer ang kumuha no'n. I wonder if this is his own shot, I've seen him holding a DSLR before. Nag-iisa lang rin ang default picture n'ya at tanging anino lang ng taong nakatayo, simple lang 'yon pero napaka-artsy. "Ginagamit mo 'yong account ko?" Kaswal na tanong ni Kuya at sumulyap sa cellphone n'ya. Ngumiti lang ako at inilagay na lang sa bulsa ng bag n'ya ang cellphone. "Kuya, would you mind if I ask something." Umiling s'ya at seryoso akong tiningnan habang hinihintay namin na pagbuksan kami ng gate ng g'wardya. "Depende, ano ba 'yon." I pouted at his retort and sigh. "Ano 'yong full name ng kapatid ni Gelo." His brow shot up, ooppss dapat ba hindi ko 'yon tinanong sa kanya? Malisyo pa man din s'ya minsan at advance mag-isip baka bigla na lang pumasok sa utak n'ya na crush o may gusto ako kay Krenth. "Hindi ba't kaklase mo s'ya?" He asked back instead of answering my question, nice. "Oo pero kasi, How can I even explain this...he's like an invisible man in our room I wonder if our classmates do know that he actually exist — Flash Krenth Grivin." "Huh?" Naguguluhang tanong ko nang bigla s'yang sumingit sa sinasabi ko. "Flash Krenth Grivin ang pangalan n'ya." He blurted out and walked out of the car.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD