Astrid's Pov
"Am I late?" I asked apologetically umiling si Ms. Severo at sumenyas na pumasok na 'ko sa studio kung saan pinupulong n'ya na ang mga bagong saling estudyante sa photography club habang ang mga senior naman ay abala na sa kanya-kanya nilang gawain. "This coming Friday is the University's three days retreat. Inaasahan ko na makakukuha kayo ng marming shots mula sa trip maging sa 'ting Retreat camp." Mabilis na naka-ani ng iba't ibang reaksyon ang sinabi ni Miss. Severo habang nanatili lang akong seryosong nakikinig sa mga sinasabi nila.
"Those newbie who'll have their best shot among of all will have their reward." The thought of having a reward motivates and hype each and everyone of us. May mga nag-usap na sa mga strategy at technique na gagamitin nila may mga nagconceptualize na rin. Everyone seems passionate and excited for our first activity. "Pero..." She let her sentence hang in the mid-air as she eye all of us and smile. "Ang bawat isa sa inyo ay ipapartner ko sa mga senior photographer ng club para matulungan nila kayo in case you need too and they'll be assessing your ability as a photograper as well." Some of the senior smiled at us while most of them remain focused on their camer inspecting their own shots.
Nakaani ng iba't ibang reaksyon ang pairing na naganap may mga ibang kinilig lalo na't noong napartner sila sa mga seniot photographer na crush nila, may mga natakot at napressure mayroon din naman na wala ng imik. "And for the last pair we have Ms. Dela Vin and Mr. Grivin." She announced, did she just say Grivin? As in Flash Krenth Grivin? Hindi ko alam na Senior pala s'ya sa club na 'to.
Nagpalinga-linga ako sa paligid ngunit wala naman akong nakitang bakas ni Flash baka naman hindi s'ya 'yon at kaapelyido lang, bagsak balikat na tumingin ako kay Miss. Severo at pilit na ngumiti. "There he is." Nag-angat ako ng tingin at lumingon sa pintuan at gano'n na lamang ang pagliwanag ng ekspresyon sa mukha ko nang makita ko na si Flash ngayon. I was just so happy that I can't help but to smile sweetly at him and Miss. Severo.
"Krenth, ikaw 'yong senior photographer na kapartner ni Astrid para sa first outdoor activity nila." Sumulyap s'ya sa 'kin bago s'ya tumingin kay Miss. Severo at tumango, tahimik ba talaga s'ya? Is he really always like that, ni hindi man lang ba s'ya nakikisali sa mga co-member n'ya kapag nag-uusap sila o nagkukulitan?
Mula sa pagsusulat ng mga terms, photography technique and ideas na nakapaskil sa harapan ay hindi ko maiwasang hindi lingonin s'ya sa likuran habang abala s'yang nakatutok sa laptap at seryosong nakatingin doon. May ilang senior member na lalapit sa kanya at may pinakikita mula sa DSLR nila pero pagkatapos ng saglit nilang pag-uusap ay mananahimik na s'ya ulit at ibubuhos na ang buong atensyon n'ya sa kaharap na laptap.
Dati naiisip ko lang na ang lungkot ng buhay n'ya pero ngayon naiisip ko na rin na napaka-boring no'n kasi napaka-seryoso n'ya at mukhang hindi s'ya marunong mag-enjoy. He looks like someone who'll take seriously every single thing in his life, hindi ko kaya 'yon.
"Kumusta naman 'yong pagsali mo sa photography club?" Bumuntong hininga ako at seryosong tiningnan si Kuya na pinaglalaruan ang baseball ball sa sa kanyang kamay. I sighed once more "Frustrating." I mumbled and shut my eyes close as I massage the bridge of my nose. Tumigil s'ya sa ginagawa n'ya at seryosong tumingin sa 'kin. "Bakit? Binubully ka ba nila?" Mabilis na tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi n'ya para naman kasing mayroong makapambubully sa 'kin di ba? Takot lang nila...
No one ever dared to messed up with Astrid Mirren Dela Vin.
Kanina kasi susubukan ko dapat kausapin si Flash pero kahit na ilang minuto na ata akong nakatayo sa harapan n'ya ay ni hindi n'ya man lang ako tinapunan ng tingin and he really did ignore me until I run out of patience and just walk away, nakakainis!
"Whatever it is that frustrates you, I'm sure you can deal with it." Inakbayan n'ya ko at hinila na palabas ng tambayan nila para maglunch. "By the way nakapagfile ka na para sa candidacy mo?" Tumango s'ya at ngumiti, naiimagine ko rin na nakapaghanda na s'ya para sa debate nila ng iba pang mga kandidato maging ang speech para sa pagkapanalo n'ya, walang halong biro pero gano'n s'ya ka-advance mag-isip.
"Kuya, mauna ka na sa cafeteria tapos iorder mo na lang ako ng pagkain may pupuntahan lang ako saglit." Ang ideya na baka ayaw n'yang ginugulo s'ya kapag may ginagawa s'ya ang s'yang nagtulak sa 'kin na bumalik sa studio na nakalaan para sa photography club.
Bago pa man makapagtanong si Kuya ay mabilis na 'kong nakapaglakad pabalik sa studio. Dalawang beses akong kumatok sa pinto bago ko 'yon tuluyang binuksan at hindi nga 'ko nagkamali dahil naabutan ko s'yang mag-isang kumakain ng packed lunch do'n.
He turned to look at me and gave that questioning look, hindi naman ako nagpatinag at dire-diretso nang pumasok sa loob at lumapit sa kanya. "May naiwan ka ba?" Umiling ako.
"Kung hinahanap mo si Ms. Severo nasa faculty room na s'ya 'yong ibang mga member ay baka naman nasa cafeteria na at kumakain — I want to talk to you, ang slow mo naman kanina pa nga dapat kita gustong kausapin kaso hindi mo naman ako pinapansin." Ibinaba n'ya ang kubyertos at seryoso n'ya kong nilingon.
"May kailangan ka ba? — Kapag ba kakausapin ka dapat may kailangan lang? Hindi ba p'wedeng gusto ko lang makipag-kaibigan sa'yo o gusto ko lang itanong kung bakit dito ka kumakain ng mag-isa..." There's something about the last word of my sentence that made me feel awkward to utter, ngumiti ako sa kanya samantalang nanatili lang s'yang seryosong nakatingin sa 'kin.
"Did you know that you wasted two minutes of our lives for that nonsense question?" He ask and stood there rigidly, iniligpit n'ya na ang baon n'ya at inilagay 'yon sa baon n'ya at nilampasan lang ako. "Wait nga kasi, ba't ka ba gan'yan kinakausap kaya kita." Awtomatik na napatigil ako sa paghakbang ng bigla na lang s'yang humarap sa 'kin. "Well in case you didn't get it, isasalita ko na lang. Ayaw kong makipag-usap sa'yo, will you stay away from me now?" Umiling ako at ngumiti, maging ako ay naguguluhan na rin sa inaasal ko dahil hindi ko naman ugali na ipilit ang sarili ko sa isang tao lalo naman na ang maghabol kasi literal na ginagawa ko na 'yon ngayon masundan lang s'ya, saan ba s'ya pupunta.
"I just wanna be your friend, teka nga saan ka ba kasi pupunta?" Sigaw ko na naging dahilan para makuha ko ang atensyon ng iilang estudyantent nadaraanan namin. Nang makita ko ang signage ng pintuang papasukan n'ya dapat ay natigilan ako.
It's the boy's comfort room. Muli n'ya kong nilingon this time he has his more serious and hardened expression on his face. "I don't need a friend, I don't wanna be friend with anyone, would you leave now?" Bago pa man ako magsalita ay pinagsaraduhan n'ya na 'ko ng pinto.
That annoying jerk! Akala mo kung sino ang sama naman pala ng ugali kaya wala s'yang kaibigan, argh! Nakakainis lang talaga. "What's with that face, pumapangit ka lalo." Kaagad kong sinamaan ng tingin si Benson dahil sa pang-aasar n'ya. "If you do love your life and for the sake of man-kind shut the f**k up! — Astrid no cussing remember?" Nicholai reminded me just like how our Mommy would, napa-irap na lamang ako sa ere at wala sa sariling ininom ang yogurt drink.
"May photoshoot ka para sa B&E mamaya hindi ba?" Natigilan ako mula sa pagsipsip sa yogurt drink at nilingon si Nicholai, "Oo, nakalimutan ko na nga 'yong tungkol do'n eh." I mumbled as a matter of fact. "Tatawagan ko na lang si Mommy mamaya baka mga 5 pm pa 'ko makapunta ng SMA may gagawin pa kami ni Pim para sa isang subject eh." He just nod at my statement and continue savoring those food he bought. Habang hindi ko pa rin maiwasang isipin ang nangyari kanina pati na rin ang iritasyon ko para kay Flash.
Akala ko talaga mabait s'ya, hindi naman pala.