Chapter 3

1436 Words
Astrid's Pov "Sina Mommy nasaan?" Ngumiti s'ya sa 'kin, "I'll call you later." She turned to look at me with a spark of positive vibes in her. "Nasa meeting pa po si Ms. Stormie at Sir. Aerom, maghintay na lang po kayo sa office n'ya." Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ng suot kong palda atsaka dinial ang number ni Tita Freen. After a couple of ring she pick up the call, narinig ko rin ang sunod-sunod n'yang pag-ubo na ikinakunot naman ng noo ko, is she sick? "Tita Freen nandito na po ako sa SMA —" Muli kong narinig ang pag-ubo n'ya bago ko pa man matapos ang karugtong ng sasabihin ko. "Tita are you sick?" Saglit kaming nabalot ng katahimikan bago ko narinig ang pagtikhim n'ya. "I have flu Astrid, but the shoot must go on may pinadala akong photographer d'yan na papalit muna sa 'kin. Maayos naman na ang lahat at ikaw na lang siguro ang hinihintay pati na rin 'yong photographer alam ko kasi may pasok 'yon at nag-aaral pa s'ya." Napatango-tango ako sa sinabi n'ya at sumenyas na lang sa secretary ni Mommy na baba na 'ko sa studio kung saan gaganapin ang photoshoot. "Nandito na si Ms. Astrid ayusan n'yo na s'ya bilis para makapagsimula na tayo." Utos ni Orellia sa mga staff na naabutan ko nang makapasok na 'ko sa studio, maayos na ang lahat mula sa ibang mga props, lightings pati na rin ang kabuan ng set. Isang staff ang kumuha ng backpack na suot ko at maingat 'yong ipinatong sa couch habang ang isa naman ay iginiya na 'ko paupo sa tapat ng vanity mirror. "Pumayag na ba si Ms. Stormie na ikaw ang maging representative para sa New York Fashion Week next month?" Ngumuso ako at umiling, ilang beses ko nang pinilit si Mommy pero ayaw n'ya talagang pumayag hindi n'ya gusto ang ideya na iexpose ako sa limelight at mundo ng modelling at showbiz as much as possible she want me to earn my college degree and then I am free to do modelling for different brands if I want too. "Satana Runnels will be the  model for Blanc and Eclare this year." Singit ni Jessiah sa usapan. "Wala pa rin ba 'yong photographer?" I asked in monotone umiling si Jessiah, mag-aalas sais na pero hindi pa rin kami nakapagsisimula dahil wala pa rin 'yong photographer. "May contact ba kayo do'n, sino ba kasi 'yong photographer?" Lumapit sa 'kin si Orellia at ipinakita ang profile ng nasabing photographer ngunit bago ko pa man matingnan 'yon ay bumukas na ang pinto ng studio at iniluwa ang isang napaka-pamilyar na lalaki. "Excuse me, talent ka ba? Sa second floor 'yong audition para sa mga male model." Si Jessiah na seryosong nakatingin kay Flash, kahit na sumagi na sa isipan ko na baka s'ya 'yong pamalit na photographer kay Tita Freen ay hindi ko pa rin 'yon pinaniwalaan parang ang hirap lang kasing maniwala. He's just a grade 12 student like me, hindi naman sa minamaliit ko s'ya pero parang napaka-impossible na isa na s'yang professional photographer para sa edad n'ya. Lumapit s'ya kay Jessiah at naglahad ng kamay katulad ng ginagawa ng isang propesyonal. "Ako 'yong nirecommend ni Ms. Freen na photographer, I'm Krenth Grivin." Halos sumayad sa sahig ang panga nina Jessiah at Orellia dahil sa narinig, some where shocked and some are amused. "Sorry na late ako medyo traffic kasi." He carefully scan the set and when his eyes met mine I think I saw him smirk or maybe I am just imagining things. "O-okay lang hindi ka naman gano'n kalate nakaset up na 'yong mga gagamiting camera, p'wede na tayong magsimula ngayon." Without saying a thing and further ado he walk towards the camera as he carefully inspect and check it. Mitikuloso... "Can we start now?" Orellia ask and plastered a smile, tumingin sa kanya si Flash at tumango habang si Jessiah naman ay sinenyasan na 'kong pumunta sa kanila. "By the way this is Astrid, she's our model obviously and she's also the daughter of the B&E and SMA's CEO." Ngumiti s'ya sa 'kin na para bang hindi n'ya ko pinagsarhan nang pinto ng cr at sinungitan sa campus. Pretender! Plastic, that annoying piece of jerk! "I do know her, she's my classmate." He smiled once more, tingnan mo kaya n'ya naman pa lang ngumiti pero kapag nasa school akala mo kung sino na sobrang lungkot at sungit. "Are you ready?" He asked in monotone,  isinabit n'ya sa kanyang leeg ang strap ng DSLR at ilang segundo matapos kong tumango ay sunod-sunod na ang naging pagkuha n'ya ng mga shot. Since I was five, I often do have a photoshoot, minsan para sa B&E kung hindi naman ay para sa mga article ng piling magazine na pinapayagan ni Daddy at Mommy na maifeature ako, o minsan ay kaming pamilya. Kaya naman hindi na bago sa 'kin 'to kaya hindi ko alam kung bakit sobra-sobra akong kinakabahan pakiramdam ko nga ay pagpapawisan na 'ko ng malamig. "Astrid, you're giving me that commercial smile, pretty face and I don't want it. This is a high-fashioned photoshoot I don't need your pretty face here it annoys me!" Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng kaba ng marinig ko ang komento ni Flash kasabay ng pagbitaw n'ya sa camera at frustrated na pagtingin sa screen kung saan direktang nakikita ang mga shots n'ya. Lumapit si Orellia sa 'kin at bahagyang inayos ang buhok ko, dinagdagan n'ya rin ang bronzer na nakalagay sa pisnge ko. "You look nervous Astrid, loosen up tama si Krenth masyadong pang-commercial 'yong expression mo sa mga naunang shot. You can do this just calm." She whisper and tapped my shoulder. Mariin akong pumikit at bumuntong hininga and when I openned my eyes flashes of his camera welcomed me,  komportable akong naupo sa couch at seryosong hinarap ang camera kasabay ng paghawak ko sa 'king leeg at bahagyang pagtingala. "That's it! Keep doing that it looks so beautiful." Jessiah shouted as everyone seems to cheer for me. Tatlong concept para sa photoshoot ngayon araw ang natapos namin sa loob ng halos dalawang oras. Everyone smile cheerfully as we wrap up  the photoshoot. "Astrid, come here take a look at this." Maybe it was the bold make up that makes me look older than my actual age, or maybe that kind of alluring vibe I get to feel as I check on my photo. "Gusto ko 'to, ang simple lang pero parang nang-aakit!" Orellia pointed out a certain photo, sa shot na 'yon ay nakatalikod ako ngunit bahagyang naka-ikot ang ulo ko na para bang mayroon akong nilingon, and take note that simple curve on my lips that make it look both sexy and mysterious. God, ako ba talaga 'yon? "Mr. And Mrs. Dela Vin will be proud of you, and of course Krenth did a great job as well." Sumulyap ako kay Krenth na seryosong tinitingnan ang mga shots ko, hindi ko alam kung katulad ng iba na naimpress rin ba s'ya o hindi pa, but I have to give him the credits of being a great and talented photographer. "It was a pleasure working with you, you did great, Flash." Nawala ang ngiti sa labi n'ya ng nilingon n'ya ko at napalitan na naman 'yon ng hindi ko maipaliwanag na eksresyon mula sa kanya. Bakit ba palagi s'yang mukhang naiinis kapag ako na ang kakausap sa kanya. "The pleasure is mine, Astrid, but I am not sorry for shouting on you earlier I had to do it because if I didn't probably we won't have this shot." Aniya habang nakatingin sa screen, I agree, baka nga hindi naging ganito kaganda ang mga shots kung hindi n'ya ginawa 'yon kanina. "Are you guys done?" Mabilis akong lumingon sa pintuan at nakangiting lumapit kay Mommy para yakapin s'ya. "Hi, Dad." Bati ko rin kay Daddy na nakangiti lang sa 'min ni Mommy.  "Tapos na po Miss. Stormie at mukhang mayroon na talagang susunod sa yapak n'yo." Si Jessiah na lumapit sa 'min, nagkatinginan si Mommy at Daddy bago sila ngumiti. "It runs in the blood, I guess." She mumbled. "Naka-alis na ba si Krenth?" Umiling ako at itinuro si Krenth na abala pa rin sa DSLR n'ya at mukhang walang pakialam sa nangyayari. "Kilala mo s'ya Mom?" Tumango s'ya sa 'kin bago n'ya iniligay ang iilang takas na hibla ng buhok sa 'king tenga. "I do, Flash Krenth Grivin is a renowned photographer at the age of 16, hindi mo ba alam 'yon?" Umiling ako at gulat na napatingin kay Flash dahil sa sinabi n'ya. Kung gano'n sikat s'ya paano? B-bakit hindi ko alam?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD